Ch. 3

94 3 0
                                    

Yen















After ng klase ko dumirecho na ko sa Taguig sasamahan ko kasi ang kaibigan kong si Helga para magpunta sa Miracle Art Exhibit. Nung isang linggo pa niya saakin inuungot magpunta duon kaya pagbibigyan ko na siya, tutal maaga din namang natapos ang klase ko at wala na kong ibang gagawin ngayong araw.

















"Yen! Ang tagal mo naman."














Reklamong bati saakin ni Helga pagkarating ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Namiss ko din ang babaeng ito. Kahit nakakairita siya mahal ko ito sanggang dikit kami nito.















"Ang ingay mo na naman halika na nga sa loob."














Pumasok na kami sa loob, na amaze ako sa mga nakikita ko. It was so awesome!  Si Helga naman puro kuha ng litrato sa mga naka display na artwork. Sumubok din akong maging artist pero wala sa dugo ko ang pagiging henyo sa ganitong larangan. Kaya sobrang saludo ako sa mga biniyayaan ng ganitong talento sa sining.















"Hindi ako nagsisi na sinamahan kita sa exhibit na ito vru."


















"Sabi ko sayo! Ikaw lang kasi tong sobrang busy. Nakakatampo ka."















Umiral na naman ang pagiging tampuhin niya. Bata pa lang kami ganyan na siya. Mukha lang talaga siyang normal na babae pero abnormal talaga siya. Hindi siya katulad ng ibang tipikal na babae. Mabuti na lang talaga at hindi kami nagkagustuhang dalawa dahil paniguradong disaster ang mangyayari pareho sa amin.













Sa labing walong taong pagkakaibigan namin ni Helga kabisado na namin ang ugali ng isa't-isa sakanya nga ako unang nag confess ng sexual orientation ko. Si Helga ang laging andiyan sa tabi ko kahit anong mangyari hindi niya iniwan. Kasama siya sa mahahalagang yugto ng buhay ko.
















"Vru kuhanan mo ko ng maraming pictures ha para ipopost ko mamaya sa instagram."




















"Sinama mo lang talaga ko dito para may photographer ka."


















Taas kilay kong sabi sakanya. Ito lang naman ang kaligayahan ng babaeng to. More pictures more fun, mahilig siyang mag selfie. Sa totoo lang siya ang laman ng gallery ko sa cellphone. Hobby niya kasi talaga yan kulang ang araw niya pag wala siyang picture sa buong maghapon.
















"Tss. Wag ka na magreklamo vru. Love mo naman ako diba."



















Kahinaan ko ang paglalambing niya. Magaling talagang mag cariño si Helga. Kaya kahit nayayamot na ko sakanya hindi ko pa rin magawa dahil magaling siyang magpa baby.























"Pasalamat ka talaga mabait ako."




















"Oo alam ko kaya nga inaabuso ko e."


















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TADHANA (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon