CHAPTER 5

283 8 2
                                    

(NASA TAXI PAUWI PAPUNTA SA DORM NG LADY SPIKERS)

Habang nasa taxi ay kinausap ni Ara si Mika tungkol sa nangyari sa MOA Arena.

"Mika, hindi ka rin loka loka. Bakit ba talaga tayo pumunta sa CR ng MOA? Nakakainis talaga yung amoy ko ngayon." sabi ni Ara.

"Hanggang sa taxi ba yan ang kinakukunoot ng noo mo. Sinabi ko na upang iwas dumog sa fans. Ayoko na maging attention grabber sa MOA Arena. Moment ng Green Archers. Ayoko makiagaw sa moment nila." paliwanag ni Mika.

"Hay Sus! May hidden motive ka kung bakit mo ginawa yun." sabi ni Ara.

"Ano naman Ara?" tanong ni Mika.

"Tinataguan mo si Gabby aminin." sabi ni Ara.

"Hoy Ara bakit napasama pa si Gabby sa usapan natin. Gabby, of course not." sabi ni Mika.

"Kinikilig si Yeye." sabi ni Ara.

Biglang kinurot sa tiyan ni Mika si Ara.

"Aray ko sakit Yeye ah." sabi ni Ara.

"Ano titigil ka na. Kapag di ka tumigil isang spike sa mukha ang makukuha mo." sabi ni Mika.

"O sige na. Yeye naman magkakapasa pa yata ito." sabi ni Ara.

Nakarating na sa dorm ng Lady Spikers ang dalawa at sinalubong na sila ng kapwa nila ka-dormates doon. Samantala ay binuksan ni Ara ang loptop niya upang magcheck ng facebook at twitter niya ng biglang nilapitan si Mika at may pinakita sa laptop.

"Ye, tignan mo tiyak magugustuhan mo ito di ba gusto mo ito." sabi ni Ara.

"Ano na naman kalokohan yan Ara?" sabi ni Mika.

"Basta." sabi ni Ara.

"Sige Ara kung One Direction yan sige titigan ko yan." sabi ni Mika.

"Oo Yeye yung paborito mo One Direction." sabi ni Ara.

"Talaga patingin." sabi ni Mika.

Nagulat si Mika sa nakita Facebook account pala ni Gabby Reyes ang nakita niya. biglang nagbago ang timpla ng mood niya at nagsungit.

"Buwisit ka talaga Ara One Direction ang gusto ko makita hindi isang reptile o butiki. Nakakainis ka na talaga Ara. Nauto mo na naman ako. Kainis. Ara! Ara! Hoy! kausapin mo ako." sabi ni Mika.

Noong mga oras na yun. ay tulog na si Ara noong nakita ni Mika habang tumatalak kay Ara. Ang hindi alam ni Mika ay nagtutulug-tulugan at simpleng silip siya kay Mika habang hinahawakan ni Mika ang laptop kung saan naka-open ang Facebook Account ni Gabby Reyes.

" Ito talaga si Ara tulog na pala hindi ko namamalayan." sabi ni Mika.

Tinitigan ni Mika ang profile ni Gabby dahil tulog na ang mga teamates niya at akala ni Mika wala ng maka-kita sa gagawin niya at browse sa laptop. Biglang banggit.

"Mmmm....... Gabby Reyes. Ito pala ang profile ni Butiki pero in fairness Cute siya." mahinang sabi ni Mika.

Noong mga oras na yun ay magkatabi sa kama si Mika at Ara. Hindi alam ni Mika na narinig ni Ara yun. Narinig ni Ara ang sinabi ni Mika at sigurado kinabukasan may bagong pang-asar si Ara kay Mika.

Kahit laging asaran ang palagi nangyayari kina Mika at Ara ay super close sila sa isa't isa. Tinuturing na nila ang isa't isa bilang magkapatid. Dahilan nito ay sa pagkakapareho nila sa mga gusto nila at laging pinagtiyatiyagaan at nakiki-ride sa trip ng bawat isa.

(KINABUKASAN)

Habang nasa hallway ng DLSU sina Ara at Mika at naglalakad ay binanggit ni Ara ang nangyari kagabi sa dorm.

Broken GlassWhere stories live. Discover now