Chapter 52: Check up..

42 3 0
                                    

Sunshine POV

Nandito kami ngayon sa OB, hinihintay ko na lang ag pagtawag sa akin dahil tapos na akong kuhanan ng dugo at kung ano ano pa..Napatingin ako Kay Brylle na pabalik balik sa paglalakad sa harap ko..Sana nga buntis na ako para matupad ko man lang ang wish ni Brylle, Naawa ako sa kanya dahil 2 weeks na siyang di makalapit sa akin..Ewan ko ba ayoko yung presensya niya lalo na pag nangaasar siya naiirita ako ng sobra, Hindi tulad dati na natitiis ko pa..Pero may time naman na gusto ko siyang makita Kaya pag hating gabi pumapasok ako sa Guest Room kung saan siya natutulog at Dun masaya akong nakatingin lang sa kanya..

"Babe!! Wala ka bang nararamdaman? Masakit ba ang ulo mo? Nagsusuka ka ba?" Sunod sunod niyang tanong natatawa ako sa kanya Grabe siya magtanong Sobra pala talaga siya kung magalala

"Wala akong nararamdaman!!" Sabi ko napakagat naman siya ng daliri

"Sabihin mo sa akin kung may nararamdaman ka ha!" Sabi niya Kaya tumango naman ako

"Manahimik nga kayong dalawa dyan, at ikaw Brylle tumigil ka sa kakalakad nakakahilo kana!!" Bulyaw ni Jack

"Hoy Jack, ikaw ang nagpumilit na sumama dito ah!" Bulyaw sa kanya pabalik ni Brylle

"Hindi ko naman ine expect na ganyan gagawin mo, mukha kang tanga!!" Sabi ni Jack Kaya ayun nabatukan

"Humanda ka talaga sa akin pag nangyari sayo to, Baka Hindi lang ganito ang mangyari sayo!!" Banta ni Brylle para talaga silang bata

"Kayong dalawa ang manahimik!!", natatawa Kong sabi " Parang kayo ang Lovers eh!!"dagdag ko

"Oh my God!!" Maarteng sabi ni Jack

"Bakla!!" Ismid naman ni Brylle

"Mrs. Villanueva!!" Sigaw na tawag nung nurse

"Nurse ito po!!" Sigaw ni Brylle sabay taas ng kamay Kaya nagsitawanan yung mga tao " Ah, I mean asawa ko po siya!!"napakamot niyang sabi

"Hahaha kailan ka pa naging Mrs. Villanueva?!" Asar na naman ni Jack
Habang nagkukulitan sila dun lumapit na ako sa Nurse, "Ako po yun Nurse!!" Nakangiti Kong sabi

"Okay po tuloy na po kayo sa loob!!" Sabi niya at binuksan ang pinto kung nakinig na sana ako Kay Brylle na sa Private Doctor na nila ako magpacheck di pa sana siya pagtatawanan kanina..

"Sandali!! Sama ako!!" Sigaw ni Brylle at nagmadaling pumasok

"Ako din!!" Sunod ni Jack kaso pinigilan siya ng Nurse

"Sino ba ang Asawa?" Tanong nung Nurse

"Siya po!!" Turo ni Jack Kay Brylle

"Eh di siya lang ang pwedeng pumasok!!" Sabi ng Nurse Kaya natawa kami ni Brylle loko loko talaga Si Jack..kasabay ng pagsara ng pinto ang mukha niyang nakasimangot lang ang huli naming nakita.

"Mr. And Mrs. Villanueva, please have a sit!" Sabi ng Doctor

"Thank you Doc" sabi ko

"Okay, Mrs. Villanueva you are 6 weeks pregnant Congratulations for both of you!!" Sabi ni Doc nagulat ako Kay Brylle ng bigla itong tumalon..

"Yes!! Yes!! Ang Galing ko!! Yes!!" Paulit ulit niyang sabi habang talon ng talon Ang saya niya Salamat naman at natupad ko na ang wish niya..napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang tuwang tuwa Kong asawa..

"In Addition Mr. Villanueva your Soon to have a babies, They are both Healthy and Strong!!" Nakangiting sabi ng Doctor

"Babies?!" Sabay naming tanong ni Brylle

"Yes, Babies! Kambal ang dinadala ng Asawa mo!!" Masayang sabi ng Doctor

"What!!" "Really?!" Sabay naming tanong ni Brylle

Series 1: My Revenge or Love for her? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon