Chapter 18

1.9K 70 6
                                    

The Last Vampire Princess


Chapter 18: Truths


<Play the video while reading...>


Vlad Reaper's POV

Vlad Reaper's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Ivy Zachary. Ang taong minahal ko at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Nuong inakala kong patay na sya, namatay na rin ako. Pakiramdam ko hindi ko kaya kapag walang Ivy sa tabi ko. Tas malalaman o ngayon na buhay pala sya. Nakakasama ko na sya pero hindi ko man lang namamalayan. Kaya pala ganun ang epekto nya sakin. 


Vlad Reaper: Paano nangyari 'yun?

Reyven Chandross: Simula pa lang alam ko na. Bago patayin ang mga Zachary, sinabi sakin ni Tito Vann ang lahat. Ipinaalaga nya sa kaibigan nyang tao si Ivy. Kasabay mo, lagi kong sinusubaybayan si Ivy sa mundong ginagalawan nya. Hanggang sa namatay na sila Tito. Vlad, sinabi ko naman sayo iyon diba? Ako nga yung nagsabi sayo na pinaalaga si Ivy kay Tito Caloy kaya nagkakausap pa rin kayo ng mga panahong iyon. Pumunta ako sa bahay nila dahil may pinakita si Tito Vann na sobre sa panaginip ko. Hinanap ko iyon at binasa. Nakipagkasundo pala sila kay Tita Alice. Nakipagsundo sila na kapag 15yrs old na si Ivy, mabubura lahat ng ala-ala nya at kusa lang itong babalik kung babalik kung may isang kapamilya ni Ivy ang mamamatay. Iyon ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ni Ivy. Iyon ang dahilan kung bakit bigla na lang syang nawala sakin. Kung bakit bigla na lang nya tayong iniwan. Kung bakit hindi nya alam kung ano ba talaga sya... tayo.

  Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Patay na ang mga Zachary bukod sa kanya. So, hindi na pwedeng bumalik ang ala-ala nya?

Caiden Livingston: Ilang araw ko na ring hinahanap si Tita Alice, baka kasi may iba pang paraan. Pero hindi ko pa sya nahahanap hanggang ngayon.

  Marami pa akong tinanong sa kanila. Ang iba ay nasagot nila ngunit may iba rin na hindi nila nasagot. Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Masyadong mahirap isipin ang mga pangyayari.


*Tok!* *Tok!*

Red Goon1: Hoy Reyven! Sinong kausap mo dyan? 

  Napatingin agad ako sa pinto. Hindi ko naman binalak na malaman ang susunod na mangyayari pero nalaman ko pa rin. Nandito na sya. Nandito na si Maxx. At pahihirapan nya si Reyven.


Caiden Livingston: Tara na Vlad!

  Hinila nya na ako sa pader kasabay ang pagbukas ng pinto ng kinalalagyan ni Reyven. Nakabalik kami sa kwarto ni Caiden matapos ang ilang segundo lamang.


Caiden Livingston: Kailangan na nating gumawa ng plano, Vlad. Baka mahuli na ang lahat.

Vlad Reaper: Paano tayo gagawa ng plano kung hindi pa natin alam ang lahat?! Hindi pa sapat ang alam nyo ni Reyven! 

  Nagkulong ako sa kwarto ko matapos nun. Hahanap ako ng paraan para maibalik ang alaa-ala ng taong mahal ko. Lahat gagawin ko....


--------------------------

Silent Readers!!!!~ Mag-ingay naman kayo HAHAHAHAHAHA!

The Last Vampire Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon