Chapter Three

2.4K 50 2
                                        

-Angela's POV- 

"Hello?" 

["Yeah."] 

"Sus tatawag naman pala."

["Eh di hindi."]

"Hoy! Ano ba? Galit ka na kaagad dahil dun? Grabe ha!"

["Kakanta ka diba? Bilis."]

"Eh galit ka pa eh."

["Di na ko magagalit unless kumanta ka. Dali na."]

"Eh teka--- nahihiya ako!"

["Bilis na nga kasi."]

"Pwede next time nalang? Nahihiya ako--"

["Gusto mo bang magalit ako?"]

"Oo na po."

["Go."]

"Ummm..." 

Yung feeling na kinakabahan ka at walang lalabas sa bibig mo? Aaargh ba't ba ganito? Nanginginig pa ko tapos nilalamig. 

["Ano na?"]

"Teka lang kasi!"

["Ang tagal."]

"Grabe ang sungit neto."

["Bilis na kasi diba?"]

"Kinakabahan nga kasi ako. Ikaw kaya?"

["Wag na nga lang. Sige---"]

"Wait! Eto na kakanta na!"

["Okay. Go."]

"Ano... Ummm..."

["5, 4 ,3, 2---"]

"Mas kinakabahan naman ako sa ginagawa mo eh."

["Wala ka talaga."]

"Teka nga muna, okay?"

["Matatapos na ang call oh."]

Lintik na Smart. 7 mins lang talaga eh kung gawin kaya nilang kahit ilang minuto o oras? Unli nga diba? Tsssshhh. Sus may painis-inis pa siyang nalalaman eh tumawag naman pala ulit. Hahaha!

["Oh, ba't ka tumatawa?"]

"Eh sa tumawag ka ulit eh. May painis-inis ka pang nalalaman---"

Call ended... 

Aba! Gagong 'to. Basagin ko mukha nun eh. Tumawag ako ulit. 

["Ano?"]

"Ba't mo binaba?!"

["Eh ayaw mong tumawag ako, diba?"]

"Wala naman akong sinabi!" 

["Ayaw mo rin namang kumanta diba?"]

"Teka nga lang kasi. Kinakabahan ako eh. Ano ba?"

["Tagal. Tch."] 

Ang antipatiko naman ng Andrew na to! Ang saya niya namang katext nung una ha, eh ba't nagkakaganito to ngayon? Kainis. Ganyan naman talaga. Magaling lang sa umpisa. Pweh. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito? Bwisit naman eh. Gusto kong kumanta pero everytime na ibubuga ko na, feeling ko masisintunado boses ko. Lintik na to. 

"He--- Hahahahaha teka lang! Ayaw lumabas eh!"

Natawa naman siya kaya natawa na ulit ako. Nagtatawanan lang kami. WOW. 

["Ano ba Angela?"]

"Wag ka na ngang mainis dyan. Intindihin mo na muna ko."

["Ano ba kasi? Bilis na. Tumatakbo ang minuto oh."]

I'M IN LOVE WITH A POSERWhere stories live. Discover now