Chapter 14 -Ikaw lang sapat na.

266 11 0
                                    

Yan yung beach resort

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yan yung beach resort. ↑↑ paki play rin nung tugtog.

3rd person's POV:

"I miss this.. I miss the old us." Sabi ni Kiel kay Zyra.

"Me too.. I miss you." Sabi ni Zyra kay Kiel.

"I miss you more.. walang araw na hindi kita inisip. Ang tanga tanga ko kasi, kung bakit pa kita pinakawalan." Sabi ni Kiel.

"Okay lang iyon.. may natutunan naman tayo duon diba. Siguro ito talaga ang tadhana natin." Sabi ni Zyra. Napangiti naman si Kiel.

"Salamat Zyra, salamat sa second chance na ibinigay mo saakin." Ani ni Kiel. Ngumiti naman si Zyra..

KZ's POV:

Gosh! I'm much more when I'm with him.
"Alam mo ba, nung iniwan mo ako.. bakla man pakinggan pero iyak ako ng iyak nun. Alak duon, alak dito. Naging basugalero ako. I realized na, ang tanga ko. Kasi iniwan pa kita. At pinagpalit kita sa ex kong, nang iwan saakin dati." Sabi ni Kiel habang nakangiti.

"Akala ko, hindi ka na babalik. Pero nung bumalik ka, gustong gusto kitang sunduin sa airport. Pero bigla kong naisip na, bakit ko siya susunduin? Tiyak na pag sinundo ko iyon sira na agad ang araw nun.. at ayaw kong mangyari iyon. Everyday, everynight.. ikaw lang ang nasa isip ko. Yung kay Hazel? Oo dati nung iniwan kita dahil sakanya, may kutob ako. May kutob ako na baka.. siya parin ang mahal ko. Pero hindi.. simula nung iniwan mo ako, na realized ko na ikaw. Ikaw talaga ang mahal ko. At siguro nag tataka ka kung bakit ko girlfriend si Hazel ngayon, noh? Dahil nga may sakit siya sa puso. Alam mo na nung nag sabunutan kayo, sa parking lot ng mall e inatake siya nun? Tinext ako ni Tita Litet. Sabi ni Hazel saakin, lalaban raw siya pero sa isang kondisyon. Mahalin ko siya. I tried.. pero hindi tumalab. Dahil ikaw parin hanggang ngayon." Mahabang sabi niya. Napaiyak naman ako dahil dun.

"Gosh! Pinapaiyak mo naman ako e." Tanging nasabi ko.

"Yun lang nasabi mo? Ang haba nung sinabi ko e." Sabi ni Kiel. Nag pout ako.

"Sorry naman." Sabi ko at tumakbo. "Habulin mo ako! Bleeeeh." Sabi ko.

"Tch. Psycho." Sabi niya.

"Ikaw yun! Bilis habulin mo na akooo!" Sabi ko. At tinaya taya si Kiel.

"Lagot kasaakin pag nahuli kita." Sabi niya. Kaya binilisan ko yung takbo ko.

"Kung mahahabol mo ako!" Sabi ko.

Halaaaa! Mahahabol niya na ako.

.
.
.

"Huli kaaaa!" Malakas na sabi ni Kiel. Nag pout ako.

"Madaya!!" Sabi ko.

"Anong madaya dun? Haha! Para kang bata. Halika nga." Sabi niya.

"Bakit? Bata naman ako a. Bakit matanda naba ako?!" Sabi ko. Tumawa lang sya.

"Psycho." Sabi niya at iiling iling.

"Tchh." Sabi ko.

"Joke lang. Mahal kita." Sabi niya. Asus! Kakilig mga bes.

"Mahal din kita." Sabi ko. Ngumiti siya.

"Nakakakilig! Pucha, ang bakla ko. Haha!" Sabi niya. Ang swerte ko dahil meron akong Ezekiel.

"By the way, pasensya na at wala akong regalo sayo." Sabi pa niya. Ang sinasabi niya e wala siyang regalo saakin nung birthday ko nung nakalipas na apat na taon.

Ngumiti naman ako ng matamis.

"Jeje man pakinggan, pero ikaw lang sapat na." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Wag mo na akong iiwan, ha?" Sabi niya. Tumango naman ako.

"Oo, hindi na kita iiwan pa. Pangako ko iyan." Sabi ko.

"Pinky promise?" Tanong niya.

"Pinky promise." Sabi ko.

Sana.. hindi na matapos ang oras ngayon. Sana.. araw araw kaming ganito. Yung kami lang.. yung walang mangingielam. Yung walang, Hazel Kahn na sumisira sa pag mamahalan namin. At sana, mag patuloy na ito.

-----
























Short update. Dalawa ia-update ko ngayon. Sorry rin kasi late. Mwaaa! :*

Pag Dating Ng PanahonWhere stories live. Discover now