Chapter 2

26.7K 483 4
                                    

"Hay nako hindi ka parin titigil sa kakahabol kay Ken?!" pangangaral ni Avery sa kanya

"hindi no" pursigidong sabi niya sabay ngisi dito

Nandito siya sa bahay nito tumatambay wala kasi siyang magawa doon sa cafe shop niya.

"ewan ko sayo Jess ilang ulit ko ng sinabi sayo na hindi seryoso sa babae yang si Ken"

"Huwag kang mag-alala sa akin Avery hindi ako titigil hangga't  hindi ko mapapaibig sa akin"

 "Nong time na nakita mo siya sa bar hindi mo na siya tinatantanan" napabuntong-hininga ito at umupo ng maayos sa kama.

Napangiti siya ng maalala niya nong una palang nilang nagkita ni Ken sa bar.Doon na siya nagsimulang humahabol kay Ken Schrutz

Nandito sila sa VIP Room nagb-bonding sila ni Avery nakakatawa nga eh dahil nakabusangot ang mukha nitong nabungaran niya.Kararating lang nito sa Pilipinas galing San Francisco.

"hi friend"prenteng-prente siyang nakaupo sa sofa at nagsalin ng Wine sa baso niya.

"HI" tipid na anito.

Napatigil siya sa pag-inom ng Wine at nawala ang ngisi niya sa mga labi ng nahalata niyang may problema ito "Oh,kung makabusangot ka dyan parang pasan mo ang mundo ah " biro niya

"Tumigil ka Bruha ka" sita nito

"Anong problema ?" takang tanong niya.Hindi ito umimik nakatingin lang ito sa kanya "Ay dedma lang ang peg ko dito ?ano ito guessing game ang lalaruin natin? " napaisip siya sandali "Hulaan ko si Zeo na naman no?" kumuha siya ng inumin at ibinigay niya ito sa kaibigan"Tagay ka muna dyan" paanyaya niya.Inisang lagok lang nito ang alak.
"Uhaw lang teh?ano ba ang problema mo?" takang tumingin  siya sa kaibigan
"Zeo" mahinang sabi nito
"Oh ano na naman ang ginawa ng hayop na yon?"
"Hindi siya hayop,tao siya Jess" paliwanag nito
Napaismid siya"Sa ma-tao o sa ma-hayop.Asal hayop parin iyon"
"Sila parin pala" tumingin ito sa kawalan at sabay lagok ng alak.Takang tinititigan niya ito "Anong sila parin?Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Sila parin pala ni Clarissa" kumunot ang noo niya sa sinabi nito "eh ano naman sayo kung sila parin ng impokritang dati mong bestfriend?"
''Ang sakit parin pala" naiiyak nitong sabi. Hinawakan niya ito sa kamay
"Friend naman akala ko ba nakamove-on ka na"
"Akala ko nga nakamove-on na ako pero nong makita ko siya ulit bumalik lahat.Akala ko okay lang sakin at hindi na ako masasaktan.Sa anim na taon na iyon ginawa ko lahat para malimutan ko siya at ibaling ang pagmamahal ko sa iba pero nong makita ko siya bumalik ang pagmamahal at sakit na naranasan ko sa kanya.Nandito parin siya eh .." tinuro ang dibdib nito " siya parin ang nagmamay-ari nito" humagulhol nitong  sabi.Naawang tiningnan niya ang kaibigan "Mawawala rin yan kahit matagal pa ang aabutin ,mamanhid rin yan kapag nasasanay ka na sa sakit na idinulot ni Zeo sayo" pag-aalo niya  at yumakap dito
"Salamat Jess na nandito ka at nakikinig sa kadramahan ko"
"Wala yan bestfriend I always here for you kaya tumigil ka na sa kakaiyak.Ay wait lang Avery restroom muna ako" sabi niya at lumabas patungong banyo.

