CHAPTER 1

14 1 0
                                    




Celyn's POV

Hi guys Celyn joice Perez here.

I'm 17yrs. Old. Isang ampon but i'm happy kahit paano kasi mabait naman sila kaya hindi ko na sinubukan pang alamin kung sino ba talaga ang tunay kong magulang. Kasi hindi naman nagkukulang ang mga magulang ko ngayon saka wala silang tinago sa kin mula pagkaampon nila sa kin.

Hay... enough na sa introduction...



"Ate bumaba ka na daw po kakain na.'' -james

"Oo.. sige susunod na ko!" Sabi ko kay james. Kapatid ko sya, hindi man kami magkadugo pero hindi nila ako tinuring na iba.


"Oh, andyan ka na pala halika na dito at kumain ka na.'' Sabi ni mama habang nilalapag yung ulam.

"Wow! Ang sarap naman nito..'' manghang sabi ko ng makaupo ako.

"Kaw talagang bata ka nambola ka pa eh, ginisang sardinas lang yan saka pritong itlog.'' natatawang sambit ni mama.

Natawa din si James kaya nagtawanan na lang kami at nagsimula ng kumain. Pagkatapos namin kumain umalis na kami ni James para pumasok sa school. 4th yr na ako at grade six pa lang si James. Nung bata pa si James ay sakitin sya kya hindi sya agad nakapag-aral tapos nung mag-grade 4 na dapat sya nag-stop naman sya sa pag-aaral kasi naging sakitin uli sya. Pero ngayon ok na sya every 6 months nag-papacheck-up sya para masiguradong ok siya. Ngayon alam nyo na kung bakit malayo ang agwat ng pag-aaral namin.

1month na since nagstart yung pasukan pero pakiramdam ko ang tagal na, kasi last year ko na ngayon.


"Haysst!''

"Grabe girl ang lalim ng buntong hininga mo ah..''Alice

"Oo nga girl, may problema ka ba?''-Sara

"Wala naman..'' sagot ko na nakangiti para hindi na sila mag-usisa pa. Kasi wala naman talaga ako problema. Medyo nagdadrama lang.

"Ok, sabi mo eh.. halika na baka ma-late pa tayo.''-Sara

Pagkarating namin sa classroom wala pa naman yung teacher namin kaya nakahinga kami ng maluwag.

"Mga sis nabalitaan nyo na ba?'' Tanong ni Jessa bago naupo.

"Yun bang mga transferee?'' Tanong ni Leah na kumikinang pa yung mata.

"Yung limang magkakaibigan na mga gwapo?''-Ana

"Big check mga sis!'' sabi ni Jessa na nag-check pa sa hangin.

"Oo naman no, saka balita yun sa buong school.'' Kinikilig na saad ni Leah.

Hindi ko na pinansin yung iba pa nilang usapan baka isipin nila tsismosa ako. Kaya nagtuloy na ko papunta sa upuan ko.

"Anyare? Bakit nahuli ka girl?''-Sara

"Narinig ko kasi usapan nina Jessa'' sagot ko na iniisip pa rin yung usapan nila. Para kasing wala akong nabalitaan eh. Maxado na yata ako huli sa trending ngayon.

"So,.. don't tell me tsismosa ka na ngayon?'' Sabat naman ni Alice.

"Hindi ah!'' Depensa ko. Hindi naman talaga eh. Na-curious lang ako about dun sa mga transferee daw.

''eh, ano ba pinag-uusapan nila at nakuha nila ang atensyon mo?'' tanong ni Alice.

''about dun sa mga bagong transferee daw.. may alam ba kayo dun?'' takang tanong ko.

''oo naman girl, alam namin yun last week namin nalaman.'' sabi ni Sara na parang kinilig.

Habang si Alice naman ay sunod-sunod na tango ang sagot. Hindi kaya mahilo 'to.

Pero imbes na magasalita ako ay sinamaan ko sila ng tingin.

''Oh, bakit ganyan ka makatingin?'' Sabay nilang tanong sa kin.

"Alam nyo pala eh, bakit hindi nyo sinabi sa kin?'' Nagtatampong sabi ko sabay cross arms.

Nagkatinginan silang dalawa tapos bigla din sila tumawa. Yung totoo kabigan ko ba talaga 'tong dalawang ito. Pakiramdam ko ngayon binubully nila ako kasi wala akong alam. Ang bad nila ipasalvage ko kaya sila. Ay, mas bad yun, ano ba yan mas bad pala ako. Amffft..

"Alam mo girl sinubukan namin i-open up sayo yung topic na yan last week pa, pero lagi kang busy. Kung hindi ka nagbabasa ng wattpad nanunuod ka naman ng mga koreanovela or kahit anong novela sa youtube.'' Paliwanag ni Alice.

"Saka kapag usapang about sa boys naman topic eh, hindi ka interesado. Maganda ka naman kaso may pagka-amasona ka nga lang, kaya walang naglalakas loob na manligaw sayo eh.'' Dagdag pa ni Sara.

"So ano ibig nyo sabihin ngayon ?'' Naka-cross arm pa rin na tanong ko.

Nagkatinginan muna sila bago sabay na nagsalita.

"Babae ka ba talaga?'' Sabay nilang tanong.

"What?!!'' Napalakas yata ang sabi ko kasi bigla nilang tinakpan yung bibig ko. Napatingin ako sa mga classmates ko at nakatingin din sila sa kin kaya nag-peace sign ako saka nila bago nila itinuloy kung ano mang ginagawa nila.

"Ano bang kalokohan pinagsasabi nyo?'' inis na sigaw ko pero pabulong lang para hindi agaw pansin. Kung paano yun kayo na bahala umintindi..hehe


****














UNEXPECTED LIFE(hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon