5 Mga ala-ala ni Ella

4.8K 95 0
                                    

PVO(Dean Kelvin)

Tanaw kona ang hacienda namin.. nakaabang na si yaya Trining sa labas ng gate.. siya ang pangalawang magulang ko.. at nakasama namin ni ella nung panahon nandito lagi si ella..

Habang papalapit ako..may mga bagay na naman ako naalala.. ang taong pinaka importante sa aking buhay si "ELLA"..

Isa sa pinaka mahalagang lugar,,itong hacienda.. lalo na ang "Paradise of love"..na pinangalan namin ni ella..kung saan kami nagkakilala at nagumpisa magmahalan..
Natatandaan ko pa ang araw na yun kung saan pareho kaming basang basa ng ulan at naghahabulan..

maraming masasayang alaala ang pinagsaluhan namin ni ella...Sobrang nasasabik na ako makasama at mayakap siya ulit siya..

Kamusta na kaya si ella?.. sigurado ako lalo siyang gumanda..

Namimis ko ang maamo niyang muka na hindi nakakasawang titigan..mga matang laging nangungusap,, bina-gayan ng malalantik na pilikmata,, mga labing kaysarap halikan.. at ang kaniyang halakhak na parang musika sa aking pandinig..

Kailan ko ulit makikita at mararamdaman ang yakap?..lalo na ang kaniyang halik....
Naramdaman ko naman ang pag patak ng aking luha,, sa mga alaala na aking binabalikbalikan..

Kung andito ka lang ulit!! ella sa aking tabi hindi hindi na kita iiwan,,hindi kita hahayaang malingat sa aking paningin.. ikaw ang nagpasaya sa malungkot kung buhay.. binigyang kulay mu ang aking buhay...

Si ella ang kaisang isang tao na gumawa ng paraan,,para mag-kabati ulit kami ni papa.. kung hindi dahil sa kanya baka hanggang ngayon, napopoot parin ako kay papa....

Malaki na pinagbago ni papa.. hindi na siya mahilig mag casino.. at hindi na niya sinasaktan si mama pag natatalo siya sa sugal...

Kaya ang laki ng nagawang tulong ni ella sa aming pamilya..

HACIENDA SAMONTE 1 (Paradise Of Love)Where stories live. Discover now