chapter 5

1.6K 54 0
                                    

Papungas pungas akong gumising, inilibot ko naman ang paningin ko sa kwarto namin at napagtanto kong wala na pala ang mga kasama ko sa kwarto, mukhang nauna na ata silang bumaba, agad akong napatayo mula sa higaan ko atsaka nagunat unat na naglalakad papuntang banyo




Wala kaming masyadong ginawa kahapon kundi matulog at kumain dahil ngayon na lang daw kami maglalangoy sa dalampasigan




Nag ayos ako ng sarili ko atsaka lumabas sa banyo at kinalkal yung maleta ko, pumili naman ako ng susuotin kong panglangoy

Nang matapos na ako ay agad akong lumabas sa kwarto namin at nagdiretso pababa, agad ko naman silang nakita pagkababa ko mukhang hinihintay ata ako



"Oy!" Tanging sabi ko na agad namang nilingon ng kasama ko, sinuyod naman nila ako ng tingin, nakashorts ako ng kulay brown na hangang tuhod, naka asul na maluwag na shirt atsaka cap na kulay black, nakatali din yung buhok ko patalikod

Napapailing naman sila atsaka nagyayang kumain na agad ko namang sinang ayunan, gutom ako eh.

Agad namang tumabi sa akin si Ken at sabay kaming naglakad papunta sa restuarant na pagkakainan namin, umakbay pa nga ang kumag



Habang naglalakad kami ay ngayon ko lang din napagmasdan ang mga suot nila, yung dalawang babae ay nakaswimsuit, kahel ang kulay ng swimsuit ni Heza at berde naman ang kay Jane, si Jonathan naman ay naka maong shorts ng mas maikli pa kaysa sa akin atsaka fitted na sando na kulay pink, sila Hariz naman at Hervin ay parehas na naka Hawaiian polo atsaka shorts na hangang tuhod din, tinignan ko naman itong katabi ko ay naka polo siya ng puti atsaka hindi binutones kaya kitang kita yung buto buto nitong katawan atsaka nakashorts din siya ng hangang tuhod




Nang makarating kami sa restaurant ay agad kaming nag-order ng pagkain, puro sea foods ang putahe nila dito, pagkarating na pagkarating ng pagkain ay agad naming pinag saluhan, nang matapos kami ay nagpahinga kami konti atsaka nagka ayaan na lumangoy sa dalampasigan


"Tara magswimming na tayo" pagaaya ni tandang Hervin na siyang naunang tumayo sa lamesa namin, sunod sunod naman kaming nagsitayo at sumunod sa matanda, hinawakan naman ni Ken yung kamay ko at sabay nanaman kaming naglakad



Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa isang bilihan ng mga souvenirs may isang bagay na kumikislap na siyang nakanakaw sa atensyon ko




"Oyy kumag mauna muna kayo saglit may naiwan ako sa kwarto namin" sabi ko sa kasama ko at binitawan yung pagkakahawak namin ng kamay



"Samahan na kita" suhestiyon niya



"Huwag na mauna ka na at sabihin mo sa kanila na hintayin nila ako" sinunod naman ako agad ni Ken, madali lang siyang kausap eh




Agad naman akong pumunta sa bilihan ng souvenirs at tinitigan yung kumikinang na bagay




"May kapares ako niyan iha, bagay na bagay sa inyo ng nobyo mo" sabi ng nagbebenta, nakangiti ko naman siyang liningon




"Kunin ko po nay " nakangiting sabi ko, sinuklian naman niya ako ng ngiti at agad na nilagay ang mga iyon sa lalagyanan na kahoy, ang astig talaga! Nang matapos akong magbayad ay tumungo muna ako sa hotel at itinago ito sa maleta



Lakad takbo naman akong pumunta sa dalampasigan at hinahanap ang mga kasama ko, napapatingin naman ang mga tao sa akin habang naglalakad, tinataponan ko lang naman sila ng tingin at nangungutya ang tingin nila sa akin



Nag init naman ang ulo ko nang may nakita akong grupo ng mga babae na nakaturo sa akin at tinatawanan ako, nilapitan ko naman sila



"Ang saya niyo ata miss ah" siga sigang sabi ko, sinuyod ko naman sila ng tingin at mga naka two piece sila, tsk, akala mo naman kung sinong chix


Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now