Chapter 8

54 1 0
                                    

CHAPTER 8

Nasaan na ba si Dada?

Naglakad lakad ako after ng nakakapagod na picture taking with my hampaslupang fans.

CALLING…

Napansin ko namang biglang nag ring yung phone ko..

                Dukhang Dada

Sinagot ko agad yung tawag niya.

Grabe! Nasang lupalop ba siya ng Pilipinas kong mahal? At bakit niya pa ako kaylangan tawagan?

“NASAN KA BA? KUNG PINAGTATAGUAN MO AKO, PWES HINDI AKO NAKIKIPAGLARO NG HIDE AND SEEK. MASYADONG CHEAP YUNG LARO NA YUN. KAYA MAGPAKITA KA NA SAKIN!!!” sinisigawan ko lang siya via phone patch. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa mga makasaysayang pinagsasasabi ko.

“Abbi..” yun lang yung sagot ng Dada na yun. Sumosobra na siya ha. Ginagalit niya ako.

“HINDI! HINDI AKO SI ABBI! WRONG NUMBER KA SIGE!” sigaw ko ulit sa kanya.

May ilang mga babaeng tumitingin na sa akin dahil nga sa makabuluhang pagsigaw ko. Tinaasan ko sila ng kilay kaya hindi na ulit sila tumingin. Ganun kalaki ang paggalang nila sa akin.

“Abbi naman eh.. Seryoso ako..” mahinahon pa rin si Dada.

Iba yung boses niya ngayon.

Kahit na phone patch ko lang siya kausap, alam kong parang iba yung tono ng pananalita niya. Kaya naman hindi ko na lang itinuloy yung pagsigaw-sigaw ko sa kanya..

“O, sige. Basta, magpakita ka na sakin.. Nandito  lang naman ako, palakad-lakad sa venue. Makikita mo agad ako sa sobrang ganda ko at sa sobrang eksena ko dito..” sabi ko.

“Eh. Abbi.. Pakinggan mo nga muna kasi ako..”

“Ha? E pinapakinggan naman kita ah? Ano namang akala mo sa ginagawa ko ngayon sayo? Malamang nakikinig ako sayo!” irita kong sagot. Gusto ko na sanang ibaba yung phone dahil parang niloloko lang ako ng bestfriend ko na ‘to. Pero napigilan ko yung pag-end ko sana ng call ng biglang nagsalita ulit si Dada..

“May lagnat akooo..”

“LAGNAT?!” napasigaw naman ako ng mas malakas pa sa ginagawa kong sigaw kanina. Srsly? May lagnat siya?

Tinginan na naman ang mga hampaslupa.

“Abbi. Calm down nga muna.. May lagnat ako. Srsly. Kaya di ako makaka attend ng ball..”

THE HECK! Ano ‘to?

“Tell me, nagbibiro ka lang diba, Da?” naiinis kong tanong sa kanya. Umaasa pa rin ako na mali ako ng rinig.

Pease Dada! Say YES! PLEEEEEEEAASE!!!!

“No.”

X_____________________________X

BWISIT NAMAN OH!

Ibig sabihin, puro mga low class na students lang ang makakasama ko ngayon dito? Anak naman ng wattpad oo!

“K.” sabi ko at pagkatapos ay in-end ko na ang call.

Nababanas na ako.

Ang sarap lang sungalngalin ni Dada.

All this time, gustung gusto kong ipagmalaki kay Dada kung gaano ako kaganda ngayon.

Kung gaano ako kasexy.

Kung gaano ako ka-unkabogable.

Kung gaano ako ka-revealing..

Yung kahit na sobrang ganda ko na kahit wala namang okasyon, ay may igaganda pa rin pala ako.

Hayy nako.

Ibinato ko sa lapag ang Iphone 5S ko. Dahil matibay ito, hindi ito kaagad nagkapira-piraso, hindi gaya ng mga mumurahing cellphone na mabilis nahahati sa tatlong piraso pag nabagsak.

Nakita ko na naman ang mga pangit na pagmumukha ng mga students. Nakatingin na naman sa akin. Ngayon lang sila nakakita ng binalibag na Iphone 5s? Juiceko!

Ilang Iphone na ba ang nawasak ko?

Ilang Ihone na ba ang pinamigay ko sa mga nasalanta ng bagyo?

Ilang Iphone na ba ang pinakain ko sa mga ligaw na aso?

Ilang Iphone na ba ang nai-flsuh ko sa inodoro?

Grabe!

Nabakas ko ang panghihinayang ng mga hampaslupa para sa binalibag kong Iphone 5s.

“Anong tinitingin tingin niyo sa Iphone 5s? Ngayon lang ba kayo nakakita ng cellphone na nasa sahig?” tanong ko sa kanila.

Hindi naman sila sumagot gaya ng inaasahan ko.

Juiceko naman! 1 plus 1 nga lang, di pa nila masagot. Yung mas mahirap pa kayang tanong na gaya ng tinanong ko.

“Kung gusto niyo ng Iphone na yan, edi kunin niyo. Kayo na bahala dyan. Kaya ko pang bumili ng maraming ganyan. Ang mura lang nyan eh..” sabi ko at tumalikod na ako.

Parang pinagsisihan ko naman ang pagtalikod ko.

First time mangyari sa akin ang maging speechless.

“Hi Abbi!”

Bakit Pantay ang Bangs ni Abbi? (ONGOING💛)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon