Chapter 23-Revenge of Love and Business

13.6K 242 0
                                    

Chapter 23-Revenge of Love and Business

"Ma'am Nhaiyah, pinatawag po kayo ni Mr. President sa office niya..may mahalaga daw kayong pag-uusapan.."wika ni Allena, ang secretary ko. Yes, I'm working now at our company. I'am the Vice President at syempre si Bennedick ang President. Ibig sabihin may karapatan ako sa lahat when it comes to the company. Sabagay anak ako ng dating may-ari nitong kompanya but sad to say ay nakuha ng iba. But now, I own this company as what my husband told me. Ibinigay niya ang karapatan ko kung ano ang gusto kong gawin sa kompanya simula nung makuha namin ang shares ng kompanya at nag-take over na kami dito.

"Oh sige Allena, papunta na ako." sagot ko dito. Tumalikod na ito at nagpunta sa pwesto. Inayos ko ang sarili ko dahil kahit papano ay kailangan kong maging presentable sa harap ng kumag na yun. Two weeks na nga pala ang nakalipas simula nung nag-away kami dahil sinabi nitong ginamit niya ako sa plano niya. He lied to me at inis na inis ako sa kanya and at the same time ay nasasakatan ako sa di ko malamang kadahilanan. Hindi ko siya pinapansin at kung sakali man na pinapansin ko siya ay dahil lang sa trabaho. Hindi ako umalis sa bahay niya dahil ayoko na madisappoint sina Dad at Kuya lalo na kapag malaman nilang peke yung kasal namin. And speaking of Dad ay dinalaw namin siya minsan nung wala si Mommy at sa ngayon ay nakauwi na siya. Actually hindi nila alam na kami ni Bennedick ang nakakuha nitong kompanya. At si Mr. Villanueva ay makakameeting namin mamaya at magugulat na lang siya sa mga mangyayari mamaya dahil kahapon lang daw siya nakauwi galing ibang bansa. I just sighed when I reached Bennedick's office. Pagkatapos ng ilang katok ay pumasok na ako. I saw him na kampanteng nakaupo sa swivel chair at nakangiti sa akin. Lalo lang akong nainis sa mukha niya.

"Lock the door Hon at baka may makaistorbo sa atin." He said and winked at me. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa kukute ng lalaking to. I locked the door at humarap ako sa kanya.

"What?..what do you want me na pinatawag mo ako?" tanong ko. He smiled.

" I want a goodluck kiss for our meeting mamaya.."wika niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ang sarap batukan!

"What?!ano ka swerte?wala ka na bang sasabihin? dahil kung wala na ay babalik na ako sa pwesto ko dahil may gagawin pa ako." wika ko at tumayo na ngunit hinawakan niya ako bigla at hinila dahilan para mapaupo ako sa lap niya and hinawakan niya ako sa waist. Namula ako sa position namin. Buti na lang nakalocked ang door dahil kung hindi malamang nakakahiya kapag may makakita sa amin ng ganito. I gasped when he kissed my earlobe.

"B-Bennedick..ano ba!" wika ko at pilit na pinatatag ang boses. Huminto siya and looked at me intently. I swallowed hard.

"Naglalaway ka Hon.." wika niya at napahalakhak. Binatukan ko siya.

"Shit ka!.bitiwan mo nga ako!" singhal ko sa kanya. Pero hindi niya pa rin ako binitiwan.

"No Hon dahil galit ka pa sa akin." wika nito at hinagod ang likod ko. Shit talaga to eh! baka hindi ako makapagpigil masunggaban ko to!

"Pwede ba Bennedick wag kang gagawa ng kalokohan dito?. Hindi ka na nakakatuwa!" mariing sabi ko. He just smiled at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. He looked at my lips.

"I missed your lips Hon." simpleng wika niya but it melts my heart a million times. Gusto kong maniwala that he missed me. Pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko na ginamit niya lang ako.

"Isa din ba ang mga salitang iyan sa pagamit mo sa akin Bennedick?" wika ko at dahan-dahan niya akong binitiwan. Halata ang pagkagulat sa mukha niya.

"Shit!..pwede ba Hon, wag mong banggitin ang mga bagay na yan?!" parang naiinis na wika nito. Hindi ko man gusto isipin pero nasasaktan ako na ginagamit niya.

"Paano ko hindi banggitin ang mga bagay na yan kung sa ginagawa mo ay nasasaktan ako?.." wika ko na parang maiiyak na.

"Bakit? diba sabi mo nung tinulungan kita at bago pa tayo nagsimula ay gagawin mo ang lahat ng gusto ko? and then ngayon bakit ngrereklamo ka?" wika niya. Napalunok ako. Tama!..ako naman ang may gusto nito kaya wala akong dapat ipagreklamo.

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon