JANUARY
{Amelia Mae Andrada's POV}
"Bat ganya ang suot mo?" Tanqong ni Lance na parang naiirita.
"At ano namang meron sa suot ko?!" Tinarayan ko siya. "Ang sexy ko kaya dito!"
"Amelia, class field trip ito," sambit niya. "Hindi tayo mag'phophotoshoot."
Tiningan ko ang sinuot kong tie up vest at mini-shorts at inayos ito. "Psh. Bahala ka basta maganda ako," sagot ko. "Ayokong magmukhang loser katulad niyo."
Natawa naman siya sa sinabi ko. I wasn't even joking. "At bakit naman naging loser ang pagsusuot ng uniform?" He smiled. "You have a funny way of seeing things."
Inirapan ko na siya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bus dahil sermon na nang sermon yung adviser namin dahil ang tagal ko daw at pinapagalitan pa ako nito dahil ganito ang suot ko. "Tch. Selos ka lang ma'am dahil ang sexy ko at ang taba mo," I said under my breath. Luckily, di niya ito narinig pero narinig naman ito ni Lance. He snickered and shook his head.
We stopped at this place called "The Safari". Para itong isang zoo na resort na rin. Haist. How boring. But still, I grabbed my camera at sumabay sa kanila pababa ng bus. I took some pictures of my classmates...and yeah...it's not what you think. I still hate them. It's for the sake of photography.
Nakita ko si Lance sa Butterfly Garden at maraming dumadapo na mga paru-paro sa kanya. "Hahaha, butterfly magnet ka na ba ngayon Lance?" Tumawa ang aming mga kaklase. But I didn't. It was actually a beautiful scene.
"Lance! Stay in that position will you?" Utos ko sa kanya.
"Ha?! Nakakahiya naman Amelia!" Reklamo nito.
"DO WHAT I SAY IF YOU STILL WANT TO LIVE." I raised my voice and he followed my command. Taking pictures of him took so long. Ang ganda kasi tingnan! I can't stop taking his pictures! Lumabas nalang ang lahat ng aming kaklase at hindi parin ako tapos.
"Ameliaaaa! Will you stop it already?!" Angal nito. "Maiiwan na nila tayo!"
"Edi iwan nila tayo! Pakialam ko ba sa kanila?" Sagot ko habang kuha parin ng kuha ng mga pictures. Bigla nalang siyang nawala pagkatingin ko ulit sa camera para kumuha ulit ng larawan. Tss. Ayun, iniwan na rin ako. K, fine. Whatever.
Naabutan ko siya sa labas ng Butterfly Garden habang nakaupo sa isang bench. Lumingon siya sa aking nang narainig niyang paparating na ako. "Hey weirdo," bati ko sa kanya. Hindi siya umimik at sinamaan lamang ako ng tingin. "What's up with you?" Tanong ko sa kanya.
He paused for a moment. "Iniwan na nila tayo."
YOU ARE READING
Wabi-Sabi
Teen FictionTwo persons who fell in love, accepted each other's imperfections, and ended up trying to forget about each other. cover by: 17Serenity