seven ain't my type

211 25 10
                                    


Para lang akong tangang nakatanga sa screen.

"Warwick pawned SuperKulugo's head for 255 gold!"

"Warwick is dominating!" Lumipat ang tingin ko sa orasan. "Respawn in 45 seconds."

Nagsimula nang mag-lag dahil bumabaha na ng chat messages.

"Bobo ng mid."

"Feeders."

"Noob?"

Nagmura ako at pinindot ang alt + tab sa Facebook.

This is all because of number seven.

And seven ain't my type.

___

Madaling maklasipika ang mga babae.

The number one is for Amazonian women. Yun bang tipong lalaban sayo mata sa mata at ngipin sa ngipin.

Pangalawa ay yung mga Volleyball girls at lahat ng hot, athletic yet dumb sportswomen.

Pangatlo ay yung mga magaganda. Yung mga beauty pageant candidates, mga chix na pinanganak yata para magpabebe, mag-inaso at sumigaw nang sumigaw ng 'World Peace!'.

Habang ang pang-apat naman ay yung mga madre, ang buhay na isang malaking 'Ora et Labora', yung mga banal at ang buhay ay umiikot lamang sa trabaho at dasal.

Ang panglima? Ito yung mga dean's lister, yung ang mga motto sa buhay ay: 'Love can wait but studies can't' at ang mas pinaikling 'Study first'.

Pang-anim naman ay yung mga rich kid. More specifically, rich girls. Yung mga nag-i-stroll sa mga mall habang may nakasabit na mga jewelry sa katawan at soot ang mga branded na damit, sapatos, bag, isama na rin natin ang panty at bra.

At ang huli, ang pang-pito. Ang mga damsel in distress.

Seven ain't my type.

And a swimming number seven is hell personified.

___

Fourth year high school ako nang mapunta ako sa sitwasyong ayoko-nang-balikan na sitwasyon.

Nag-cut class kami ng mga barkada ko kasama na ang ilang 'patapon' boys at nagtungo kami sa ilog na malayo-layo sa school dala ang alak, mga sigarilyo, damo, itlog at mga baon namin.

Nalasing ako at nakalimutan kong hindi pala ako marunong lumangoy nang walang-kimi akong tumalon galing sa mataas na punong mangga padiretso sa tubig.

Cool, you think?

"Wow! You have a near death experience? Awesome!"

Kung akala mo na ang pagkakalunod na parang bato sa ilalim ng malalim na tubig habang pinipilit makahinga ay cool at awesome, siguro pwede mo ring subukan minsan.

Nagkaroon ako ng Wetterophobia. 'Wetter', na ang ibig sabihin ay 'bodies of water' at 'phobia', na ang ibig sabihin ay 'fear of'. Natakot ako sa anumang bodies of water.

seven ain't my typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon