Mission: Help Her Breathe Again

226 13 4
                                    

Prologue:

Sabi nga nila ang kapogian ko hindi basta basta kung baga 'Exotic' daw. Ako si Aidan Travis Tolentino. Pogi ako, hindi na kailangan pang itanong kasi sabi ng Nanay ko! Kaya kung may reklamo, dun kayo sa Nanay ko magreklamo wag sakin! Namatay ang tatay ko sa isang car accident nitong nakaraang buwan, kasama niya ako noon eh mabuti na lang at hindi ako namatay ng maaga, hindi naman ako basagulero o tambay, may kaya naman kami no! Isa akong Empleyado sa isang Corporation. Gradely Corporation to be exact isa siyang company ng TV! Parang Sharp Corporation ganun pero hamak na mas maganda quality ng mga TV namin no!

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano konek nung unang sentence na nabasa niyo sa unang paragraph -.- Wala baliw lang siguro talaga ako at kung anu-ano pinaglalagay ko pero totoo nga kasing pogi akooo!!! 23 years old na ako, oo katatapos ko lang mag debut nung 21th Birthday ko. Tahimik lang ang buhay namin, ako magtatrabaho sa Gradely C. si Papa magtatrabaho rin sa Company ng Lolo ko yung mga kapatid ko mag-aaral si Mama aalagan yung mga kapatid ko at babantayan ang bahay kaso dati yon..

Nagbago ang lahat ng namatay si Papa at dumating ang taong to este hindi siya tao eh.. MULTO.

Hindi ako naniniwala sa Multo tae sinong lalaki ang maniniwala doon? Minsan nga nakikita ako nila Mama na nagsasalita mag-isa hindi nila alam itong babaeng to yung kausap ko! Oo babae siya, kainis nga ayaw akong tigilan!! Nakilala ko siya noong nasa ospital kami, nabangga din daw sila eh tapos ayun akala ko namatay na siya yun pala na comatose lang siya , tapos ngayon kinukulit ako tulungan ko daw siya -.- Seriously paano ko siya matutulungan? Aish! Samahan niyo ako at alamin natin ang mangyayari sa buhay ko ngayong may umepal na multo -.-

"Huhu!! Ai-aidan!! Tulungan mo kasi akooo!! Huhu *sobs*" ang napakakulit na si Blaire. Ewan ko kung ano apelido niya -.-

"Ba-ha-la ka." sagot ko sa kanya.

"I'll give you everything, money? house and lot? Maibibigay ko yun sayo kung tutulungan mo akong bumalik ulit, maging tao ulit. Please?" tumulo ulit ang mga luha niya. Packing tape, itong babaeng to, hindi ko kayang makatagal sa isang babaeng umiiyak. Aish.

"I'll-- Aish! Fine, I'll try!" Wala na akong magagawa, I think she really want's to go back, to have a second chance. Everyone want's a second chance.

"Yey! Salamat Aidan! Salamat talaga!" Nagtatalon siya at sinubukan akong yakapin kaso nakalimutan niya atang multo siya, kaya ayun tumagos sa katawan ko yung mga braso niya at napangud-ngod siya sa tiles.

"Ouch!" sabi niya.

(;¬_¬) Ano ba tong pinasok ko, sana matapos agad to, sana matapos na agad ang misyon ko ang Mission: Help Her Breathe Again.

Copyright © 2013 ChristineAnneDG (Mission: Help Her Breathe Again a.k.a Human, You're Mine!)

Mission: Help Her Breathe AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora