Chapter Twenty-Eight: Victory Party

2.3K 46 12
                                    

Someone's POV

  Ayan perfect na sana magustuhan niya ito. Pagkaayos ko ng tray na may laman na mga pagkain na linuto ko para kay Denden agad kong tinanggal ang apron na suot ko at tinignan ko ang wall clock na nakalagay sa left see side sa taas ng dinning table sakto mag a-alas dose na, sana gising na siya sobrang himbing ng tulog niya eh.

   Naghugas ako ng kamay at kinuha ko na ang isang pulang-pulang rosas na nakalagay sa baso na may tubig sa gitna ng lamesa na binili ko kanina, inamoy ko ito napakabango pa at mukhang bagong bili parin. Linagay ko na ito sa may gilid ng tray at tsaka ko binuhat ang tray at nagtungo na ako sa kwarto ko kung saan nandoon si Denden. Bago ko binuksan ang pinto ng kwarto idinikit ko muna ang kanang tainga ko sa pinto upang mapakinggan kung anong nangyayari sa loob, ngunit tahimik parin mukhang tulog parin siya, kaya pinihit ko na ang doorknob at nagdahan-dahan akong pumasok para hindi ko siya magising.

    Pagkapasok ko nakatingin siya sakin gising na pala siya, makikita mo na bakas sa mukha niya ang pagkagulat, magsasalita na sana ako ng...

Den: BAKIT AKO NANDITO!? *galit na tanong niya*

Me: Ahm kasi sabi mo kagabi ayaw mong umuwi eh

   Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at nagtaas ng kanang kilay.

Den: AT BAKIT KASAMA KITA!?

   Bago ko sagutin ang tanong niya inilapag ko muna sa sidetable ang tray na dala-dala ko at umupo sa gilid ng kama.

Me: kasi sobrang lasing mo na kagabi eh, hindi naman kita magawang iwan dun at baka mapano ka.

Den: Ah! So kaya mo ko dinala dito? *Mahinahon niyang sabi*

Me: O-

   Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang nagsalita

Den: SO KAYA SINAMANTALA MO ANG SITWASYON!? *sabay hampas sa dibdib ko* WALANG HIYA KA LA! *pasigaw*

Me: teka lang Den! Humunahon ka, nagkakamali ka sa inaakala mo.

   Pagpapaliwanag ko sakanya pero walang humpay parin siya sa pagsigaw ng mga inaakusa niya sakin at sa paghampas niya sa dibdib ko, kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit.

Me: Shh! Teka lang Den, kalma! Kalma.

Den: Bitawan mo ko! Manyak!

   Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagtaas na ko ng boses ayaw niyang huminahon eh.

Me: DEN! *sabay yugyog sa dalawang balikat ni Den* KUMALMA KA! PWEDE BANG MAKINIG KA MUNA SAKIN!

Den: PARA SAAN PA!? EH NAKUHA MO NA NGA ANG GUSTO MO! MANYAK! *pasigaw*

Me: Ano bang pinagsasabi!? Pwede bang kumalma ka muna.

Den: PAANO AKO KAKA-

Denden's POV

Me: PAANO AKO KAKA-

   Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may kumatok, naagaw nito ang atensyon ko napatingin din doon si LA. Dahan-dahang bumukas ang pinto isang matandang babae ang iniluwa nito, siguro nasa edad 45 pataas na siya, may dala dala siyang hanger at pag tingin ko yung damit at pants ko ang nakasabit doon.

...: Sir LA, sorry po sa istorbo eto na po pala yung damit ni Madam tuyo na po at malinis na pwede na ulit suutin.

LA: okay lang po yun Manang Fe, salamat po pala, pakilagay nalang po diyan sa upuan.

   Napatitig lang ako sa mga damit ko, napaisip din ako, hindi kaya si Manang Fe ang nagbihis sakin? Oh my nakakahiya ung mga pinagsasabi ko kay LA kung ganun. Nang makalabas na ng kwarto si Manang Fe tinitigan ko si LA, tila nabasa naman ata niya ang nasa isipan ko.

Hanggang Wakas (AlyDen Fanfic)Where stories live. Discover now