CHAPTER 3

7 1 0
                                    




Celyn 's POV


Grabe gusto yata ni maam na ma-bully ako this year. Hayyst! Di bale na nga last year na lang naman eh. Lord please help and guide me po.


"Sige na magsipunta na kayo sa bakanteng upuan dun at tingnan nyo na lang yung number.'' Turo ni maam sa direksyon ko kung saan maraming bakante.


'Ang swerte naman nya nkapalibot sa kanya yung lima'


'Oo nga sana ako na lang yung nandun'


'Ano ba yan nakakainggit naman sya'


Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Nagsisimula na silang magbulungan. Napabuntong hininga na lang ako ng makaupo na sila.


Nag-discuss lang yung teacher namin then tpos na yung subject nya.

Now waiting for the next teacher.


At habang wala pa yung sunod na teacher, wala ding pinalampas na pagkakataon ang mga classmates ko.

Kanya-kanya na silang nagsilapitan sa mga katabi ko.

Ayun at nagkumpulan sila lahat sa lima. Except pala sa isa kay Jake yung sinabi kong walang emosyon kanina nung nagpakilala. Grabe suplado at masungit pala sya naka-earphones sya habang  hawak at nakikinig sa mp3 nya ng nakapikit.


Eto naman si Blue hindi rin namamansin. Pero wala syang pakialam kahit nakapalibot sa kanila yung mga classmates namin.


At ako inis na sa mga kaklase ko. Paano ba naman binabangga nila ako.


Hay, salamat natapos din itong araw na ito. Pagka-bell pa lang umalis na agad yung mga transferee. Ang bilis nga eh parang yun talaga yung hinihintay nila...


Sabagay ako man, yun din ang hinihintay ko para makatakas sa mapanghusga at mapanglait na mga nilalang dito. Grabe iba yung tingin nila sa kin. Para bang ako yung may pakana ng bagong sitting arrangement ngayon.

Nauna na rin umalis yung mga friends ko kasi may pupuntahan pa sila ayoko sumama kasi wala naman ako gagawin dun.

Birthday party kasi ng dati nilang friend na kakauwi lang last month at naisipang dito magcelebrate ng birthday bago pumunta sa America.

Naglalakad ako papunta sa gate nung mapansin ko ang kumpulan ng mga estudyante. Maya-maya pa eh, nakita ko yung limang kotse na magkakasunod na lumabas sa gate.


Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at nang makauwi na.



Grabe napagod yata utak ko kakaisip ng kung ano-ano.

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si mama na naghahanda ng lulutuin para sa hapunan.


Lumapit ako sa kanya upang magmano. Mabait kasi ako..hehe (buhat ng sariling bangko)

"Kaawaan ka ng Diyos.'' Sabi ni mama pagkatapos ko magmano.

"Si James po?'' Tanong ko.

"Andun sa kwarto nya.'' Sagot ni mama habang abala pa sa paghuhugas ng gulay.

"Ok po.. aakyat na din po muna ako.'' Sabi ko at tinungo ko na ang hagdan.


Pagkapasok ko sa kwarto nagpalit na ko ng damit at kinuha yung bag ko para sagutan yung exercises na binigay sa min kanina. Hindi naman sya assignment pero maigi na yung pinag-aralan ko sya.


Pagkatapos namin kumain ako naman ang nagligpit ng pinagkainan. Sabi ko sa inyo mabait ako eh..hehe

Nung matapos ko na mga gawain ko tiningnan ko yung alarm clock ko at sinet ko ng alas singko ng umaga kasi may usapan kami nina Sara at Alice na magkikita kita kami sa canteen.

Pagkatapos kong i-set ang oras ay humiga na ko. Pero hindi pa ako natulog kasi maaga pa 9:30pm pa lang at hindi kumpleto ang gabi ko kapag hindi ako nakapagbasa ng wattpad..hehe kahit ilang Chapter lang naman. Saka baka nag-update na yung author nung binabasa kong story.


Habang nagbabasa ako hindi ko namalayan yung oras at medyo inaantok na ko.

Napapapikit na yung mata ko pero dahil malapit na matapos yung binabasa ko itinaas ko yung cellphone ko habang nagbabasa ng wattpad pero dahil nga sa antok na talaga nabitawan ko yung cellphone ko at tumama sa may noo ko.

"Aray!'' Nasabi ko na lang nung bumagsak yung cellphone sa mukha ko.

Hinimas himas ko pa yung noo ko na na-bull's eye ng cellphone ko.

Grabe ang sakit..huhuhu sana hindi ako magkabukol.

Haysst, kaadikan kasi sa wattpad ayan tuloy. Pagtingin ko sa orasan 12:05 na pala. Lagot puyat na naman ako.

***






UNEXPECTED LIFE(hold)Where stories live. Discover now