CHAPTER 44

7K 197 30
                                    

Kai's POV

Maaga akong nagising ngayon. Kakagaling ko lang rin sa pagjajogging.

Kasalukuyan akong naliligo. Naalala ko nga pala. Sinabihan ako ni Aki na may party daw na mangyayari dito sa mansion mamaya. Nagtataka ako kung bakit sya magpapaparty? Party is not her thing.

Sabi nya pa ay para lang ito sa mga pinsan nya, sa mga kapatid nya, sa mga personal reapers nya which is me and Lei, for Jin , Jin's personal reapers and for the mafia. Ganun ba talaga yun kaimportante para isali ang mafia? Hays!

Tinapos ko na lang ang paliligo ko. Tss! Gusto kong doon muna ako magtigil sa condo ko pero ayaw nyang pumayag. Tss!

Nang matapos ako sa paliligo ko ay nag-ayos lang ako saglit ng sarili ko bago lumabas sa kwarto ko dito sa mansion.

Nagugutom na ako. Sigurado naman akong maagang nagluto ang mga maid dito dahil may event na mangyayari mamaya.

Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay may nakita akong pintong nakaawang. Kung hindi ako nagkakamali ay wala namang umookupa ng kwartong ito.

Napatigil ako sa tangkang pagpunta sa kusina. Lumingon muna ako sa paligid para masiguradong walang ibang tao..

Nang masigurado kong walang tao ay dahan dahan akong lumapit sa pinto. Sumilip ako sa awang.

Napakunot ang noo ko nang makita ang dalawang Kushiki sa loob ng kwarto. Seryoso ang mukha nila. Akala ko ay ako pa lang ang gising dito sa mansion maliban sa mga maid at chef?

"What should we do now? Time is running kuya."-Azuri. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Tss! We should unmask her."-Akihiro. Unmask who?

Tunguna! Bakit nakakatakot ang itsura nila ngayon? Ano bang nangyayari?

Agad akong napalayo sa pinto dahil bumaling sila dito. Maya maya lang ay may narinig akong mga yabag . Puta! Lalabas na agad sila?

Nagtatakbo ako palayo sa pinto. Nang medyo nakalayo na'ko ay naglakad na lang ako para hindi kahina-hinala.

Anong alam ng magkapatid na yun na hindi namin alam? Tunguna! Mas bata sila samin kaya mas sakit sila sa ulo.

Teka lang! Bakit ko nga ba sila pinoproblema? Si Max ang nakaasign na tagabantay ng dalawang binatang Kushiki. Siguro ay kakausapin ko na lang sya mamaya tungkol dito .

Kairi's POV

Ngayon lang ako nakauwi dito sa mansion nila Aki dahil may inasikaso akong tungkol sa mafia. Ilang linggo ko na rin kasi syang hindi makausap ng matino dahil ang dami dami nyang dahilan. Tapos ngayon ay pinauwi nya ako dahil may party raw. Tss! Para saan ba ang party na yan?

Kahit saan ako lumingon dito sa mansion ay busy ang mga maid. Gaano ba kahalaga ang party na yon at talagang inabala nya ang mga tao dito? Tss! Pasaway.

Naglakad ako patungo sa garden. Maging dito ay busy ang mga maid.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Akihiro at Azuri. Anong ginagawa nila sa garden ng ganitong oras? Sa pagkakaalam ko ay mas gusto pa nilang maglaro ng play station kaysa ang tumigil dito.

Tss! Baka naman may kalokohan na naman ang magkapatid na ito? Pero bakit ang seryoso ng mukha nila?

Hays! Bakit ko nga ba sila inaalala? Nasa loob naman sila ng Kushiki property kaya alam kong hindi sila mapapahamak.

Pumasok akong muli sa loob ng mansion. Nakita ko si Shin na papunta sa garden.

"Hey!"-he greeted.

An Angelic-face Demon PrincessWhere stories live. Discover now