IWMSB 5: one to two

85.7K 2.5K 175
                                    

#UNEDITED

age check : Ron 18- freshman 

                        Phin 17-grade 12

...

IWMSB 5:

Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga estudyante, kanina niya pa rin yun binabalewala. Naka high school uniform kasi siya, nandito siya sa loob ng university ni Ron, kung bakit kasi na accelerate ito. Magkalayo tuloy sila ng isang taon, pero planado niya na dito siya mag-aaral.

Ito ang isa sa mga araw na susulpot na lamang siya sa university nito, ngayon nga ay nakasandal siya sa magarang kotse na regalo ng daddy nito. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante, mapa babae man o lalaki. This day is extra special, debut nya na in two months time, isasama niya si Ron para magpasukat ng isusuot sa kanyang debut. Dapat partner sila because he will be her escort, dream come true iyon.

Lumawak ang kanyang ngisi ng matawanan na palapit na ito, may kasama itong tatlong kaklase, dalawang lalake at isang babae. Mukhang seryoso ang kanilang pag-uusap kaya hinintay niya na muna na matapos sila bago kunin ang atensyon ni Ron.

"Sa cafe na lang na malapit natin pag-usapan ang deteails." Suhestyon ng kasama ni Ron na may mohawk na buhok.

"I love that, nag cacraw ako sa coffee, parang kulang yung kanina." Nakangiting wika ng babae na may dimple sa itaas ng pisngi. Chinita ito at mukha talagang matalino.

"Let's go then." Yaya ni Ron, napatigil ito ng makita siyang nakatayo doon.

"Hi Ron." Alanganin siyang kumaway, nakasuplado mode na naman ito, ngumiti naman siya sa mga kasama ni Ron na ngumiti din pabalik.

"Sino girlfriend mo Ron?" tanong noong isang lalake na clean cut ang gupit, di nakalampas kay Phin ang kuryosidad sa mukha ng babaeng kasama ng mga ito. Sabi na nga ba niya, katulad niya ay may gusto din ito kay Ron, kahit naiinis siya ideyang yun ay sinikap niyang ngumiti.

"Hello sa inyong lahat, I'm Phineas," pakilala niya sa mga ito.

"Parang yung sa cartoon?" bumunghalit ng tawa ang babae na parang nangiinsulto, napatingin namana ng dalawang lalake dito, maging sya ay ganoon din. No one dares to insult her name infront of her.

"Sorry, nadala lang ako."

"Why are you here?" tanong ni Ron matapos paunahin ang mga kaklase nito. Bakas pa nga ang disgusto kay Livia, doon sa babaeng kasama nito. Ayaw nito na maiwanan si Ron, sinuguro talaga na susunod ito.

"Fitting ng dress ngayon, sabay na tayong pumunta sa store." Yaya niya dito, tinagilid naman nito ang ulo.

"I forgot, pwedeng sa susunod na lang ako pumunta,I'm really busy today." Sagot nito na nagpalumo sa kanya.

"Hindi pwede, madedelay ang preparation." Sagot niya dito na hindi naman nito nagustuhan. " You're my escort kaya dapat ok na rin yung susuot mo." Napahawak naman ito sa sentido. She knew that gesture, naiirita ito.

"Sino ba kasi ang nagsabi na gawin mo akong escort?" that word hurt, wala naman siyang naiisip na iba talaga maliban dito, feeling niya maiiyak siya sa narinig. Umasa talaga siya na 100% itong payag sa kanya, pati itong araw na ito ay matagal niya ng sinabi, bakit hindi na naman ito pupwede?

Sa bagay lagi naman itong hindi pupwede, siya lang naman talaga ang maipilit.

"I'm really busy today."

"Ganoon ba , sige." Huminga siya ng malalim at umalis na sa harap nito, pinaalis niya pa naman ang kanilang driver sa pag-aakala na magkasabay sila ni Ron. Mahirap talaga kapag mataas ang expectation mo eh, sobrang sakit sa puso kapag nabigo ko.

"Where is your driver?" dinig niyang sigaw nito.

"Mag-tataxi lang ako." Pumiyok na siya dahil nakakaiyak talaga. That's her debut, her special day.

"Pain in the ass." Bulong nito na mabilis napunta sa kanyang gilid, hinawakan sia nito sa braso at ipinasok sa passenger seat ng kotse. Natameme lamang siya doon, nakatingin siya sa labas habang nagmamaneho ito, siguro ay ihahatid muna siya nito sa bahay, nakakahiya naman na sa shop siya magpahatid pa, may meeting nga pala ito, mas importante ang mga ganoong bagay kay Ron kaysa sa debut nya.

Nagulat na lamang siya ng sa isang cafe sila tumigil.

"Bakit dito?" nag-aalangan na tanong niya.

"My groupmates are inside, just give me one hour to finish our meeting then we will go to the fitting."

"Okey." Napakagat siya ng kanyang labi, mabilis siyang nabuhayan ng loob sa sagot nito, luambas ito kaya lumabas na rin siya . pinuntahan nito ang mga kaklase na nakalabas na ang kanikanilang laptop. Nakakunot ang noo ni Livia habang nakatingin sa kanya, nadisappoint ng sobra ng makita siyang kasama ni Ron. Taas noo naman siyang humarap dito, maganda ito pero mas maganda naman siya kung tutuusin, siya kaya ng face ng kanilang kumpanya, syempre maliban sa ate ni Ron na si Ran. Matalino naman din siya, hindi nga lang kasing taas ng IQ ni Ron but she's good herself. Naupo na lamang siya sa table na hindi kalayuan sa mga ito. Sa kanyang pwesto ay malaya nyang napag mamasdan si Ron habang buong gwapo na gumagawa ng kanilang school work, ideya nito ang laging sinusundan dahil napaka ganda raw. Talagang brainy ang kanyang Ron babes.

Napatingin siya sa kanyang relo, yung isang oras na sinabi ni Ron ay tapos na, kung tutuusin, sampung minuto na lamang at magdadalawa na. Base sa naririnig niya kay Livia na halata naman na pinaparinig sa kanya ay hindi daw matatapos ang mga ito agad.

Nagulat siya ng tumunog ang kanyang cellphone, si Phytos ang kanyang kapatid.

"Nasaan ka ate?" tunog galit ang boses nito.

"Ano papunta ako sa company fitting ng gown ko." Pagsisinungaling niya sa kapatid, narinig niya ang malalim na buntunghininga nito bago ang maakusa nitong reply.

"Sinungaling." Bigla itong nawala sa linya, ilang sandali pa ay nabungaran niya ito na papasok sa loob ng cafe masama ang tingin sa kanya. Hinablot siya nito at mabilis na itinayo. Matangkad si Phytos, malaki ang bulto ng katawan, sport nito ang basketball.

Hindi na siya nakapalag dahil sobrang seryoso ang kanyang kapatid, isusumbong siya nito sa kanilang daddy, sumulyap pa ito kay Ron at nag-iwan ng isang madilim na tingin. Hindi naman siya nakarinig ng pagtutol kay Ron habang hila ng kapatid palabas.

Iyon ang masakit doon.

Mas masakit pa sa pasa na binigay ng kanyang kapatid ang paghintayin siya ni Ron sa isang pangako na hindi naman nito tutuparin.

Pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang isip.

Escort niya pa rin ito sa kanyang debut.

...

I Want My Stalker Back (completed)Where stories live. Discover now