Prologue

20.5K 345 39
                                    

Prologue

Simple lang ang buhay. Tao lang ang nagpapakomplikado.

Parang math. Hindi pa nakuntento sa numbers, pati letters, sinali.

Parang kape. Hindi pa nakuntento sa barako, ngayon, may 3 in 1 na.

Parang alak, Hindi pa nakuntento sa lambanog, gumawa pa ng "Lights."

Pero, kahit anong kakumplikaduhan pa ang gawin ng tao sa buhay,

May isang bagay silang hindi mababago, tulad na lang ng

kasimplehan ng pag-ibig, na kung paano ibinigay noon,

Siya pa ding natatangi, hanggang ngayon.

Parang puso, na kahit may nararamdaman, patuloy na tumitibok.

Pero sa kabila ng pagtibok nito, hindi maiiwasan ang ilang paghinto.

Pa'no kung hindi na magpatuloy sa pagtibok ang puso?

Pa'no kung tuluyan ng huminto ito?

May magagawa pa kaya?

 What would happen When Heart Skips A Beat?

When Heart Skips a Beat Where stories live. Discover now