Part 1 - My Normal Days

12 1 0
                                    

6 Years Ago
2010

My life 6 years ago was completely normal.  Wala pa akong pinoproblemang mga bampira that time. Im a happy go lucky type of guy.

Dahil 16 palang ako noon, hindi pa masyadong batak ang katawan ko. Medyo lean muscled at may hitsura ako noon, walang halong biro.

Noong first day nga ng 4th year ko sa highschool eh pinagtitinginan ako ng mga babae.

Matagal ako pumasok sa school, medyo antok pako eh. Nasa gate nako nun sa school namin. Malaki yung school at talagang maganda siya. Malawak ang school grounds kaya mahaba haba pa ang lalakarin ko papuntang classroom.

Naglalakad ako nang napansin ko na andaming mata ang nakatutok saken, parang hindi na sila nasanay sa kagwapuhan ko.

Ilang saglit ay nakita ko si Mark, bestfriend ko since elem pa kami. Nilapitan nya ko non

"Ash! Antagal mo namang pumasok, kulang pa yata bakasyon mo eh!" Bati ni Mark.

"Kulang pa talaga hahahaha."

Nagkwentuhan kami tungkol sa bakasyon namin nang napansin ko na may nagkukumpulang mga estudyante sa malapit. Nilapitan namin ni Mark iyon.

"Anong ganap dito?" Tanong ni Mark sa isang estudyante.

"Brad, andito si Miss Rose, yung anak ng may ari ng school. Ang ganda niya syet." Sagot nung lalaki na halatang gustong gusto yung Rose na tinutukoy niya.

"Ano ba yan, artista ba yang Rose na yan at pinagkakagulu---" Hindi na natapos ang sasabihin ni Mark nang nalapat ang mata niya sa isang magandang babae na pinalilibutan ng mga estudyante.

"Oy! Mark! Anyare sayo? Natulala ka dyan?" Tanong ko kay Mark.

"Ash, natamaan yata ako ni kupido." Mahinahon niyang sabi.

"Yung Rose ba na yun?" Sabi ko sabay turo kay Rose.

"Oo. Yan. Ash, angganda niya no?" Sabi niya habang nakatitig paren kay Rose. Tapos biglang nginitian sya ni Rose.

"Ash, nginitian niya ko."

"Hahahaha" Tumawa lang ako.

"Ash, makinig ka. Nginitian niya ko."

"Sge ulitin mo pa at masasapak na kita" Puna ko sa kanya.  "Oy Mark, paalis na yung Rose oh." Umalis na nga yung Rose at sumakay na ng sasakyan niya.

"Sayang naman, hindi ngako masasawa kakatitig sa kanya magdamag."

Makikita ko sa mga mata ng mga kalalakihan dito ang paghanga sa Rose na yon. Di ko din matatanggi, maganda at attractive talaga sya.

Habang tulala parin si Mark ay rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante tungkol kay Rose.

"Rinig ko, dito na daw magaaral si Miss Rose."

"Magfofourth year na daw yun eh."

"Angswerte naman ng magiging kaklase niya."

Nang narinig din ni Mark iyon ay biglang nabuhayan ng dugo at sabi niya na baka maging kaklase namen yung Rose.

Ayun nga at pumasok na kami ng classroom namin at magsisimula na ang pagpapakilala ng mga bagong estudyante at adviser.

Nagpakilala na ang Adviser namin, pati narin yung ibang newcomers. Tinignan ko si Mark at halatang dismayado sya dahil hindi namin ka-section si Rose.

Lumipas ang oras at dismissal na ng klase. Nauna nang umuwi si Mark sa kanila dahil may gagawin pa daw siya. Naiwan ako sa classroom dahil sa pinaglinis pa kami ng adviser namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love BiteWhere stories live. Discover now