Chapter 25

35.3K 510 63
                                    

Chapter 25

Manonood na sana kami ni Harry ng movie ng kumatok yung isa sa mga katulong nila at sinabing naroon na daw si Sydney. I mean Ate Sydney. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ganito din yung pakiramdam ko nung malaman ko na ipapakilala pala ako ni Harry sa parents niya. Sana naman mabait din si Ate Sydney katulad ng parents nila. Hindi ako sanay ng ganitong pinapakilala sa mga magulang ng boyfriend pero siyempre iba naman si Harry.

"Let's go babe, I'm sure Ate will like you." sana nga Harry. Nginitian ko nalang siya at magka holding hands kaming bumaba sa sala kung saan nagtatawanan sina Tita at yung isang magandang babae na umiinom ng juice. Maganda pala si Ate Sydney, okay feel na feel ko talaga yung pagtawag sa kanya ng Ate. Haha. So maganda nga siya pero hindi siya kamuka ni Tita at mas lalong hindi siya kamuka ni Harry siguro nagmana siya dun sa daddy niya. Hindi ko pa nga pala natatanong kay Harry kung sino ang daddy ni Ate Sydney.

"Nariyan na pala kayong dalawa, halika kayo at tabihan niyo kami dito." nakita ko na agad tumayo si Ate Sydney at ngumiti sa gawi namin. Hmm. Sa ngiti niya mukang warm naman yung pakikitungo niya at dahil doon medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

"Omg. Harry my dear brother I miss you!" niyakap ni Ate Sydney si Harry kaya naman napabitaw ako sa kanya. Pagkatapos noon ay ako naman ang hinarap niya at nakipagbeso.

“So ikaw pala ang girlfriend. You're pretty tho. Magaling pumili itong kapatid ko ha. Hi Elaine, I hope makasama kita minsan sa pag shopping. Is that alright?" okay. I love this girl na. Haha. Agad naman akong tumango.

"Sure. That's a great idea. By the way ang ganda ganda mo din." siyempre naman kailangan bola bolahin ko din 'tong kapatid ni Harry para naman good shot na good shot na talaga diba? Haha.

"I think ngayon palang magkakasundo tayo. Hey Harry ngayon palang sorry kasi for sure ma-out of place ka samin ni Elaine. Haha. I'll show you something mamaya Elaine I'm sure you will love it. Madalas ka kasing i-kwento ni Mom kaya naman I bought you something na din." oh diba kahit medyo conyo ang bait pa din talaga niya.

"Tara na mga anak at ng makakain na tayo alam kong pagod sa biyahe si Sydney." aya sa amin ni Tito. Bilib din ako kay Tito kasi kahit hindi niya anak si Ate Sydney sa nakikita ko ay sobrang close talaga sila. Hindi hadlang yung hindi sila magkadugo, parang si mommy kahit hindi naman niya kami anak pero higit pa sa isang tunay na mommy ang pag trato niya sa amin. Ngayon ko lang lahat narealize lahat lahat ng iyon. Somehow, magkamukha kami ng kwento ni Ate Sydney.

Pagkatapos naming mag tanghalian ay nag-kwentuhan lamang kaming lima sa sala hanggang sa nagpaalam na si Ate Sydney dahil may pupuntahan daw siya. Pinagpatuloy nalang namin ni Harry yung panonood ng movie. Medyo awkward nga lang para sakin yung plot ng kwento.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magbenta ng katawan ng mga babae. Lahat ng lalaki ang gusto nila sa babae ay yung malinis. Sila talaga dapat yung nirerespeto. Sa tingin ba nila may magseseryoso pa sa kanila." out of the blue na comment ni Harry sa pinapanood namin samantalang ako muntik ng mabulunan.

"Hindi naman nila ginusto yun Harry, malay mo gipit lang talaga sila diba? Hindi lahat ng prostitute ay madudumi." siyempre pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

"Hindi madumi? Pinagpasa-pasahan na sila no." medyo hindi na ko natutuwa sa topic namin. Baka mag-away lang kami. Ayoko na marinig yung mga panghuhusga niya. Wala siyang alam.

"Paano kung hindi na ko virgin Harry anong gagawin mo? Matatanggap mo ba ko?" tanong ko kay Harry. Ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita.

"Oo n-naman pero sigurado ako na virgin ka pa Elaine. Ako lang diba?" ngumiti na lang ako ng peke at tumango. Paano nalang kung malaman ni Harry ang lahat sa pananalita palang niya ngayon parang diring diri na siya. Napabuntong hininga nalang tuloy ako at tahimik na lamang na nanood. Paminsan minsan nagcocomment si Harry sa movie pero di ko nalang pinapansin.

TVFN 5 : Pure MagdaleneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt