Ms. Clumsy Meets Mr. Perfect {BOOK 2} [19]

1K 30 0
                                    

ilang months na rin ang lumipas noh, pero simula nun eh hindi na nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap si Jake at Tiffy habang si Fade at Keen naman ay happy couple. kaya naman gumawa ng paraan si Fade para magkatuluyan ang mortal niyang kaagaw at ang taong mahal niya. DATI :)

*1 text message recieved* tapos tiningnan ni Jake ang cellphone niya para icheck kung sino yung nagtext.

"hey punta ka dito sa *TTTOOOTTTT TOOOTTT* CAFE' " text na narecieve niya mula kay Tiffy. ganun din ang narecieve ni Tiffy na Text at galing naman kay Jake.

"Keen, alis na muna ko. may pupuntahan lang ako." pagpapaalam ni Jake kay Keen magkasama kasi sila kasi gumagawa sila ng thesis.

"sige sige ako nalang ang bahalang tumapos dito." tapos eh umalis na siya. nang dumatin si Jake sa cafe' eh ang dilim tapos may biglang nagplay yung flatscreen TV dun hindi naman sa o.a pero malaki talaga yung T.V. pictures ang lumabas. pictures nilang dalawa ni Tiffy. tapos eh biglang umangat yung flat screen T.V kasama nung wall. at nakita ni Jake si Tiffy sa harap niya .

"may gusto ka pala saken?!" sabay nilang sabi sa isa't isa. tapos eh nakita nila si Fade at Keen na nasa isang gilid. at nakangiting tagumpay. ganun din kasi ang napanood ni Tiffy katulad nung kay Jake.

"ok. gusto kita. yun na yun, kung lalayuan mo ko go ahead." tapos eh yumuko si Tiffy. pero biglang lumapit si Jake sa harap nito at iniangat ang ul niya.

"yeah, it's been months simula nung time na yun, yung time na narinig ko yung puso mo na sumisigaw."

"pero kasi"

"ako muna ok? nung bumalik ako dito, simula nung naaksidente ako. hindi talaga ako bading, yeah nagpanggap ako para parang normal pa rin tayo. pero dumating yung time na parang di ko na kayang magpanggap kaya nung camping eh bigla nalang kita niyakap. wala akong balak na magpanggap na. pero nung bumalik kasi ako dito sa pilipinas tinamaan ako ng isang malalang sakit. na nangyayari lang sa mga lalaki you know what that is? KATORPEHAN kaya naman binawi ko yung sinabi ko sayo na will you be my Girlfriend."

"eh siraulo ka pala eh alam mo bang ang hirap itago nung nararamdaman ko para sayo?! tapos iniwasan mo pako ng ilang buwan."

"umiwas ka rin kasi. akala ko sa gagawin kong pag-iwas sayo mawawala din yun. kaso hindi lalo pa nga atang lumala."

"wag mo na ulit gagaawin yun ha."

"yung?"

"yung iwasan ako, ang hirap kasi. ang sakit pati."

"wag kang mag-alala di na mangyayari yun," tapos eh hinalikan nito sa labi si Tffy. sabay nagpalakpakan naman yung dalawa.

"SA WAKAS! MAKAKASAL NA RIN!~" nagulat sila ng marinig nila ang isang pamilyar na boses. ang boses ng ama ni Jake XD

"teka kayo ba may pakana nito?" tanong ni Jake sa dalawa.

"ah eh kasi hui wala kaming kasalanan hiniram lang naman namin yung cellphone niyo eh :)"

Ms. Clumsy Meets Mr. Perfect {BOOK 2} (COMPLETED)Where stories live. Discover now