Chapter 1

3.6K 64 1
                                    


1 Message received

From: Unknown Number
12:12 am

Sabi nila. This time. 12:12 am. Is the right time to confess. It's a magical time daw. Because they say that when you send your letter of confession at this time,malaki daw ang chance na maging mutual ang feelings nyo para sa isa't isa. Sounds corny right? pero,wala naman siguro masamang umasa. :) And yes. You've read it right. This is a confession. Cass, I like you and I love you. From the first day that I saw you.I've fallen for you.Mas lalo pa kitang minahal nang makilala kita. Not personally,but base from what I've heard from our common friends. Oo,may bad image ako sa university. But despite of all the bad things that I've done. Eto lang sa tingin ko ang ginawa kong tama. Ang magtapat sayo. Di nga lang sa personal. Di ko alam pero sayo lang talaga ako natotorpe ng ganito eh. Sana,di ka ma-awkwardan. I asked one of our common friends for your number. Wag kang magalit sa kanya ha? Actually,pinilit ko lang sya. Kaya ayun. Binigay nya din. Tomorrow after your last class. I'll wait for you sa lover's lane.Ayokong maging duwag ako even though this is my first time to do it for a special girl. Gusto ko sanang umamin sa personal sayo. And I want to know you more. So please,dumating ka sana. I don't have any intention to afraid you. I just wanna talk to you. Okay. See you tomorrow. Goodnight. I mean,goodmorning :) 😘

"Oh my ghad! Sinend nya talaga yan sayo Sandra?!"

Paulit-ulit naman tong babae na'to oh!

"Oo nga. Dali. Check mo nga uli kung same dun sa number nya sa cellphone mo."

"Ano ka ba! Nakakailang tingin na ba tayo? For Pete's sake Cassandra! Gising! Eto na yun! At last magkakaboyfriend ka na!"

Di lang talaga ako makapaniwala. Hello? Denver Castalde. Kilabot ng mga Profs dahil sa impluwensya ng pamilya nila sa University at pantasya ng halos lahat ng babae na nag-aaral dito.Ako? Magugustuhan nya? Seryoso?

" Baka naman si Cassandra na isa pa yan? Yung lagi kong blockmate pero never kong nakaclose?"

Agad nya akong binatukan.

"Aray! Masakit ha!"

"Sino ba yung mabait at matalinong Cassandra. Diba ikaw?!"

"Pero--"

"Sino ba ang may common friends kay Denver?"

"Ako pero--"

"Oh edi ikaw yun!"

"Pero hindi ako maganda."

"Hindi ka rin naman pangit."

"Baka nga si Cassandra the second yun? Yun pwede pa! Bebot! Pantasya ng mga kalalakihan! Maganda!--"

"Maldita at masama ang ugali. Malayo sa kilalang CAssandra ni Denver na mabait,matalino at simple."

Di lang talaga ako makapaniwala kaya parang ayaw kong paniwalaan yung mga sinasabi ni Yvrine.

"Ayokong pumunta dun."

"Pumunta ka na." Sabi nya saka hinablot yung cellphone ko.

"Oy. Teka! Anong gagawin mo dyan?"

Inaagaw ko sa kanya yung cellphone ko pero inilalayo nya lang, Ano kayang ginagawa nito sa cp ko? Pinabayaan ko nalang sya. Maya-maya ay ibinalik nya na din yung cp ko.

" Anong ginawa mo?"

"Basahin mo." Sabay ngiti nya nang nakakaloka.

Nakita kong may sinend sya.

Sent to: Unknown

Nabasa ko na. Thanks for admiring me. Oo,sige. After class ko sa may lover's lane. Black t-shirt suot ko partnered with jeans.😊😊😊

Nanlaki yung mga mata ko sa nabasa ko. Tinignan ko si Yvrine. Kinikilig-kilig pa yung loka-loka.

"Bakit mo ginawa yon? Ikaw pumunta dito!"

"LA!Bakit ako? ako ba si Cassandra?"

Bwiset! Halos tumalsik yung cp ko nang magvibrate. Dali-daling pumunta namansi Yvrine sa tabi ko.

From: Denver
Talaga??? Wow! Thank you! You don't know how happy I am right now🙌

Nanlulumo akong tumingin sa mukha ni Yvrine na malapad na nakangiti. Patay na. *facepalm*

WRONG SENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon