Random kuentuhan with my bff:
Friend: huhubels ... gusto ko ng i-break si Patrick, bestfriend
Ako: oh kala ko ba in love na in love kayo sa isa't-isa
Friend: Akala ko din eh ... huhubels ... masyadong seryoso at possessive si Patrick, bestfriend. Gusto pag may lakad ako lagi sya kasama. 'di na ako makalabas kasama kayo. Nung una di naman ganito eh. Mapagbigay sya. Kahit saan ko gustong pumunta puede kahit di sya kasama. Ngayon lang naman 'to bestie. Nasasakal na ako sa kanya.
Ako: eh di makipag-break ka. Kung ganyan din pala ang feeling mo
Friend: Nakokonsensya ako bestie
Ako: Bakit naman makokonsensya ka? Kung di mo na talaga mahal anong problema? Mas nagiging unfair ka dun sa tao pag ganyan
Friend: Kasi bestie andami na nya nairegalo sa akin ... tapos nag Hong Kong kami last year sya lahat ang gumastos ... this year naman nag Palawan kami sya din ang sumagot. Nahihiya ako andami na nya investment ...
Ako: Ano???? Naririnig mo ba ang sarili mo? Anong akala mo sa sarili mo? Bakit ba kasi panay ang palibre mo?
Friend: Eh di ba ganun naman yun? Sya ang lalake eh di sya ang gumastos ...
Ako: Hindi dapat kasi ganun, bestie. Dapat kahit kakain lang kayo sa labas dapat lagi kayo nag split ng bill. Pag magbabakasyon kayo ganun din, split in the middle din. Para at least pag ganyan na gusto mo na hiwalayan wala kang guilty feeling 'di ba? Intact pa din ang pride mo. Kahit ayaw nya lagi ka mag insist.
Friend: Bakit kasi di mo sinabi yan sa akin nung una pa lang bestie? Saka meron pang isang dahilan ba't di ko sya mahiwalayan eh
Ako: Ano naman yun?
Friend: eh kasi .... alam mo na yun
Ako: Ano nga yun?
Friend: Eh kasi ano ... naisuko ko na ang Bataan .... huhubels
Ako: Nakow kahit pala di ka nya singilin bawing bawi na sya ... asus!