You just have to believe.

7 3 1
                                    

Title:You just have to believe.
Username:Dwayne_Wright08
Genre:Teen fic/Romance
One shot romance story:

Years past.Hindi pa rin sila dumadating.Lagi lang akong nakatanaw sa dati nilang bahay malapit sa park.Hanggang ngayon ay tanda ko parin ang pangako niya kahit na labin-dalawang taon na ang nakalipas.Pero umaasa pa rin ako na babalik siya at tutuparin ang mga ipinangako niya sa akin.

**Flashback**

~12 years ago

Ang sarap talaga ng hangin dito sa park.Alas tres na ng hapon kaya naman pinayagan nako ni Nanay na mag laro.Doon nalang ako sa swing maglalaro.Hahahahaha!

Pagdating ko sa swing ay may batang lalaking kasing edad ko lang na umiiyak.Ang isang swing naman ay bakante kaya umupo nako.Kaso nakakahiya naman kung maglalaro ako habang may umiiyak na bata sa tabi ko.Kainis!Hindi tuloy ako makapag enjoy!
AHA!Alam ko na ang gagawin!

Bumababa nako sa swing at lumapit ng kaunti sa bata.

"Psst bata!"Tawag ko rito ngunit hindi ako nito pinansin.

"Pssst batang umiiyak!"Tawag ko ulit dito pero hindi niya talaga ako pinapansin.

"Pssst!Batang lalaking naka kulay blue na Snoopie na umiiyak!"At sa wakas lumingon din siya.

"Bata,bakit ka umiiyak?"

Hindi niya ako pinansin at patuloy sa sa paghikbi.

"Bakit kaba kasi umiiyak?Ka-lalaki mong tao umiiyak ka!Bakla kaba?"

Mas lalong lumakas yung iyak niya.Patay!Pinaiyak ko pa ata.Anong gagawin ko?

"Uy!Sorry na!Joke lang yun.Hindi ka talaga bakla."

Buti nalang tumigil siya.

"Ayaw mo ba talaga mag salita?Ok.Ako nalang ang mag sasalita.Ako si Keisha Monteverde.Anak ng nagtitinda ng turon sa may kalye namin.8 years old.Nag aaral.Ah ano paba?Mahilig kumain.Cute na bata"

Bigla akong natigilan nung tumawa siya.Ang cute niya naman tumawa.Para siyang walang problema.

"Ikaw Cute?Hahahahaha!Eh mukha ka nang pusa!Hahahahaha!"

"Pusa?Mukha ka namang Aso!"

Bigla na naman siyang umiyak!Arg!Baliw ba tong batang to?

"Uy Sorry na!Ikaw kase eh!Sabi mo mukha akong Pusa."

"Eh sa totoo naman."

Hayaan na nga!Baka umiyak pa ulit.Lagot ako sa magulang nito.

"Bakit kaba kasi umiiyak?"

"Kasi aalis na kami.Pupunta na kami ng Europe."

"Oh?Ayaw mo nun?Yung iba nga pangarap pumunta sa Europe tapos ikaw ayaw mo."

"Ayokong iwan si Lola.Baka kasi mag ka sakit siya.Walang mag aalaga sa kanya dito sa Pilipinas eh"

Sa itsura palang ng mukha niya,halata naman na mahal na mahal niya ang lola niya.

"Wag kang mag alala.Baka naman may mag aalaga sa lola mo.Kung ako sayo,samahan mo nalang akong mag laro."

"Laro?Anong laro?"

"Basta.Sumama kana sa akin."

Hinatak ko na siya sa may buhanginan.Nag laro kami ng piko.Nakakatawa nga siya eh.Ang cute niya tumalon.Hindi pala siya marunong nun.Galing din pala siya mayaman na pamilya at ang bahay nila ay malapit lang sa dito sa park.

At Erdwikz ang pangalan niya.Erdwikz Mattew Palma.

Buong mag hapon ay naglaro lang kami ng kung ano-ano.Mukhang nakalimutan niya na yung problema niya.At kahit papaano ay gumaan din ang loob ko.Dahil first time kong magka roon ng lalaking kaibigan.Kaso mukhang hindi lang kaibigan ang nararamdaman ko.Crush ko na din ata siya.

You Just Have To BelieveWhere stories live. Discover now