My Personal Writing Tips

56.8K 2.8K 899
                                    

I dunno if makakatulong ito sa inyo since ito po ay base sa karanasan ko as a writer. Pero hopefully, makatulong naman siya kahit paaano.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

►ALONE

Ibig sabihin nito, mas makakatulong sa pagta-type mo ng story kung mag-isa ka lang. Halimbawa, nasa kwarto ka, make sure sarado yung pinto and you were alone. Alam niyo kasi minsan, nakaka-distract din yung mga tong nasa paligid natin, sakin it feels so awkward pag may mga tao sa paligid ko habang nagsusulat ako o nagta-type. Hindi rin kasi natin masasabi na tumitingin sila sa ginagawa natin o binabasa nila. Diba parang uncomfortable? Kaya ayun, mas gusto kong mag-type o magsulat sa place na ako lang.

►MUSIC

For me, napakalaki ng tulong ng music sa pagsusulat. Yung tipong maximum volume para mabingi tayo. Chos lang! Kasi po, imagine niyo, nagtataype kayo tapos halo-halong ingay yung maririnig niyo from nowhere. may ingay ng aso, pusa o ipis man, nakaka-distract pa din nyan. Pati ang sigawan ng kapitbahay na minsan naisasama mo sa sinusulat mo yung sinisigaw nila. Yung mga ingay ng sasakyan na akala mo may gyerang pupuntahan sa sobrang hagong ng mga tambutso nila. Yung mga kasama mo sa bahay na may kaniya-kaniya ring mundo, may kumakanta, may nanunuod ng TV na ang lakas-lakas. My God naman, edi nawindang ka nun diba. Kaya it's better may music ka. And para mas effective, dapat naka-headset ka para direct sa tainga mo.

►CHOCOLATES

Hindi po ito requirement. Sabi ko naman sa inyo, based ito sa aking personal na opinyon. Tuwing nagsusulat po ako, hindi pwedeng wala akong chocolate. Any chocolate form, pwedeng bars, biscuits or drinks man. For example, mas madalas na laman ng tiyan ko, yung chocolate drink na moo or chuckie, lakas maka-energy promise! At mas madalas talaga yung kinakain kong chocolate bars ay pure chocolate. Kung sa iab pong writers, kape yung pampagising nila, ako chocolate talaga. Nakakawala kasi ng antok tapos talagang gagana yung utak niyo. Yun kasi nararanasan ko. Kahit naman sa schools, pag mag-e-exam diba, kailangan kumain ak muna ng sandamakmak na chocolates para fresh yung utak mo bago mag-exam. Usually ang tawag ko po talaga sa chocolates ay "energy boosters".

►PAPER AND BALLPEN

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kasa-kasama natin ang ating desktop o laptop. kunwari habnag nagka-klase tapos biglang may nagpop-up na idea sa inyo, syempre alangan namang buksan mo laptop mo para lang mai-type. Simply just get your paper and pens and write some drafts para sa idea na biglang pumasok sa isip mo. Then pag-uwi mo sa bahay or pag may chance ng pwede mong i-open si laptop, pwede mo ng i-type kung anu yung naisulat mong draft.

►CELLPHONE

Mahalaga ang cellphone sa araw-araw na buhay. Pero alam niyo bang super useful din ng cellphone sa pagsusulat? Why. Kasi po halimabawa, nasa bus ka o jeep tapos may nag-pop-up na idea sa isip mo, syempre kailangan mo ng maisulat yun kasi baka mamaya, mawala sa isip mo at malimutan mo yung best detail sa idea na pumasok sa isip mo. Using cellphone, we can type on message, memo or even microsoft mobile which is meron ako na madalas kong ginagamit dahil masarap mag-type ng nakahiga. Haha. Katamaran strikes! Common sense lang kasi, hindi anman tayo makakapagsulat ng maayos sa papel habang sakay tayo ng bus o jeep. O habang nag-mo-mall, namamasyal diba? Pero pag cellphone, madali lang. You can do it.

►MOVIES

Nakakatulong ang panonood ng romantic movies para mas makapagsulat tayo ng isang story. Kasi minsan, yung pinanuod mo, ma-i-inspire ka talaga diba kaya iisipin mo gagawa ako ng ganitong klaseng story. Pero i'm telling you, wag na wag mong gagayahin yung mga scenes and lines. Pwedeng gayahin mo ng kaunti yung plot ng story pero you make sure na ibang-iba naman yung scene at lines nung sayo. Isa pa, mas makakabuti kung gagawa tayo ng sariling conflict. Baka kasi mamaya, kopyahin mo nalang mismo yung takbo ng story sa movie.  Ako kasi, giangawa kong inspiration ang mga movies na napapanood ko. Kung kayo minsan diba nasasabi niyo sa sarili niyo, "Sana ako din ganyan love story.." mga ganyan, so ma-i-inspire tayong gumawa ng sarili natin.

