Chapter 6: Strangers

31 4 0
                                    

Crystal's POV:

Panira naman ng moment si althea akala niya siguro nag-babasa na naman ako, nag-text  lang naman ako kay Angel na pumunta dito para may kasama ako. Bahala na si althea mag-enjoy sa new friends niya, kaya nga hindi ako bumaba kasi puro lalaki kasama namin dito. Bumaba na ako para makakain, ang sabi naman ni althea pupunta sila sa beach kaya wala na sigurong tao sa baba at solo ko na ang bahay. Pumunta na ako ng kusina para magluto ng pancakes, completo naman ang mga ingredients kaya oks na. Nagluluto na ako ng biglang...

"Ayy, impakto!!'' Sigaw ko. May tao kasing nakatayo sa may pintuan, pero teka...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nakalimutan ko ang pangalan niya, kasi hindi ako interesado.

"May naamoy kasi akong pancake kaya lumapit ako dito, at akala ko si althea ang nagluluto." Paliwanag niya.

"Oh!! Hindi ako si althea kaya chupi chupi kana." Sabi ko sa kanya, habang pinapaalis sa harapan ko.

"Sino ka para paalisin ako dito?" Tanong niya saakin. "Tsaka, ako impakto? Hahaha.'' Tanong niya, habang tumatawa. Bumalik nalang ako sa pagluluto, hindi kasi ako kumakausap ng stranger at mga baliw. Tsk!!

"Aray!!" Sigaw ko. Napaso kasi ako, at lumapit yung lalaki saakin kaya umiwas ako. Kaso..

"Saan ang masakit?" Tanong niya, habang hinahawakan ang kamay ko. Tinapakan ko ang paa niya, para bitawan niya ang kamay ko. Tsk!! "Ang sakit" Sigaw niya. Magdusa siya!! Aalis nalang ako dito, bahala siya sa buhay niya.

"Ano ba ang ginawa ko sayo, bakit ang init ng ulo mo saakin?" Tanong niya habang hinahawakan ang paa niya. Tinitigan ko lang siya at tsaka umalis na. Aakyat nalang siguro ako sa taas may baliw kasi sa bahay na ito. Kaso...

"Ano ba?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ka pang hilain, para mapansin mo ako.'' Sabi niya.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Ayaw mo akong bitawan ah, sige!!

"Araaaay!!! Ang sakit!!" Sigaw niya. Sinipa ko kasi si ano niya. Bwahahahaha.

"Kulang pa yan, sa paghila saakin. Manyak!!!" Sigaw ko, habang tumatakbo papunta sa kwarto.


Althea's POV:

Habang naglalakad ako pabalik sa bahay, may biglang tumawag sa phone ni crystal.

--Angel Panget Calling--

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

[Hi best, Omy na ako. Text kita kung anjan na ako sa resort.] Sabi ni Angel.

"Besty, si althea ito nasa bahay si crystal. Sasabihin ko nalang sakanya na tumawag ka." Sagot ko.

[Ok besty. Bye.] Sagot ni Angel.

"Ok ingat. Bye." Sabi ko.

--Call Ended--

Pinapunta pala niya si angel, nabobored siguro dahil walang makausap. Asan kaya nag-punta ang babaeng yun, naikot ko na nga ang boung rosort pero wala parin akong nakikitang crystal.

"Thea?" May sumisigaw sa likod ko pero hindi ko pinansin kasi hindi naman thea yung pangalan ko. "Thea, sandali." Sigaw nung lalaki, at kinalabit ako kaya lumingon ako para makita ko kung sino yung tumatawag ng thea at  si.... luke? Thea ang tawag saakin?

"Thea? Althea ang name ko hindi thea." Sabi ko sa kanya. "Bakit mo pala ako tinatawag?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Cute kasi ang thea, nga pala saan ka pupunta?" Tanong niya saakin.

His My Right and I'm His Wrong [On Going]Where stories live. Discover now