Ang love story ko. part. I

992 23 23
                                    

Highschool life, masaya, astig, at malupit. Yung tipong walang kinatatakutan kapag mantritrip, at yung iyakan moments nyo, love life, crush life at barkada natin. Third year highschool nagsimula ang lahat, nung nailipat ako ng pwesto sa sitting arrangement namin sa klase. nasa may harapan ko siya, di ko pa nararamdaman yung pagmamahal nung oras na yun, hindi ko pa ramdam na may gusto na pala ako sa kanya nun. basta gusto ko lagi siyang kausap, kahit wala nang kwenta yung sinasabi ko. haha basta nakikita kong nakatitig siya sakin, siyempre para paraan lang yan mga tol haha. mahilig siyang mag pakapit ng buhok/ mag pasuklay ng buhok. so ako yung nasa likod niya kaya nakakapitan ko din yung buhok niya. nag karoon ng bagong sitting arangement, magkalapit kami, ako naman yung nasa harapan niya. lalo kaming naging close, kasama ko siya sa kulitan, asaran at tawanan kasama ang iba naming kaibigan (maricar at jolo). Lagi kaming nagbabaon ng mga chichiriya tuwing klase, para kakain nalang kami sa pinaka boring na subject namin noon (t.l,e) hilig naming bwisitin yung teacher namin na yun, kasi imbis na matakot ka pag nagsesermon, e lalo kapang matatawa. habang lumilipas ang mga araw, lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Yung tipong tagabunot ko na siya ng puting buhok noon. Siyempre gabi-gabi hinihiling ko na madami pang tumubong puting buhok ko non para may moment ulit kami haha. masaya ako lagi dahil lagi kaming nag uusap, kulitan at kwentuhan. lahat iyon nabago nang dumating ang araw na, nalaman niya na may gusto ako sakanya. Nawala na, Wala na, Ayun na yung huli naming kulitan at tawanan. Hindi na kami nagpapansinan, Hindi na niya ako tinititigan. Gumawa na ko ng paraan, Tinutulungan na ko ng mga barkada ko para mapalapit ulit kami. tinatanong nila kung bakit bigla siyang nagbago nung nalaman niya  ang lahat. kaso wala talaga e,walang nabago. sa mga gala. kapag alam kong kasama siya, kahit hindi ako available o hindi pwede pipilitin ko padin para makasama lang siya.Para lang makasilay, at nagbabaka sakaling makapagusap ulit kaming dalawa. Kaso parang wala pading nagbabago sa pagtingin niya sakin.

Tinuturuan na ko ng barkada ko kung pano kami makakapag usap ulit. Kaso wa-effect padin, napaka torpe ko kasi. Napaka hiyain ko, napaka tanga ko sa gantong bagay, walang nangyayari araw araw Hanggang sa umabot na sa  christmas party, Siyempre may exchange gift doon ta's bunutan kung sino reregaluhan mo. Nagulat nalang ako bigla nung siya pala yung nabunot ko, ang saya saya ko non, pumunta agad ako sa mall para mamili ng pang reregalo, di ko na inisip yung limited price na required sa exchange gift, basta ang nasa isip ko kahit mahal basta para sakanya, okay lang. Ang binili ko sakanya ay shirt at necklace.

Okay Christmas party na! heto na to, aba kapag iaabot mo na yung regalo mo ay may small speech, kinausap ko na yung kaibigan ko para patugtugin yung grow old with you, kapag nagsasalita na ko. Siyempre kinikilig sila habang nagsasalita ako, siiya naman hindi makatingin sakin pero nangingiti haha. ang saya ko grabe haha. Nung inabot ko na sakanya yung regalo ko, aba pulang pula ako haha di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko nung nalapit ulit ako sakanya. Pero last day nadin yon kaya christmas vacation na, nako malungkot kasi walang baon, wala pang silay. Boring nanaman neto haha. wala padin akong lakas loob na itext man lang siya noon.

Heto magpapasko na, inaantay kong mag 12:00am para saktong babatiin ko siya ng Merry Christmas, haha medyo corny yon pero ginawa ko padin. nagreply siya ng 'same to you' nako di man lang nageffort ng 'merry christmas din' haha pero okay lang, atleast nagreply naman diba nga? haha. nagwish ako na kahit hindi man ako ang makatuluyan niya sa huli, sana mapunta siya sa lalaking kaya siyang mahalin at respetuhin. inenjoy ko ang pasko at ang bagong taon, pahinga pahinga pahinga, dota dota dota, kain kain kain, tulog tulog tulog, tambay tambay tambay. nakakasawa din haha. pero wlang magagawa eh.

Tapos na ang Christamas vacation, nako heto na! silay ulit haha! nakita ko siya, aba naka brace na haha, medyo cute tignan kaso may pagkablend ng piranha haha joke lang. Cute padin siya aba! maganda padin! siya padin ang tinitibok ng puso ko haha corny. Nako ganun padin ang nangyayari, wala padin. Walang pansinan walang usapan, Wala! grabe sana di nalang niya nalaman na may gusto ako sakanya, para sana hanggang ngayon e nagkakalikutan pa kami ng ulo at buhok haha. Wala ganito padin hanggang sa matapos ang schoolyear. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang love story ko. part. IWhere stories live. Discover now