Mcdo o Jollibee?

84 3 8
                                    

Naalala ko noon habang nagdidiscuss yung isa sa paborito kong Propesor tinanong niya kami, "Kunwari nagugutom na kayo tapos pumunta kayo sa may Jollibee na paborito mong kainan pero nakita mo napakahaba ng pila kaya naman lumipat ka sa Mcdo at nakita mong wala namang gaanong pila sakto lang para mag antay. Kung kayo ang paipipiliin saan ka pipila at kakain, sa Jollibee ba na napakahaba ng pila o sa may Mcdo na wala namang pila?

Dahil sa katanungang iyan ilan sa mga classmate ko ay nag-isip hanggang nagsalita uli ang aking propesor, " Diba mas pipiliin natin na kumain na lang sa Mcdo? Kasi dun walang pila hindi ka na mag-aantay at makakakain ka na agad diba? Mas praktikal".

Sumang-ayon ang karamihan sa mga classmate ko ang iba nama'y walang reaksyon tila walang pakielam sa aming discussion. Pero ako'y napaisip sa kanyang katanungan.

Sa Mcdo ba ko pipila at kakain gayong wala naman dun yung gusto kong kainin?

Sa Mcdo ba ko pipila dahil dun mas mabilis at di na ko mag-aantay ng matagal?

Sabagay, mas praktikal nga naman na doon ako pumila, kasi doon makakakain ako agad di pa ko mag aantay ng napakatagal.

Kaya ba ganun yung ibang mga lalaki? Mas pinipili nilang ligawan yung mga babaeng alam nilang madaling mapasagot? Kasi doon alam nila di na sila pipila at mag aantay ng matagal dahil alam nila makukuha ka din nila agad. Konting matatamis na salita lang alam nilang bibigay ka na.

Pero ang tanong masaya ka ba? Ayan ba talaga yung gusto o mas tamang sabihin, Siya ba talaga ang gusto mo?

Oo nga at nakakain ka agad at di na nag-antay ng napakatagal.

Pero ang tanong masaya ka ba sa kinain mo? Baka nga dahil yan ang una mong nakita sa Menu list yan na ang inorder mo, kasi yung gusto mo talagang kainin nandun sa Jollibee kung saan mahaba ang pila, kung saan matagal ka mag-aantay kaya nagtyaga ka na lang sa "okay na to", sa "pwede na to gutom na ko e".

Dun ko na-realized ayoko ng "Okay lang", ng "pwede na yan", ng "sige na nga ayan ang anjan e".

Dun ko narealized na mas gugustuhin ko palang pumila sa Jollibee kesa sa Mcdo. Mas gugustuhin ko palang mag-antay ng matagal kesa pagtyagaan kung ano lang yung meron jan.

Diba mas okay na yung mag-antay ka ng matagal, makakain mo naman yung gusto mo talalaga. Kumbaga alam mong magiging worth it yung pag-aantay mo kasi sa huli bukod sa nabusog ka na, nasatisfy yung need mo na gutom at sa huli alam mong magiging masaya ka kasi nakain mo yung gusto mo talaga. Yung hinahanap talaga ng panlasa mo. Yung hindi lang bubusog sa tiyan mo pati na rin sa puso mo.

Ikaw saan ka pipila at kakain, sa Mcdo ba o sa Jollibee? 😂

*********

Random Thoughts ?Where stories live. Discover now