Photobomber

16.2K 477 139
                                    

Dedicated pala sa inyo, galing niyo pong sumulat ng mga kwento.  Sana maapreciate niyo po! Enjoy pips.

A pure product of my imagination.  Fiction. Fiction. Ficiton.

**

“ Uy Pika picture daw tayo oh!” anunsyo ni Zena, isa sa mga  kaibigan ko.  Maingay ang classroom, may mga naglalaro, may nag-uusap, at mga kung anu-ano pang gawain ng mga estudyante 'pag wala ang teacher.  At dahil wala ngang teacher, yung mga kaibigan ko naman ay nagpipicture-picture.  Selfie to be exact ang karamihan.

“ Ayoko, kayo lang.  ” sagot ko.  Ayokong sumali sa mga selfie nila.  Tsaka isa pa, hindi ako mahilig sa mga ganun.  Hayaan ko na lang silang mag-enjoy sa pagpipicture habang ako ay magbabasa na lamang.  Habang nagbabasa tanaw ko si Sean—ang taong gusto ko.   You know, like yeah.  May lihim akong pagtingin sa kanya—hindi dahil sa panlabas niyang anyo kundi sa pagkatao niya.  Masarap siyang kausap at komportable ako pagkasama ko siya.

“  Dali na Pika! Remembrance please? Tsaka konti lang kasi picture namin kasama ka eh.  Ayaw mo nun?  Bonding pa tayo.” sabi niya na dahilan kung bakit bumalik ako sa realidad.  Tiningnan ko siya, hay nako?  Matatanggihan ko pa ba ‘to? Oo ,pwedeng-pwede, pero siguro ngayon, pagbibigyan ko na.  Tutal malapit na kaming gumraduate, oh di siya, lalabas muna ko pansamantala sa comfort zone ko.

“ Ok.” sagot ko.

“ As in?! Friends! Napapayag ko na rin si Pika!” anunsyo ni Zena.  Agad naman silang nagulat at nag-usap na naman, na kesyo raw himala raw, once in a blue moon lang daw.  Sige lang.

Sinarado ko ang librong binabasa ko.  Isasantabi muna kita para sa mga kaibigan kong ito.  Di bale, sandali lang naman ‘to eh.  Para akong ewan habang tumatango sa libro.

Umalis na ako sa upuan ko at pinuntahan sila.  Kasalukuyang nagpipicture-picture sila.  I gave them a confusing look.  Paano ba naman kasi para silang mga timang habang nagpoposing sa harap ng dslr.  Sosyalin lang ah.

“ Uy! Nandito na si Pika! Tara, dito ka oh.” Sabi ni Fei.  Ako naman ay ngumiti ng pilit habang tumabi sa kanila.  Aba’t nilagay pa talaga ako sa gitna.

Nagsimula na silang magpicture at kung anu-anong posing ang kanilang pinaggagagawa habang ako ay nakasmile lang.  Pero di kalaunan ay sinabi nila na gayahin ko raw sila. Kaya ayun, mukha akong timang habang ginagaya sila.  Grabe? Expert lang sila sa gawaing ito?  Hindi ba sila nahihiya sa mga tao dito sa room?  Kasi ako hiyang-hiya na.

Pagkatapos naming magpicture-picture or selfie, ay tiningnan naman namin ang mga pagmumukha namin.  At guess what? Mukha akong timang.  Mukha akong ewan.  Alam niyo ‘yun? I look like a trying hard person.  Pero sige na nga lang, ngayon lang naman ito eh.

“ Ahahaha!  Grabe! Tingnan niyo si Pika o! “ anunsyo ni Fei.  Ako naman ay nasa gilid lang at hinahayaan silang tumawa.  Dapat talaga hindi ako pumayag.  Eto tuloy, napahiya ako. 

“ Ano ba ‘yan, sabi ko sa inyo dapat 'di ako sumali sa inyo eh.” Sabi ko.

“ Ano ka ba? Ang cute mo kaya dito! “ sagot naman ni Zena.  Cute? Yuck, eww.

“ Anong cute? Mukha kaya kong timang!” sabi ko.  Nakakahiya kasi eh, tiyak naman na i-uupload niya ‘yan sa facebook.  Siya pa.

“ Hindi ‘no! Pramis ang cute mo dito.” sagot naman ni Fei.

Photobomberحيث تعيش القصص. اكتشف الآن