Chapter 7

20 1 0
                                    

CHAPTER 7: KUYA BRYCE

Misha's POV

Pagkatapos kong ma-meet si Claude ay umuwi na ako, gamit ko yung isang sasakyan namin, and since kahit student's license pa lang ang nakukuha ko pinapayagan na ako nila mommy na magdrive since soon ay makukuha ko na nga yung official na driver's license.

Habang nagdadrive ako ay biglang tumawag si Ashlyn saakin.

"Hey girl! Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong niya.

"Nagdadrive ako, pauwi na bakit? You need something?" Sagot ko habang nakatuon parin sa daan at nagdadrive.

"Pwede ka ba ngayon? Gym tayo! Nabobored na kasi kami ni Mikaela eh haha, wala pa naman tayong training, eh yung boys busy sila" Aniya.

"Haha natawa naman ako sa tanong mo, sige sige kita nalang tayo sa gym" sagot ko, sakto namang kakarating ko lang ng bahay.

"Okaay, see ya!".

"Hi Misha!" Bati ni Kuya habang palabas ng bahay.

"San punta kuya? Ganda ng ayos mo ah?! Pero siyempre ngayon lang haha" pang-aasar ko kay kuya, na siya namang hinabol pa ako bago pumasok sa sasakyan.

"Pupunta akong studio, sama ka? Haha ikaw tiga ayos ng gamit namin doon" tumatawa niyang sagot sabay ayos ng buhok niya sa harap ng salamin ng sasakyan.

"Ayoko nga haha, magy-gym kami nila Ashlyn, and hep! Yan na ang gamitin mong sasakyan ah! Akin yung nasa labas"

"Ano ba yan, ako nga gagamit nun eh, oh siya siya aalis na ako, naghihintay na yung client ko" sabi niya with a childish tone sabay sakay na sa sasakyan.

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto para kunin yung gym clothes ko.

Bago ako lumabas ng kwarto ay napansin ko yung owl themed wrapper na regalo sa ibabaw ng table,kinuha ko yun at pinagmasdan, ni wala man lang sulat or anything, tumunog ang cellphone ko kaya nagmadali na akong bumaba. Bago ako umalis ay tinanong ko kay manang, Yaya namin, kung kanino galing yung regalo at kung may dumating ba dito nung wala ako, tumawa naman siya.

"Kagagaling lang dito ni Ash, inasahan niya na nandito ka para ibigay yan regalo na iyan, itinanong ko nga kung anong mayroon pero wala naman siyang nabanggit, tumawa lang siya at sinabing siya na lang ang maglalagay ng regalo na iyan sa iyong kwarto" Aniya.

Tumango nalang ako at nginitian si Manang at nagsabing aalis na ako. Hindi ko na nagawang ibalik yung regalo sa taas kaya nilagay ko nalang iyon sa loob ng bag ko.

Nag-drive na ako papunta sa gym,nang nakapagpark na ako ay umakyat na ako at pumasok sa loob ng gym kung saan ko nakita sila Ashlyn at Mikaela na kasama ang mga trainers nila, bumaling ang tingin nila saakin kaya nagtime out muna sila sa pagygym kasabay ng pag-alis ng mga trainers nila. Pumunta sila sa information desk kung nasaan ako ng may hawak hawak na tuwalya habang nagpupunas yung dalawa ng pawis.

Fit at healthy silang dalawa, Si Ashlyn ay matangkad, mahaba ang buhok at natural na wavy ang buhok niya, matalino rin siya at masiyahin kaya mas nakadagdag ito sa features niya. Si Mikaela naman ay medyo mahiyain pero pag mas nakilala mo na siya, loka rin pala, pero maganda rin siya maputi matangos ang ilong, sakto lang ang haba ng buhok niyang bagsak na medyo lagpas lang ng kanyang balikat.

"So ano? Tara na?" Excited nilang tanong saakin, siyempre ano pa bang ipinunta ko dito. Dito sa gym na to kami madalas pumunta, dito na rin kami lagi nagwoworkout kapag free kami.

