IWR 4

37.6K 834 8
                                    

Madilim na pero nandito parin ako sa labas. Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa parke. Hanggang ngayon ay umiiyak parin ako. Iniisip ko na isang masamang panaginip lamang ang nangyare. Puro kamalasan ang nangyare sakin sa loob ng dalawang araw. Wala ang bag ko na naglalaman ng pera dahil naiwan ko ito sa bahay ng bumaboy sakin. Nag-aalala din ako sa papa ko na hindi ko alam kong saang ospital na confine. Naikuyom ko ang kamao ko ng maalala ang sinabi saakin ni Tita Roxie. Lahat sila manloloko! Ang sasama nila!

Nagpasya akong tumayo. Hahanapin ko kung saang ospital naroon si papa, kailangan kong pasukin lahat ng ospital gagawin ko mahanap lang si papa. Siya nalang ang tanging meron ako.

 Napansin ko ang paghinto ng itim na van malapit sakin. May tatlong lalaking lumabas doon na may takip sa mukha. Huli na para tumakbo dahil hinatak na nila ako papasok ng van. Hindi ko na nagawang manlaban ng may ipaamoy sila sakin dahilan para mawalan ako ng malay.


Nang imulat ko ang aking mata ay napansin kong nasa kwarto ako. Hindi ito pamilyar sakin. Anong ginagawa ko dito? Naalala ko ang pagkidnap sakin kanina. Tumayo ako saka tumungo sa pinto pero naka lock ito.


"Palabasin niyo ako dito!" kinalampag ko ang pinto. "Buksan niyo to!"


"Hindi ka na makakalabas pa dito"


Napatingin ako sa likod ko at nakita ang bulto ng isang lalaki. Kahit madilim ay alam kong ito ang gumahasa sakin kagabi. Sinugod ko siya at pinagsasampal.


"Hay*p ka! Mamatay ka na!" Pinaghahampas ko ang dibdib nito. Kung ano-anu pang mura at masasamang salita ang sinabi ko sa kanya. Gusto ko siyang patayin. Lahat ng kamalasang nangyare sakin ay dahil sa kanya.


"Ano? Gagahasain mo na naman ba ako tulad ng kagabi?" sigaw ko sa kanya. "Sige gawin mo!" Halos manlabo na ang paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko.


"Patayin mo na ako..." naiiyak kong sabi habang pahina ng pahina ang ang paghampas ko sa dibdin niya. "P-patayin mo nalang ako." Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.


"I won't kill you" sabi niya. Napailing ako. Alam kong nagsisinungaling siya.

"Just cry." sabi nito.


Hindi ko alam pero mas naiyak ako. Ramdam ko ang  paghigpit ng pagyakap niya saakin.


"P-palabasin mo na ako..."sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko.


"Sorry" mahinang sambit niya. "But you're mine." dagdag pa niya na siyang ikinagulat ko.

Mojico Series 1: I Was RapedWhere stories live. Discover now