Naging busy na ulit sya sa trabaho nya. May bago kasi syang single. At yon na ang last nya. Umabot pa sa another 3 years bago nya nasabi sa manager nya ang balak nya.
Pero sinulit talaga ng manager nya ang nalalabi nyang time sa contrata. Mall shows dito, mall shows doon. Guesting dito at guesting doon ang show nya.
She is 22 years old na sya. Nakapagdesisyon na sya na magmasters sa ibang bansa. Kailangan nyang lumayo para makapagmove on na. Malaki na naman ang ipon nya at dalawa na ang boutique nya sa isang mall kaya okay na para sa kanya ang hindi na magrenew ng contract sa D Records.
"Are you really sure that you're going to have your masters at boston? " it was Jake.
"Yes. Mag-aaral at magtatrabaho din ako doon. Babalik ako dito sa tamang panahon. But surely, it will take time."
"Marami namang university dito na magalin at pwede kang magmasters. "
"I have reasons Jake. " malungkot nyang sabi.
"Is he one of the reasons? "
"You can say that. Bat gusto ko kasi makalimotan muna ako ng mga tao dito. Gusto kong mabuhay ng normal. Gusto kong lumabas ng bahay na di na kailangang mag disguise. Gusto kong mangulangot publicly na walang critics na maririnig. "
"Seriously?! "
"Hahahah, ikaw di ka na mabiro! But yeah, I'm serious that I want to live life normally. Normally as in, yong hawak hawak ko na ang pagkatao ko na wala akong kailangan e please na iba kundi ang sarili ko lang. At gusto ko hawak ko na ang puso ko para malaya ko nang ibigay ito sa karapat dapat. "
"Then I guess I have to wait for that time."
"No Jake. Please don't wait for me. I can't promise anything. And really, it will take time. Baka 50 years old na ako pagbalik ko! "
"Pababayaan mo sila nanay at tatay! "
"Gregory may be 13years old pa pero kaya nyang alagaan ang mga magulang namin. I have their blessing for this Jake. And Jake, I just can't move on here. Lalo na ngayon na ikakasal na sya! I'm hurting. I need to fix myself. "
"I understand you. Hindi kita hahadlangan dito. But don't ask me not to wait."
"Jake... "
"Kumain ka na nga. Sulitin natin ang oras. Bukas aalis ka na at hindi ko maipapangakong makakavisit ako sayo. Tamad ka pa namang mag update sa IG mo."
"Mag-aaral ako diba. Kaya wala munang istorbo! Joke lang. Mga 1s a month mag update ako! "
Kahit papaano naging maayos naman ang lastnight nya with Jake. Bukas ihahatid sya ng pamilya nya sa airport. Nakahiga na sya ngayon sa condo pero hindi sya dinadalaw ng antok.
Nagbihis sya ulit. Suot ang wig at cap nya, bandage skirt at loose shirt na medyo hanging. Pupunta sya ng music bar ni Tristan.
Kahit na nangyari yong gabing nalasing si Tristan, pumupunta pa din sya sa bar para mag-abang dito pero di na sya bumababa ng kotse nya. Nagkasya na sya sa pagtanaw dito. At nabalitaan nga nya na ikakasal na daw ito at si Jessica. Sila din talaga ang nagkatuloyan. Kaya kailangan na nyang taposin ang kahibangan nya.
Well, last na ngayong gabi. At ngayong gabi, papasok ulit sya sa loob...
Madami talagang tao sa bar nito lagi. 10pm pa lang at sobrang puno na ito, 2nd and ground floor. Kaya dumiretso na lang sya sa counter at doon na naupo.
"Margarita please. " sabi nya sa bartender.
Tumitingin lang sya sa mga nagsasayaw. Nakasuot sya ng salamin. Actually yong bili ni Tristan na salamin before ang suot-suot nya ngayon.
YOU ARE READING
Bachelor's Series 3: Tristan
RandomNapapalunok syang nakatitig sa dibdib nito pababa sa tyan at puson hangang sa gitna ng hita nito. "Tititig ka na lang ba?"