Chapter 30: New year, new couple

1.2K 46 0
                                    


Chapter 30: New year, new couple

Raquelle's POV

waahh!! totoo na yung relasyon namin ni Batas, kami na,ang saya-saya ko, akala ko hindi niya ako gusto at akala ko may iba na siyang nagugustuhan yun pala ay puro akala lang ako, sana hindi na kami magkakahiwalay pa at sana hindi siya magbabago.

Alam niyo ba? naniniwala talaga ako na destiny kami ni batas, paano ba naman kasi  ay parehas kaming magkakaroon ng fiance, pero ok lang yun dahil napagusapan naman namin na kakausapin nalang namin ng maayos yung parents namin, kukumbinsihin lang namin sila na huwag nang ituloy yung fix marriage. sana nga huwag na nila ituloy yun para naman may happy ending na kami ni batas.

New years eve ngayon kaya busy sila mommy sa paghahanda ulit ng pagkain namin, si Rance naman ay hindi ko alam kung saan nagpupupunta, siguro ay nakipagdate na naman sa girlfriends niya, with 's' yan kaya ang  ibig-sabihin ay marami siyang girlfriends.

Kasalukuyan akong nagbabasa ngayon ng pocket book, bakit ba? wala naman kasi akong ibang magawa dito kundi ang magbasa at saka gusto ko kasing magrelax muna dahil paniguradong maiistress ako mamaya dahil tuloy na tuloy na daw yung pagpapakilala nila sa fiance ko, at syempre magkakalat ako mamaya, hahaha, bahala sila mommy, basta gagawin ko ang lahat para hindi lang matuloy yung agreement nila.

"Anak, magbihis ka na, pupunta pa tayo ng simbahan" napabuntong-hininga nalang ako saka bumangon, actually ,kanina pa talaga ako nakabihis, tanging sila nalang yung hinihintay ko.

Bumaba na ako at nakita ko naman sila mommy na bihis na bihis na, tanging ako, si daddy at si mommy lang yung magsisimba, wala kasi si Rance, well, ok lang naman na huwag na siyang sumama sa amin dahil baka pagsumama siya ay baka masunog lang siya dahil sa napakarami na ng kasalanan niya.

--

Katrina's POV

It's new years eve and I'm waiting for a miracle, ang tinutukoy kong milagro ay si Rance, hinintay ko siya ngayon dito sa park, may sasabihin daw siyang mahalaga kaya pumayag na akong makipagkita sa kanya kahit napakalamig dito sa labas at saka aminado akong namimiss ko narin siya at saka simula nung palagi kaming nagsasama ay parang iba narin yung nararamdaman ko para sa kanya, parang may spark.

I think I love him na, hindi ko kasi mapigilan itong puso ko at parang tumatakbo siya ng sobrang bilis lalo na pag nakikita at nakakasama ko si Rance. Ang mahirap lang kasi ay isa siyang playboy, at kung sinabing playboy ay maaring marami siyang babae at maari rin niya  akong saktan, syempre takot na akong masaktan ulit noh, gaya nung nangyari sa amin ni Gerald.

Speaking of gerald, pagkatapos ng paguusap namin noon sa welcome  party ni Sabrina ay hindi na niya ulit ako kinausap pa, nabalitaan ko nalang na lumipad na pala siya papunta sa london at dun na daw siya magistay, buti nga hindi na niya ako kinukulit na makipagbalikan sa kanya, siguro nga ,tanggap na niya na hindi na talaga kami pwede sa isa't-isa.

Nilalamig na ako dito, dadating pa kaya siya? baka naman niloloko lang niya ako, humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko, ganito pala kalamig dito sa korea, umupo muna ako sa isang bench dito malapit sa may fountain, dito ko nalang siya hihintayin.

"Miss are you ok?" tanong nung nagtitinda ng paputok

"Yes, I'm ok" ningitian ko lang siya saka tinignan yung oras sa cellphone ko,gad!! 11:45 na,malapit ng mag twelve, ang bagal naman ni Rance, baka naman hindi na siya sisipot, ito na nga ba yung sinasabi ko eh.Pinapaasa niya lang ako sa wala.

Mga paasa talaga ang mga lalake, lalo na yang Rance Vincent Gonzales na yan,he is just making me dumb here, naghihintay lang naman ako sa wala.

Inayos ko na yung bag ko at tumayo na ako, aalis na ako dahil mukhang hindi naman talaga siya pupunta, nagsimula na akong maglakad palayo pero napatigil rin ako sa paglalakad ng may humarang na batang lalake, binibigay niya sa akin yung pink rose na hawak niya.

"For me?" tanong ko at tinuro yung sarili ko.

"Yes" agad ko namang kinuha yung rosas na binibigay niya, kahit papaano ay napangiti ako ng batang ito"What is your name?"

"You don't have to know, I have to go bye" ngumiti siya at bigla nalang siyang tumakbo paalis.

Napatingin naman ako sa pink rose na hawak ko, hindi ko napansing may nakasabit pala sa stem niya na sulat, kinuha ko iyon at binasa.

'I love you, pink rose for  a beautiful lady like you' yun lang yung nakasulat, sino naman ang nagbigay nito? imposible namang kung yung bata yung talagang naga'I love you' sa akin, kinabahan ko bigla ng may lumapit na naman sa aking batang babae.

"here" gaya nung kanina ay agad nalang siyang tumakbo pagkakuha ko nung white  rose, parang may mali talaga.

'White rose for the most important girl in my life' nakokornihan na ako dito at saka sino ba ang pwedeng magbigay sa akin ng ganito? ang weird lang.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalagpas ako sa fountain, marami naring tao dito dahil inaabangan nila yung fireworks display. Mahihirapan narin akong hanapin kung sino yung nagpapabigay sa akin nito, baka naman kasi nagkamali lang yung mga bata, baka hindi ako yung dapat na pagbigyan nila nito.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Rance na nakangiti sa akin at may hawak siyang red rose, ah , so siya yung nagpapabigay ng bulaklak sa akin, korni niya, at saka bakit nga ba niya ako binibigyan ng bulaklak?

"Hoy! akala ko hindi ka na dadating, at saka bakit mo ba ako binibigyan ng bulaklak?" tanong ko nung makalapit na siya sa akin, dapat lang na siya yung lumapit sa akin, nagtatampo ako sa kanya, pinaghintay niya ako ng halos isang oras.

"Red rose, to say I LOVE YOU" napakuno't noo ako sa sinabi niya.

"What are you saying? ano ba yang ginagawa mo?"

"Obviously, I'm confessing to you right now" saka niya binigay sa akin yung red rose."Mahal na talaga kita Katrina, actually, kaya lang naman ako naging playboy ay para makalimutan ko yung nararamdaman ko para sa iyo"

"Ba-bakit mo naman kakalimutan yung nararamdaman mo? kinakalimutan ba talaga yung nararamdaman?"

"Sorry, natopre lang kasi ako, ano? ahm, handa akong magbago para sa iyo" bakas sa boses niya na kinakabahan siya at kitang-kita ko rin sa mga mata niya na seryoso siya sa sinasabi niya"Will you be my girlfriend?" wala naman sigurong masama kung sasagutin ko siya diba? i mean, mahal ko rin naman siya kaya siguro ok lang naman.

"Yes, I will be your girlfriend" by that, niyakap niya ako bigla, kasabay ng paglabas ng fireworks display ay ang pagtulo ng luha ko, ito ang tears of joy kung tawagin

---

Vote and Comment!!



Perfect Match(Editing)Where stories live. Discover now