►BOOKS

Alam niyo ba yung kasabihang, hindi ka magiging writer kung hindi ka reader? Mahirap maging writer as for yourself lang. I mean, yung hindi ka man lang angbabasa ng ibang books tapos nakakapagsulat ka ng sarili mong book? Siguro meron, pero diba mas feel natin yung ginagawa natin kasi tayo mismo, nagiging reader ng sarili nating gawa. So how come na writer ka tapos hindi ka reader? Kaya matuto din tayong magbasa. Marami tayong matutunan, makukuha o mapupulot na aral sa pagbabasa, we can be inspired with the books we've read. Ako, Super fan talaga ako ni Bob Ong, kahit hanggang ngayon hindi ko pa alam ang totoo niyang identity. I have his books collection dahil siya ang writer na naging inspirasyon ko bago ako nagsimulng magsulat. Ang dami kong natutunan sa mga libro niya. Yung mga bagay na isinasawalang bahala natin tapos doon lang natin maiintindihan na mahalaga pala yun at hindi dapat bianbalewala. Sa kaniya ko rin natutunan ang pagiging pilosopo ko. Haha, he's so kulit kasi promise! Ang galing niya as in. Mahilig din akong magbasa ng english novels and tagalog novels. Any publishing company. Even here in wattpad, I used to read here. Kaya dapat, magiging READER kayo ng bonggang-bongga.

►RESEARCH

Everytime na magsusulat tayo, diba may pagkakataon na kakailanganin niyo si google? Tama lang yun, kaakibat din natin ang internet connection pag nagsusulat tayo. Halimbawa, may gusto kang idagdag na place or particular place o kung anu-ano pa para mas maintindihan ang sinusulat mo, lalapit lang tayo kay pareng google at click! Tapos ang problema. Mabilis pa. Di ba? Hindi naman kasi porket nag-research tayo ay wala na tayong alam. Ang pagre-research, mabuti yan kasi mas nadadagdagan ang kaalaman natin. Wag lang copy paste ng assignment, katamaran na yun. Haha.

►SUGGESTIONS

When i started writing i used to ask my friend kung okay ba yung idea ko, or ipapabasa ko sa kanila yung draft ko, and sometimes kasi may mapupuna sila. Guys, wag na wag sasama ang loob niyo dahil lang sa may napuna sila, hello, dapat nga matuwa ka kasi ang mga taong yun ang tunay na kaibigan because their being honest with you. May mga tao kasing sipsip na kesyo sasabihin sayo, ay ang ganda sobra! Pero deep inside, di ka naman nagandahan. Ka-palstikan po iyon. Kaya kung ako sa inyo, learn to listen to your trusted friends or colleague.

►FOOD

Tulad ng chocolate hindi ito requirement at base lang sakin. Wag na wag kayong magsusulat ng gutom. Kasi once na naabutan na kayo ng gutom, learn to stop for a while para kumain. Know why? Kasi po once na nagsusulat ka tapos naramdaman mo yung gutom, parang maamdaliin mo nalang yung sinusulat mo para matapos ka na at makakain ka na. Oh, edi nasayang yung pagod mo. Learn to be healthy pa din kahit subsob ka na sa pagsusulat.

►TIME

Kailangan po natin ang oras. Kung hindi ka marunong mag-manage ng oras mo, kawawa ka. Halimbawa ang dami mong assignments from school tapos atat na atat kang sulatin yung nobela mo, edi ewan nalang kung hindi ka maloka nun. Kaya mas maganda, halimbawa pumapasok ka sa school ng mon-fri, better to do all your school wroks first bago magsulat kasi ang pagsusulat anytime naman pwede yan eh. Hindi porket writer tayo eh dapat pabayaan mo na pag-aaral mo. Manage it. Magandang trabaho ang maging writer dahil hindi yan demanding sa oras. Hindi yan nakikipag-agawan ng oras. Kung may ideas ka na at kating-kati ka na isulat, better to write a draft nalang muna bago ka mag-focus. Kasi mahirap ding magsulat ng iniisip mo yung iba mong gawain.

► EMOTION

Learn to practice your emotions kasi alam niyo ang pagsusulat, kakaialnganin mo ang lahat ng emosyon para makabuo ng story. Paano mo yun mas mapapanindigan kung hindi mo alam kung paano tumawa, malungkot o umiyak? Paano mo nmalalaman kung ano yung mga bagay na nagiging masaya tayo o nagiging malungkot? Syempre papasanin mo lahat ng emosyon na pwedeng ilabas ng mga bida mo sa story. Kung hindi naman dapat sila matawa as scene, wag mo silang pipiliting patawanin as well as other emotions. Just go with the flow. 

--

Dito nalang po muna, dadagdagan ko pa ito as long as may ma-i-share ako sa inyo. At sana, medyo makatulong ito kahit papaano sa inyo. Inuulit ko po, base po ito sa sarili kong opinyon and experience as a freeelance writer. 

Kamsahamnida to those who read it hanggang last. ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My writing tipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon