Chapter 10

10K 267 3
                                    

"Yo! Santiago!" Matalim ang mga mata na nag angat ako nang tingin sa kapapasok pa lamang na si Keith.

Umupo agad ito sa upuan sa harapan nang Lamesa ko at saka ngumisi sa akin.

"Ang aga aga sambakol na naman yang pagmumukha mo ah" natatawang puna nito sa akin.

Lalong nagdilim ang mukha ko sa biro nito.

"At ang aga aga pa ang lakas mo nang mang asar Keith, anung kailangan mo sa akin at nandito ka?" Masungit na tanong ko dito.

"Wala naman masama bang dalawin ko ang Bestfriend ko" nakangising pagkakaila nito na ikinaduda kong lalo.

Kaya naman pinagmasdan ko nang matiim si Keith.

Tila naman nailang na ito sa paraan nang pagtitig ko kaya naman nag iwas ito nang tingin at mahinang tumikhim.

"C'mon Keith! Spill it!" Nauubusan nang pasensiya na utos ko dito.

Nakangiwing napakamot ito sa batok nito at saka muling bumaling sa akin.

"Eh kasi baka gusto mo....nyo ni Audrey na mag honeymoon sa Paris may mga ticket ako bebenta ko sa iyo murang mura lang" pag aalok nito.

"Keith naghihirap ka na ba?" Di makapaniwalang naibulalas ko dito.

Agad kasing pumasok sa utak ko na dahil kaka invest lamang nito sa business naming dalawa gamit ang lahat nang trust fund nito ay naubusan na ito nang pera.

Maluho kasing tao si Keith, Idagdag pa na mahilig magregalo nang mga mahal na alahas sa mga nagiging Girlfriend nito.

"Grabe ka naman Santiago gusto lang kitang bentahan nang Ticket naghihirap na agad ako?" Angal nito sa akin.

Napailing naman ako dito.

"Di mo ako masisisi na mag isip nang ganun kasi pwede mo naman na iregalo sa amin yung ticket at di na ako bentahan pa" bagot na sagot ko dito.

Napatayo ito at lumapit sa akin saka hinawakan ako sa braso ko sa pagkagulat ko.

"Sige na naman Santiago oh" pakiusap nito sa akin. "di ba bestfriend tayo ikaw na lang ang bumile sa akin nun ticket para makabili na ako nang ireregalo ko sa Girlfriend ko naubusan kasi ako nang pera alam mo na naman na di ako katulad mo na mayaman na kailangan ko din na magtipid tipid marami kasi akong gastusin" asar na pinalis ko ang kamay nya na nakahawak sa braso.

"Ayun eh di lumabas din ang totoo, kung wala ka na palang extrang pera sana di ka na lang bumile nang ticket papunta sa Paris para madami ka pang perang pang date!"

"Eh naman Santiago wag mo na akong pagalitan pa di ko naman alam na may phobia si Claire sa mga eroplano kaya naman nang nagpahaging ako na masarap sigurong icelebrate ang monthsary namin sa ibang bansa agad siyang nag freak out kaya naman di ko na lang sinabi at sa halip nagpa reserve na lang ako sa favorite restaurant namin dalawa at syempre para naman mas memorable ang date namin naisipan ko na bilhan sya nang regalo kaya lang-----"

"Wala ka nang pera at dahil dun naisipan mo na ibenta sa akin yun Ticket ganun ba?" Nakataas ang isa kong kilay na tanong dito.

Nakasibing nagpatango tango ito sa akin.

"Sige na Santiago I'm sure matutuwa si Audrey pag dinala mo sya sa Paris malay mo mahabol mo pa na maging Twins ang panganay mo" pangungumbinse pa nito.

Lumukot ang mukha ko pagkaalala sa ginawang pagkaka lock ni Audrey sa akin sa Library.
Di ako agad makalabas at kahit panay ang kalampag ko nang pinto walang maid na pumupunta.

Nang pinindot ko naman ang intercom ay  napansin ko na putol yun kable tapos yung Cellphone ko wala sa bulsa nang pantalon ko.

Kaya naman sa kadesparaduhan kong makalabas nang Library ay kumuha ako nang silya at inihagis ko sa salaming bintana para mabasag ito at mapansin nang mga Guard.

At di naman ako nabigo ilang saglit pa ay may mga dumating nang Guard at binuksan ang Pinto nang Library.

Nang makalabas na ako ay agad na hinanap ko si Audrey para komprontahin.

Natagpuan ko naman agad ito sa kuwarto namin na prenteng nakaupo sa sofa at kumakain nang chiz curls at tawa nang tawa sa pinanonood nito na palabas sa T.V.

Pero nang lumingon ito sa akin akala ko sisimangot ito pero di iyun ang nangyari sa halip ay muling bumaling ito sa pinanonood at muling tumawa nang malakas.

Lumapit ako dito at naupo sa tabi nya pero wala pa ding reaksiyon akong nakuha mula dito.

Tila ba wala ako sa tabi nya at hangin sa paligid nya.

At lumipas ang isang linggo na ganun ang treatment nya sa akin at pag kinakausap ko naman si Audrey tila di nya ako nadidinig at nakikita.
Pag lalapit ako agad syang lalayo.

At sa totoo lang nababalisa na ako sa treatment na pinapakita nya sa akin.

Naninibago ako at namimiss ko na yung makulit at maingay na version nang Asawa ko.

"Uy Santiago" napakurap ako sa pangungulit ni Keith sa akin.

"Ewan ko Keith baka di din magustuhan ni Audrey yan ticket maaksaya lang pera ko" masungit na sagot ko dito.

"Pero---"

"Isa pa isang linggo na nya akong di pinapansin" pakli ko dito saka malungkot na bumuntunghininga.

"Talaga? Ba't naman?" Nagtatakang tanong ni Keith sa akin.

"Palagay ko sa nakita nyang mga pictures sa tabloid ni Berna remember na nagpunta tayo dun sa Party and accidentally bump to Berna and her Ex Husband" tukoy ko sa nangyari last week.

"Ah nagselos si Audrey" napapitik ito nang daliri sa konklusyon na naisip nito.

Napatango din ako kasi yun din ang naisip ko na dahilan nang pang dededma sa akin ni Audrey.

"Tinanong nya ako at sinagot ko naman siya Keith pinaliwanag ko wala akong itinago at iniwang detalye para pagdudahan nya ako akala ko okay na pero Keith ni lock nya ako sa Library at mula pa last week di na nya ako kinakausap--- Ano ba Keith pag di ka tumigil sa katatawa mo d'yan patatapon kita sa labas nang building!" Naaasar na singhal ko dito kasi tawa ito nang tawa.

Huminto naman agad ito at pinahid ang mga luha sa mga mata dala nang katatawa nito.

"Sorry na Santiago....pero seryoso dapat amuhin mo si Misis lalo't buntis napaka sensitive pa naman nila sa mga ganyan bagay idagdag pa na Ex mo yun nakita nya sa litrato na ka holding hands mo tapos ang laki pa nang age gap nyong dalawa di pa sya masyadong sanay sa mundo na ginagalawan natin" paliwanag nito.

"Alam ko" malungkot na sagot ko dito.

"So mas dapat na bilhin mo na yung mga ticket baka malay mo dahil dun pansinin ka na ni Audrey" muling pangungumbinse nito sa akin.

Sinamaan ko nang tingin si Keith na agad namang nag peace sign sa akin.

TRAPWhere stories live. Discover now