Couples Outing

6.8K 171 22
                                    

Hello guys sensya naman kung ngayon lang nakapagupdate hehe mahirap talagang mag update pag dalawang story...

Nagkita kita na ang magkakabarkada and imagined the shock nang malaman nilang buhay pa si Arnold Saavedra, at papaya ba silang ganoon lang ang reunion nila, it calls for an outing...

Picture of Julian on the right=====>>>>>

Song is Alapaap by Eraserheads

==================================================================================

CHAPTER THREE

Julians' POV

Hindi ko mapigilan hindi mangiti habang nanonood at nakikinig sa magbabarkada, kitang kita ko ang pag kamiss nila sa isa't isa lalo na si Larry ko na alam kong labis na nagdusa ng akalain nitong nawala na ang matalik na kaibigan.

Siyempre hindi naman pumayag sila na isang araw lang nila makasama muli si Arnold kaya napagdesisyunan na pumunta kami sa resort nila Louie.

Kahit mga busy sila Ken and Louie sa trabaho ay agad din silang nakapagfile ng leave eh boss ba naman ang Daddy ni Louie and alam nito kung gaano ka cloclose ang apat.

Si Larry naman ay nagdecide na saka na ituloy ang ginagawang mga painting para sa nalalapit nitong solo art exhibit.

Noong nagpunta silang magkakabarkada dito ay hindi ako kasama dahil hindi pa naman kami ok noon ni Larry.

Madaming nakuwento sa akin si Larry tungkol kay Arnold, hindi ko siya masyadong nakilala dahil bago pa maging ok sa amin ni Larry ang lahat ay nangyari na nga ang aksidente noon, ngunit pagkakakita kong muli ditto ay alam ko nang mabuting tao ito, lalo na't ito ang taong minahal ni Jake.

Nasa harapan ang apat samantalang magkatabi kami ni Jake, nagdecide kami ni Jake na bigyan ng time ang apat na mag catch up sa mga nangyari sa buhay buhay nila.

"So how does it feels, na muli mong makasama ang taong mahal mo?" tanong ko kay Jake, na tahimik lang habang nakikinig sa apat.

"Mahirap iexplain eh, it's like living and breathing again." nakangiti nitong sinabi and I can relate to that since ganoon din ang naramdaman ko nang muli kaming magkita ni Larry.

"Guys ready your swimming attire since malapit na tayo." ang sabi ni Louie at nakikita ko na ang kulay Azul na dagat which reflects in the sky.

Maganda ang lugar at makikitang may mangilan ngilang mga pamilya na naliligo sa dagat, ilang minute lang ay kanya kanya na kaming buhat sa mga dala namin.

Sinubukan kong buhatin ang coolman na pinaglalagyan ng mga inumin namin when Larry stopped me.

"Ako na diyan." he said smiling at me being a real gentleman that he is. So nagkasya na lang akong buhatin ang dala kong bag papasok sa resort ng mga Solis.

Pagkapasok sa resort ay agad naman kaming inasikaso ng caretaker ng resort na si Mang Arthur, nakahanda na ang mga pagkain namin. Halo halo sugpo, isda, pork barbecue, manggang hilaw at bagoon at kung ano ano pa.

Sa labas ng resot kami nagdecide kumain at hindi maubos ubos ang kuwentuhan at tawanan habang patuloy kami sa pagkain.

"Biruin mo ba naman na si Louie Solis ay mahuhulog kay Ken, I mean matagal ko nang napapansin ang lihim na tingin nitong kaibigan na din kay Louie pero alam niyo na sobrang manhin nitong si Louie na hindi napapansin na iba na pala ang tingin sa kanya ng best friend niya." Arnold said sa nahihiyang si Ken habang si Louie naman ay kuntodong ngiti.

"Eh anong magagawa ko magaling lang magtago si Ken mabuti na nga lang at natiis ako nitong kaibigan natin eh." Louie said sabay kindat sa namumulang si Ken.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Where stories live. Discover now