Chapter 39

30 0 0
                                    

Chandria POV.

Kinabukasan.

Parang walang nagyari kahapon. Pumasok ako Ngunit ako lang magisa dahil hindi ko alam kung bat hindi ako sinundo ni yves. Bsta tinext niya lang ako na may importanti daw siyang gagawin kaya di niya muna ako masusundo. Okay lang naman ako Konting Galos Lang ang Natamo ko. Habang naglalakad ako sa Hallway ng School namin nakasalubong ko si John Sa una Nagkatinginan kami. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan Kamay ko at biglang lumakas tibok ng puso ko.

"Chandria? Pwedi ba tayong magusap mamaya? Pagkatapos ng klasi. Hihintayin kita sa Parking Lot mamaya. Pumayag o hindi ka man Maghihintay ako." Deretsong sabi niya sabay lakad Paalis. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba siya para sabihin na Payag ako o hindi ako payag. Hindi ko alam dahil hindi ko din alam kung makikipag usap ba ako sakanya o hindi? Tinuloy ko nalang ang aking paglalakad habang iniisip kung papayag ba ko o hindi.

"Oy chandria! San ka pupunta eto room naten oh." Napatigil ako sa pagiisip nung narinig ko si julia na nakataas ang kilay sa harap ng pintuan ng Classroom namin. Hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako sa room namin.

"Pasensya na Julia. May iniisip lang." Sabi ko sakanya.

"Ano naman ba yun aber? Si john?" Tanong niya.

Tumango ako. "Kasi niyaya niya ko kanina. Magusap daw kami mamaya. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi pero sinabi niya kahit daw ano mangyari maghihintay siya." Sabi ko kay julia.

"Oh yun naman pala. Edi makipag usap ka sakanya. Usap lang naman eh At baka kailangan niyo narin siguro magusap para magkaliwanagan nakayo." Sabi niya.

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya kailangan siguro naming magusap na kaming dalawa lang.

Nginitian ko si Julia. "Sige. Salamat Julia." Sabi ko.

"Basta dito lang kami para sainyo. Pasok na tayo." Sabi niya at sabay na kaming pumasok.

Una akong Napatingin kina John kasama sina enrique nakwekwentuhan sila. Ang bilis naman niya makapunta sa room namin kanina Paalis siya ngayon andito na siya? Napatingin siya sakin ngunit nagiwas agad. Pagkaupo ko sa pwesto ko napansin kong wala si Liza siguro masama parin ang loob at wala din si yves. Ilang minuto lang dumating na teacher namin.

Natapos ang buong klasi sa araw na ito. Pauwi na kami magpapasundo na sana ko sa driver namin nung naalala kong may usapan pala kami ni john kaya pala nagmadali siya kaninang pauwi. tinext ko muna driver namin na hindi muna ko magpapasundo dahil may lakad ako. Nung nagreply siya. Agad ako naglakad papuntang parking lot. Pagkadating ko dun nakita ko si john na nakaupo sa hood ng kotse niya.

"Kanina kapa?" Tanong ko kaya naman agad siyang napaayos.

"Hindi naman. Salamat at pumayag ka." Sabi niya. Ngitian ko lang siya tapos pinagbuksan na niya ko ng pintuan ng kotse niya.

Buong biyahe walang nagsasalita saamin. Hanggang sa makarating sa park.

Naglakad lakad kami wala parin nagsasalita sa amin dalawa. Konti lang ang tao dahil pagabi na rin lalo na at makulimlim.

"John? Totoo ba? Akong dahilan kung bakit kayo nagbreak ni liza?" Basag ko sa katahimikan hindi ko na talaga kayang hindi magsalita.

"Cha-chandria...." utal niyang sabi.

"Totoo ba? Sagutin moko!" Medyo naluluha ko ng sabi.

"Oo totoo ikaw ang dahilan! Dahil kahit anong gawin ko ikaw parin cha ikaw parin!" Medyo pasigaw niyang sabi. Kaya yung ibang tao dumaan napatingin saamin. Agad agad naman nagunahan sa pagtulo ang luha ko. Kasabay non ang pagbuhos ng ulan. Lahat ng tao nagtakbuhan ngunit kaming dalawa ni john nakatayo parin wala kaming pakelam sa ulan.

"Pe.... pero... ba...bakit?" Tanong ko

"Mahal kita Mula Noon Hanggang Ngayon! Chandria Di ka Naman Siguro Manhid Para Maramdaman Iyon!diba?!" Sigaw niya.

"Tapos na Tayo ! Wala na Tayong Dapat pang Ituloy! Tapos na Tayo Matagal Na John! May Iba na akong Mahal ! May iba Na Ako!" Sigaw ko sakanya.

"Pero Mahal mo nga ba Talaga Siya?" Tanong niya.

napatahimik ako sa Sinabi ni John na Iyon . Oo mahal ko na si Yves napamahal na siya saakin. Pero Mas Mahal ko Si John. Pero mali kun ipagpapatuloy pa namin Ang aming Nakaraan. Dahil Maraming Masasaktan Lalo na si Yves at Liza.

"O-oo M-mahal ko siya! Kaya Please Tumigil kana! May Girlfriend kana May Boyfriend na ako! may kanya kanya na tayong Buhay ngayon! TAma Na Please!" Sigaw ko ulet sakanya at napaupo na sa Lupa. Maya maya may nagpayong saakin.

"If You say that! fine Goodbye! Congrats pre ikaw ang pinili niya. Sana maging masaya kayo."
Un nalang Ang Huli kong Narinig sakanya At umalis na Siya.

TAMA BA ANG PINILI KO? Humagulgol ako at Yinakap ako ni yves. Pareho nakaming nabasa dahil yinakap niya ako.

----

John POV.

Pagkadating ko sa bahay agad kong kinuha phone ko at dinial ang number ni papa.ilang ring lang sinagot na niya agad.

"Hello pa. Tinatangap ko na po." Pagkatapos kong sabihin yun agad ko ng binaba ang tawag.

-------

Last chapter nalang! Tapos na yehey! Salamat sainyong lahat :) -darkwrittergirl

Past Or Present? (KathNiel)Where stories live. Discover now