웃♥유 2.Enchanted

1K 17 4
                                    

Published: August 26

Dedicated to: @TheNerdyHearthrob, akala ko kasi walang nagbabasa ng story nato! Kaya nung nagcomment siya kanina na gusto niya ng dedic, edi, ginawan ko na agad ng Ch2! Hihi:D Thanks!

_______________________________________________________

  

♚Lucy’s POV♚

__ __ __ __ __

Ilang araw na din ako dito. Ilang araw na akong nakakulong sa kwartong ito. Ang tanging ginagawa ko na lang  dito ay ang pagmasdan ang paglubog ng araw at pagdating ng gabi sa bintanang iyon. Ni hindi nga ako nakakalabas para magpa bilad sa araw. Parang nanghihina na din ako at unti unting nawawalan ng enerhiya sa katawan. Ang araw kasi ang tanging nagbibigay ng lakas sa aming mga “Hada”. Dito din namin nakukuha ang kapangyarihan naming taglay. Pero sa kondisyon kong ito, mukhang malabo na ata akong makakagawa ng mahika.

*Tok!* Tok!* *Tok!*

Narinig ko ang tinig na iyan sa di kalayuan. Tumayo ako at agad na nagtungo sa may bintana. Sinundan ng aking mga pananaw kung saan nagmumula ang tinig na iyon. Laking tuwa ko na lang nang makita ko si Maya na tinutuka tuka ang bintana ng mga higante.

Ngunit paaano na ito? Hindi ako makalabas dito sa maliit na kwarto na ito. Nakasara kasi ang pintuan nito at ang tanging makakabukas lang nito ay ang nasa labas.

Pinagmasdan ko si Maya habang siya ay pabalik balik na paglipad sa labas ng bintana. Hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating sapagkat hindi ko naririnig ang kanyang boses.

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa aking higaan para mag muni muni. Ano nga ba ang dapat kong gawin para makalabas dito? Gusto ko na ring umuwi at paniguradong hinahanap na ako ni Haring Baranugon.

Ilang sandali lang ay narinig ko na nagbukas ang malaking pintuan. Sumilip ako sa mga bintana ng maliit na kwarto na ito at nakita ko si Angel. Pinagmasdan ko lang ang ginawa niya. Naglakad siya papunta sa kama niya at bahagyang umupo dito.

Kinuha niya rin ang isang bagay na hugis parihaba at bigla naman itong umilaw. Sa ilang saglit lang ay narinig kong may lumabas dito na musika. Ano ba ang musikang ito? Pinakinggan ko na lang.

[A/NPlease play the music--->]

 

Bilib ako sa dami ng naniniwala sa love song
Mga nagbubulag-bulagan at nag-iilusyon
Mga pasimple na nagbabakasakaling abanger
Waiting forever di makaget-over

Bumabalik pa rin ang ubod na kulit na damdamin
Mahirap daw na mainlove baliw-baliwan na din
Hindi makayang tanggapin ang final offer na friendship
Wagas sa iyong isip ang harsh na relationship

Well it’s complicated now di niya lang masabi sa iyo
Na huwag ka nang umasa daw pero iyan lang ang totoo

Oh no I should’ve known friendzoned
Ba’t hindi ka crush ng crush mo?
Wish mo lang na mutual ang feelings niyo
Oh no there’s more to life than love
Pag hindi ka crush ng crush mo
Life is fun but you just gotta find out how

ENCHANTED ❤Where stories live. Discover now