Intro

19 2 0
                                    


Hi ako nga pala si Sanny Samonte , Matalino , sakto lang sa height, hindi mataba sakto lang din , mahilig magbasa ng Harry Potter bakit ba potterhead kaya ako! Walang aangal. at siyempre Ang higit sa lahat Maganda .

Readers: wehhh???

Anong wehh??

Readers? : bat ang pangit mo sa cover?

Heh! Sarili ko na nga lang nag sasabi na maganda ako aangal ka pa!

Ok back to topic. Oo na aaminin ko maganda talaga ako , char! Siyempre joke lang gaya nga ng sabi mo, oo ikaw ! Reader ka diba? kung anong nakalagay sa cover nito ganyan din yung itsura ko , maganda naman diba?

ewan ko ba siguro nung nag pa ulan si Lord ng tigyawat at kapangitan ako lang yung sarap na sarap sumalo , hayst sana pala hindi nalang ako lumabas ng bahay nun edi sana ang kinis na ng muka ko pero ok lang

"normal lang naman mag ka pimples ah"

Yan ang lagi kong sinasabi kapag may nagtatanong kung bakit daw sobrang dami kong tigyawat at kulang nalang daw magiging chocolate hills na ang muka ko .

Pake ba nila?

Wala akong pake kung marami akong pimples ! Pinagpuyatan ko to uy!! Tapos lalaitin mo lang ? Wag ganun!

so ayan! Sana mag enjoy kayo sa story ko! Siguro naman mag kaka love life ako! Pero kung ayaw ni author ok lang din naman mamahalin ko nalang mga pimples ko!

See you sa next chapter!

ImperfectWhere stories live. Discover now