Pagkarating niya pumasok kaagad siya sa cubicle at umihi na.Naghugas muna siya ng kamay bago lumabas sa restroom .Hindi niya alam napaglabas niya may nakabangga siyang matipunong katawan.Pang-angat niya ng ulo napansin niyang gwapong lalaki napatulala siya dito.
"Miss tabi" pasuplado nitong utos sa kanya.
"Huh?" nakangangang tanong niya.
"Sabi ko tabi dyan dadaan ako" napasunod siya sa utos nito "a-ah okay s-sorry.Ano pala pangalan mo?" hindi siya nito pinansin at patuloy itong naglakad patungong banyo kaya hinabol niya ito kailangan niyang malaman ang pangalan nito .Nang mahawakan niya ito sa braso  "What?!" kunot-noong humarap ito sa kanya.
"Anong pangalan mo?"
"None of your business" masungit na saad nito.
"Sige na titigilan na kita basta sabihin mo muna sakin kung ano ang pangalan mo" pangungulit niya dito kaya lalong kumunot ang noo nito at bahagya itong yumuko at tinititigan siya nito kaya mas lalong humanga siya sa lalaki  .Ang ganda ng kulay ng mga mata nito nakakahipnotismo ang sarap titigan.
"Ken Schrutz" tumalikod na ito sa kanya pagkasabi ng pangalan nito.Napasimangot na lang siya sa ginawa nito hindi man lang tinanong ang pangalan niya.Dumiretso na lang siya patungong VIP Room kung saan ang bestfriend niya kahit wala parin siya sa sarili dahil sa paghuhumaling niya sa lalaki kanina.Nang tuluyan na siyang makapasok sa VIP room nagtatakang tumingin sa kanya si Avery "oh,bakit namumula ang mga pisngi mo?" taas-kilay nitong tanong sa kanya
"Yon nga eh kinikilig ako Ave Grabe ang gwapo niya" tili niyang sabi dito.
"Naiintindihan  mo ba ang lahat na sinasabi ko?" umiiling ito "hindi"
"Nakita ko na siya ang the man of my dreams" kinikilig niyang sabi at hinawakan ang mga kamay nito.
"Sabi ko nga Kitang-kita nga eh sa mga mata mo palang alam kong in love ka" pagsang-ayon nito at pansin niyang masaya ito sa kanya dahil ngayon lang siya huminga sa lalaki sa tanang -buhay niya.
Impit na tumili siya hindi niya talaga mapigilan ang sarili niyang hindi tumili .
"Tumigil ka parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo" sita nito sa kanya "iba ito ,parang lalabas na ang puso ko sa rib cage ko. Grabe siya na talaga" kinuha niya ang kamay nito at inilagay ang isang kamay nito parts ng dibdib niya.
"Feel mo iyon?" biglang tanong niya "Siya na talaga"
Ngumiti ito sa kanya "Oo nararamdaman ko ang lakas ng pintig ng puso mo .Teka nga .." napatigil ito sandali "sino ba yang lalaking yan at alam mo ba ang pangalan niya?" tumango siya "oo Ken ang pangalan niya"
"Ken ?" kumunot ang noo nito
"Oo Ken .Ken Schrutz"
"K-ken Schrutz?!" gulat na sigaw nito kaya nagtaka siya kung bakit ito sumigaw ng pagkasabi niya sa pangalan ng lalaki.Kilala ba nito si Ken?
"Friend alam mo namang mahal kita diba?" kahit nagtaka siya sa inaasta nito napatango nalang siya "susuportahan kita sa kung sinong makakarelasyon mo pero pwede bang huwag na lang si Ken" kumunot ang noo niya sa sinabi nito "bakit may relasyon ba kayo ni Ken?sabihin mong hindi kayo please lang " nagmamakaawang sabi niya dito
"Kung makapagsabi ka naman sakin ng ganyan parang hindi mo ko kilala.Hindi ako papatol doon ano" tanggi nito.Nakahinga siya ng mabuti ng banggitin iyon.
"Bakit ba ayaw mo sa kanya?" takang tanong niya "Jess Certified Casanova iyon eh" paliwanag nito
"Eh ano naman kung Casanova siya ?Ave kahit Casanova iyon gagawin ko ang lahat para magbago siya.Hindi ako titigil hangga't hindi siya magbabago" pangungumbinsi niya
Napabuntong-hininga ito "Masasaktan ka lang Jess" pag-alala nito sa kanya
"Avery huwag kang mag-alala sakin.Diba sinabi mo  na susuportahan mo ko?" tumango ito kahit kinakabahan ito sa gagawin niya at alam niyang nag-alala ito sa kanya.
"Jess friend siya ni Zeo" nanlaki ang mga mata niyang nakatingin kay Avery "totoo?.." tumango ito "bakit hindi mo sinabi kaagad?"
"Tinanong mo ba ako?" umiiling siya "Paano mo malalaman kung hindi ka nagtanong" napaismid siya sa sinabi nito
"Oh bakit tulala ka dyan?" napabalik-tanaw siya sa tanong nito
"Bakit tulala ka dyan?"
Nilingon niya ito "may iniisip ako"
Napangisi ito para bang nahulaan na nito kung anong iniisip niya "Alam ko na kung sino ang iniisip mo ,si Ken yan "
"Bakit mo alam?"
"Jess kahit hindi mo sabihin sakin .Alam kong si Ken yan palagi mo kayang bukambibig ang lalaking iyon .Hindi na ako magtataka na sa isang araw bigla ka na lang dadalhin sa Mental Hospital dahil na baliw ka na sa pagmamahal mo kay Ken"
Napasimangot siya dito

-----

silvermixt

POSSESSIVE BACHELOR 3: KEN SCHRUTZWhere stories live. Discover now