"Sige na sige na pasok na sa loob" sabi ko ng matapos akong sign in sa desk kanina. Inikot ko ang mga mata ko para hanapin ang trainer ko.

"Wala si Kuya Kevin? Asan siya?" Tanong ko sa dalawa.

"Ay oo! Sabi rin sakin ni Kuya Jake, nagleave ata siya kasi may emergency daw sa family niya, pero babalik naman daw siya" ani Ashlyn.

Nagsimula ako sa treadmill, hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa salamin habang namimili ng sisimulang buhatin. "Dito ka muna magsimula" napatalon ako sa gulat nang makita ko si Kuya Bryce na nasa tabi ko.

"Kuya!!!! OMG! Kailan pa kayo dumating!?" Si Kuya Bryce ay isa sa mga pinsan na sobrang ka-close ko, lagi kaming magkasama simula bata pa although may 3 year gap, laging kaming dalawa ang nagkakasundo, may twin brother siya si Kuya Hendrix, Older si Kuya Bryce ng 8 minutes kay Kuya Hendrix. Apat silang magkakapatid isang babae at isang babae, Si Kuya Tristan ang eldest sunod naman si Kuya Bryce, Kuya Hendrix at ang youngest na si Ate Quintin, older si Ate Quintin saakin ng 2 years.

Silang lahat ay nakatira na sa States pero paminsan minsan ay bumibisita sila dito.

Silang dalawa naman ni Kuya Hendrix ay may trabaho na,kasama nila si Tito sa Company nila bilang isa sa mga sikat na manufacturers ng Chocolates sa USA, Si Kuya Tristan naman ay nakafocus sa Photographyat Fashion Designing

Si Ate Quintin naman ay nagtatrabaho bilang isang model sa isang sikat na modelling company sa States, minsan si Kuya Tristan ang partner ng designer ng group nila Ate Quintin.

"Hey girl, I missed you so much" aniya sabay hug saakin ng mahigpit.

"Uh...kuya di na ako makahinga" sambit ko nang medyo mahigpit yung yakap niya.

"Ay sorry,namiss lang kita" sabi ni Kuya Bryce.

Simple ngunit maporma si Kiya Bryce, matipunong lalaki na may biceps at abs, paano ko nalaman? Pabiro ko kasi siyang sinasabihan na walang biceps at abs kaya ayun malimit niyang pinapakita saakin yung biceps at abs niya, pero siyempre in a funny manner. Pogi siya habulin ng lalaki, parehas silang matangkad at maputi ni Kuya Hendrix, identical twins sila ni Kuya Hendrix pero kahit magkamukha na sila makikita mo parin ang distinct feature ng isa't isa kaya kapag nakilala mo na sila ng sobra malalaman mo na kung who's who.

Si Kuya Bryce kasi palabiro yan, mahilig siyang makipaglaro, makipagbiruan, gentleman siya at alam niya kung kailan siya magseseryoso sa mga bagay bagay kahit na pranka siya. Si Kuya Hendrix naman parehas sila ni Kuya Bryce na marunong magseryoso sa mga bagay bagay, pero hindi siya ganun palabiro at makulit katulad ni Kuya Bryce, medyo cold ang personality niya sa umpisa pero gentleman siya at friendly naman kapag nakilala mo na ng husto, pero ayaw niya sa mga taong makukulit, opposite sila ni Kuya Bryce, but may mga times na nakikipag bonding siya saamin.

"Kailan pa kayo dumating dito!?" Tanong ko.

"Actually kani-kanina lang a few hours ago, kaya nga eto may jetlag pa haha pero oks naman ako" sabi niya habang pinapanood ako.

"Well it looks like my cousin is so fit huh? Ang ganda na ng shape ng katawan mo Misha!" Ani niya.

"Well sino ba kasi ang magaling na nagtrain saakin noon?" Patawa kong sagot, siya namang tayo ni Kuya Bryce na nagyayabang habang naka-open arms, di ko siya pinansin at binaba ang dumbbells na hawak ko.

"O siya tara Kuya I'll introduce you to my gym buddies" inakbayan ko siya gayun din naman siya.

C H E C K M A T E (on-going)Where stories live. Discover now