He Broke my Heart(One shot)

31 6 0
                                    

Bakit ba ang hirap mong kalimutan TANTAN. Bakit muba ako pinaasa nang ganung-ganun lang.
Nung una di ko akalain na mafafall ako sayo hanggang sa magkausap tayo araw araw magkatawag☎. At dumating sa point na mahal na kita.Di ko inaasahan yon Kasi sa totoo lang Ayokong mainlove, ayokong masaktan.
Pero dahil pinaramdam mo sa akin yung mga sweet na salita mo kagaya ng
"IKAW LANG AT WALA NG IBA" 
"AALAGAAN KITA NG HIGIT PA SA BUHAY KO" 
"SANA HINDI MAG BAGO ANG NARARAMDAMAN MO SAKIN"  "MAHAL NA MAHAL KITA"
"MISS NA KITA SANA MAGKITA NAMAN TAYO "
" GUSTO NA KITANG MAKASAMA" 
Kaya nahulog ako sayo. Dumating ang mga araw na di ko padin inaamin sayo na mahal kita. Nahihiya kasi ako Ang hirap eh Dikopa kaya. At lumipas ang ilang linggo sinabi mo sakin na "MAHAL MOKO" alam mo yung nalaman kuyan sobrang saya ko parang ang swerte2 ko kasi gusto ako ng taong mahal ko.
At palagi tayong sweet sa isat-isa at Masaya kang nakakausap ako. Masaya ka sakin. At doon ko nadin sinabi sayo na Mahal din kita. At sinabi mo sakin Ako lang talaga mamahalin mo at wala ng iba kasi yung future natin nag hihintay na sa ibang bansa at sabi mo doon tayo bobuo ng pamilya.
Nung una masaya tayo sa isat-isa natutulog tayo sa umaga at gising  pag gabie kasi sinasamahan kitang maglaro ng DOTA2 at  hanggang sa nag bago na ang lahat diko alam kung bakit. at ikaw rin nagbago na. Palagi nalang tayong nag aaway walang araw na hindi tayo nag aaway pero ako nalang ang umiintindi sating dalawa ako na ang humingi ng tawad kahit hindi kunaman kasalanan at ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang manatili ka sa buhay ko. At hindi lang yon dumating din sa point na bigla ka nalang nawala.
Nawala ng parang bula , dika na nagpaparamdam , wala ng text na nanggaling sayo. At pinupuntahan kita sa Internet cafe kung saan ka naglalaro ng dota2 pero wala ka don. Di ko alam ang gagawin ko nung mga panahon na yon. lagi nalang akong na sa kwarto ko nagkukulong nag momokmok, palaging umiyak, lagi kung sinisilip cellphone ko baka may txt ka pero wala parang kinalimutan mulang ako ng bastabasta. Kasi yung nag sabi ka na "MAHAL KITA,HINDING HINDI KITA IIWAN, E INIWAN MO DIN PALA AKO" ang tanga ko kasi bakit ba ako naniwala na hindi moko iiwan. na mahal moko , na ako lang at wala ng iba.
Nasan na ang yung dating nakilala kong lalaki na SWEET, CARING, LOVING.
Nasan na yung lalaking minahal ko? Yung palaging nandyan sinusortahan ako prenoprotektahan ako. Nasan nayung mga pangako nasinabi mo sakin? Wala na, naglaho na kasabay ng paglaho mo.
Alam mo Tinanong ko sarili ko kung ano ba ang pakukulang ko kung bakit bigla ka nalang nawala. Wala naman akong pagkukulang e dahil minahal kita binigay kuna lahat sayo. Di ko pala naisip na sa pagmamahal ko sayo yung sarili ko unti unti ng nasisira diko na na aalagan. Siguro nga ganon nga pag nagmahal ka, nagpapakatanga, laging nasasaktan. Parang madali lang sayo lahat, na iwan ako, na kalimutan ako, na para bang hindi moko sineryoso. Parang wala lang yung pinagsamahan natin yung panahon na masaya ka at masaya rin ako. Madali lang ba talagang kalimutan ang lahat? At Hanggang sa malaman ko na nagkabalikan pala kayo ng ex mo.Alam mo sobrang nasaktan ako sa ginawa mo. Tama bang binalikan mo ex mo at iniwan moko ng tuloyan? Ng ganun-ganun lang? Pero parang sayo ang simple- simple lang na iwanan ako ng basta basta lang. Ang sakit sakit talaga eh parang hindi ko kinaya ang sakit nanaramdaman ko. At Naging masaya ka bang kapiling sha habang ako sirang sira na dahil naibuhos ko lahat sa iyo at wala nang natira pa para sakin. Pero okey na yan, yung memories natin ay isang alaala nalang isang lesson na hindi lahat MAGTATAGAL. kahit pa sabihin niya sayo na kayo na dalawa habang buhay. Storyang nagbigay sakin ng mga alaala sa salitang "TAYO" 👫. Pero ngayun wala kana. Wala ng tayo👫💔. Alaala ng lahat at salamat na naging parte ka ng buhay ko hindi-hindi koto kakalimutan kahit nagpakatanga ako sayo. Baka nga hindi pa ikaw yung tunay na magmamahal sakin hindi pa ikaw ang Tanhada ko.
.
.
.
.
.
.
.
.

Salamat sa pagbabasa ツ May iba papo akong sinulat pero nasusuno kona i pupublished ツ sana nagustuhan niyo 😁 At patawad kung sobrang corny oh Oa yung storya. Yan talaga naramdaman ko nung iniwan ako ng mahal ko .

Follow mi as in Facebook:
/www. CHATTYCALIPESBEGUNA@YAHOO.COMシ
In Instagram:
*Itsmeeyshaattey10 シ
In twitter:
*Shaatteey10 THANKYOU PO😊 FOLLOWBACK KI KAYO ツ

HE BROKES MY HEART (One Shot)Where stories live. Discover now