Chapter 5

4.7K 179 15
                                    

Last chapter =) inupload ko na lahat haha.. 5votes for this chapie and I'll post the epilogue. Thankie :*

CHAPTER 5

VENICE's POV

"Hindi ka isang normal na tao, hija" panimula nya. Doon pa lang ay naguluhan na ako. Parang hindi ko na gustong malaman ang mga susunod pa.

"Pinili kong wag itong ipaalam sa iyo dahil natatakot akong isipin mo na iba ka sa ibang mga bata" tumingin sya sa malayo. Tila ba inaalala ang mga nangyari sa nakaraan.

Mataman akong nakikinig sa kwento ni tita.

"Hindi tao ang pumatay sa mga magulang mo. Naging magkasintahan sina Minerva at Marco noon. Noon pa man ay tutol na ang mga magulang ni Marco sa pagmamahalan nilang dalawa. Isang normal na tao lamang si Minerva. Ngunit nagmatigas sila at nagpakalayo-layo. Lumipas ang dalawang taon ng mamatay ang ama nya. Sa sumunod na taon ay ang ina naman nya ang nag nagkasakit at binawian din ng buhay. Labis na pagkamuhi ang naramdaman ng nakatatandang kapatid ni Marco na si Celestina noon. Sinisisi nya ang mga magulang mo sa pagkawala ng mga ito. Ipinangako nya na papaslangin nya ang dalawa sa oras na magkaharap sila. Nang isang araw ay nagkaroon ng relasyon ang noon ay hari na si pinunong Harde kay Celestina kahit na kasal na ito kay Reyna Ramora at may anak. Ang balita ay nilasing lamang noon ni Celestina ang pinuno para may mangyari sa kanila at makakuha ng kapangyarihan. Naging usap-usapan ito sa bayan. Dumating ang araw nang parehas na mamatay ang pinuno at reyna sa isang labanan. Nagkaroon ng anak si Celestina. Sinabi nito noon na si pinunong Harde ang ama nito ngunit kalaunan ay binawi nya ito. Huli na dahil nahalal na sa pwesto bilang pinuno si Celestina kahit tutol pa dito ang mga konseho dahil sa nalaman. Doon na gumawa ng aksyon si Celestina laban sa iyong mga magulang. Ipinahanap nila ang mga ito. Nagkaroon pala ng anak si Marco at Minerva.. ikaw iyon." Nanginginig ang mga tuhod ko sa mga naririnig. Halos hindi ito pumapasok sa sistema ko dahil natatakot ako sa mga natutuklasan.

"Nang gabing iyon ay ibinigay ka sa akin ng mga magulang mo. Alam nilang may pakay sa kanila si Celestina. Base na din sa balita ng isang tauhan mula sa bayan. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari." May tumulong luha sa mga mata ni tita. "Ang sabi nila ay gagawin nila ang lahat para makabalik sa iyo. Pero lumipas ang dalawa..limang araw ay wala pa din sila. Kinabahan na ako noon. Dinala kita sa dati nyong bahay. Ngunit.." halos hindi na matuloy ni tita ang sinasabi. "..isa na silang malamig na bangkay" umiyak na ng tuluyan si tita at maging ako man.

"A-ano po bang mga nilalang sila at ganun na lang nila kadali mapaslang angmga magulang ko?" Tanong ko sa gitna ng paghikbi.

"Mga lobo." Halos mahulog ako sa kinauupuan ng sabihin nya iyon. "Si Marco ay isang lobo. Sa tingin ko ay nakuha mo din ang katangian ng lahi nila."

"Nalaman ni Celestina na nagkaroon ng anak si Marco at Minerva. Gumawa ito ng kasulatan na kung sinuman ang papaslang sa iyo ay syang hihiranging susunod na pinuno. Dalawa ang naghahanap sa iyo. Ang pinsan mo at ang anak ng hari."

"Kung isa din po akong lobo. Ganon ka din po ba?" Tanong ko.

"Hindi, hija. Ako ang itinakda na iyong tagabantay. Sa akin ka ibinilin ng iyong ama."

"Salamat tita dahil hindi mo ako pinabayaan. Pero sino po ba talaga ang gustong pumatay sa akin. Kilala nyo po ba sila?"

"Si---" hindi nya naituloy ang sasabihin. Napahawak ito sa leeg. May manipis na kung anong bagay ang nakatarak doon. Para itong karayom. Sinundan ko ang pinanggalingan ng bagay na iyon. Sa bintana. Bumalik ako ng tingin kay tita.

"Tita? Tita gumising ka pakiusap. Wag mo akong iiwan. Tita?!" Niyugyog ko sya. Sandali syang dumilat. Bakas ang pag aalala at sakit na nararamdaman nya.

My Life Being a Werewolf [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora