✴ The Boy In My Dreams ✴

2.4K 79 31
                                    

Dedicated to: someone who was part of a childhood memory.


Gabi

Nandito ako, nakahiga sa kama habang nagbabasa ng Wattpad. Hindi pa kasi ako inaantok at gusto ko tapusin ang kwento na binabasa ko ngayon.

Nagbuntong hininga muna ako bago tumayo at lumabas sa kwarto ko. Pumunta ako sa fridge at kumuha ng malamig na tubig. Bakit kasi hindi ako inaantok pa? Insomnia ba to?


Ilang minuto ay natapos ko na agad ang storyang binabasa ko. Humiga na ako sa kama at inunat mga paa ko. Kahit man wala akong bf at lovelife kaya ko naman basta't may wattpad ako.


Pero minsan iniisip ko na ano kaya feeling na may mahal ka? Yung pakiramdam na ikaw lang at wala nang iba ang peg? Hindi ko kasi alam eh, masyado inosente ang utak ko pag "love" ang pinag-uusapan.


Kakawattpad nawalan na tuloy ng oras magkajowa!


Pinikit ko ang mga mata ko. Hopefully makatulog na ako kasi shet magkaka-eyebags ako nito eh.


Dream

Nakatayo ako sa isang damuhan. Malamig ang hangin at harap ko ay dagat. Kumunot ang noo ko.


Nasaan ako? Yun ang sumasagi sa isipan ko. Pero bakit hindi ako makasalita?


Pilit kong binubukas ang bibig ko pero sadyang ayaw talaga. Pipe na ba ako? Bakit ako nandito?


Huminga muna ako ng malalim. Kalma ka lang self hindi naman siguro nakidnap for ransom ka diba? Tsaka why would they? Wala akong pera! Wala na nga akong pera wala pa akong jowa.


Kung nasaan man ako, maglilibot na lang ako sa paraisong ito! Weird diba hindi ko nga alam kung saan ako tapos may gana pa akong maglibot didto mag-isa.


Naglakad ako sa dalampasigan malapit sa dagat. Haay, ang sarap ng hangin! Bakit hindi ko nakita ang lugar na ito noon pa man? Eh sana dito kami magbabakasyon ng pamilya ko. Napangiti na lang ako. Ang presko! Maganda talaga na therapy ang dagat.


Napatingin ako sa harap at bigla nanlaki ang mga mata ko. May lalaking bumunggo sa'kin at napa-upo ako sa buhangin. Masakit sa rin sa ilong ko kasi pakiramdam ko natamaan yata. Pango na ako mas papango pa?


Gusto ko sigawan siya pero naalala ko na, hindi ako nakakapagsalita. Bakit? Biglang may kamay na nakita ko sa harap at tinignan ko naman yung lalaki.


Sino siya? Hindi ko siya kilala, pero ang ganda ng mga mukha niya. Yung buhok niya ay itim at parang messy pero may swag ang dating. Yung eyebrows niya ay makapal pero cute at eyelashes niya ay mahaba at yung mga mata niya....parang napako ako sa kinaka-upuan ko. Anong nangyayari sa'kin? Bakit tumitibok ang puso ko?


Nakatingin pa rin ako sa kanya. Bigla nya kinuha ang kamay ko at tinulungan tumayo. Bigla ako napahigit ng hininga. A-ano 'to? H-hindi ko mabilang ang tibok ng puso ko. Hala gago ang gwapo.


He smiled at me. Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa puso ko. Ang bilis. Gusto kong magsalita. Magtanong, pero hindi talaga lumabas ang mga salita sa bibig ko. Pipe na ba talaga ako? Simpleng ngiti lang yun pero bakit kilig na kilig ako?


Who are you?


Tanong ko sa isip ko, fact na hindi ako nakakapagsalita. Gusto ko siyang makausap.


The Boy In My DreamsWhere stories live. Discover now