Chapter 16:Pasulyap Sulyap

43 20 2
                                    

                  *Mikozuki's POV*

"Excuse me Miss...nakita mo ba si Mikazui the Bitch?..."
Maarteng sabi ng babae...

Napalingon naman ako sa babaeng yun nung narinig kong binanggit niya ang pangalan ni Mika...

"Ahhmm...Nakita ko siyang papunta sa Comfort Room kanina Ma'am..."
Sabi sa kanya ng Counter Girl sabay turo niya sa daanan papuntang Comfort Room ng Cafeteria.

"Wag mong ituro sa akin kung saan papunta ang Comfort Room nitong Cafeteria.Hindi ako tanga!!!"

"Sorry Ma'am..."
Sabay yuko ng Counter Girl.

Nandito nga pala ako ngayon sa Cafeteria para makapag recess..Ako lang na mag isa.Wag niyo ng tanungin kung saan na yung dalawa.Dahil sa busy na naman ang mga yun.

Umalis na yung babae...I think papunta siya sa Comfort Room ng Girls.

Sinundan ko naman siya ng hindi niya nalalaman.

Ano kaya ang kailangan ng babaeng toh kay Mikazui?...

Agad akong nagtago nung tumingin siya sa likod.

Pagtingin ko sa kanya pumasok na siya sa Comfort Room.

Aalis na sana ako sa pinagtataguan nung biglang may tumawag sa akin.

"Huyy!!Miko,bakit ka nagtatago dyan?"

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin which is si Michie.

"Ahh....ano...may nakita lang kasi akong kakaiba..."

"Kakaiba?Ano naman yun?..."

"Basta...wag ka nalang magtanong..."

Lumingon ulit ako sa Comfort Room ng Girls nakita ko naman na papalakad ang mga alipores ni Mika.

Pumasok sila sa Comfort Room.

"Ano ba talaga ang ginagawa mo dito?Don't tell me,naninilip ka?!...."

"Ano ka ba Michie!!Anong akala mo sa akin mamboboso?..."

"Malay ko ba..."

Naglakad ako papalapit sa Comfort Room nung nakita ko si Eujin papalapit din sa Comfort Room din.

Huminto ako sa paglalakad..

Nung nasa gilid na siya ng Comfort ng Girls ay huminto siya.

Mga ilang sandali lang ay lumabas na si Mika...

Agad naman siyang hinablot sa braso ni Eujin at kinaladkad.

Agad kong hinablot si Michie para magtago nung nakita kong dadaan sina Eujin dito sa pwesto namin ni Michie.

"Teka!!Ano bang nangyayari?Naguguluhan ako"

"Sa palagay ko may binubully na naman si Mika dun sa Comfort Room..."
Papalakad na sana ako nung nakita ko na naman si Eujin papunta sa Comfort Room.

Ang sama pa nga ng timpla ng mukha niya ehh...Mukhang nag away sila ni Mika.

Then,Pumasok siya sa Comfort ng Girls.

"Tara pumasok na tayo sa Comfort Room.Iligtas natin yung binully ni Mika.."
Yaya sa akin ni Michie.

"No need...Nandyan na si Eujin.Tara na...."
Sabay hablot ko sa braso niya.Papaalis dun sa lugar na yun.

~~~~~~~~~~~~~~

Kakarating ko palang sa bahay.Uwian na kasi namin.

Pagkarating ko palang sa bahay.Agad akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Mama.

When A Nerd Fell InloveWhere stories live. Discover now