Umpisa.

14 3 0
                                    


"Jona! Bumangon ka na! Kanina pa ako sumisigaw punyeta kang bata ka! Hanggang kelan mo balak matulog?! Wag ka nang pumasok!!!" Napatayo ako sa sobrang gulat dahil sa bulyaw ni nanay sakin, kinusot ko ang aking mata at sumulyap sa orasan at SHIT MALELATE NA KO!!!!!!!!

"Ano Jona tutunganga ka nalang ba jan?! Aba punyeta kang bata ka di kita pinag-aral at pinalamon para tumunganga lang jan! Hindi ka prinsesa tandaan mo yan! Dahil walang prinsesang galing sa putik!! " Sigaw ni nanay sa akin, eto nanaman siya sa pang-araw araw niyang linya sakin halos makabisado ko na dahil araw araw niyang litanya yan sa tanang buhay ko tuwing gigising ako ng tanghali.

"Joana anak tandaan mo iniwan na tayo ng walanghiyang ama mo, aba wag mong sabihing gusto mo ring iwanan kita dahil sa kakuparan mo? Tandaan mo tumatanda rin ako! Pinalaki kita sa hirap hindi ka prinsesa sa pamamahay na to tandaan mo!" Yan ang laging linya sakin ng aking butihing ina, naiintindihan ko naman na para ito sa ikabubuti ko kaya naman naligo na ako at ginawa ang pang-araw araw na ritwal ko, ano pa ba edi maligo, magbihis, magtoothbrush at kumuha ng isang piraso ng "Mainit na pandesal " tapos isasaw sa kape.

"Jona eto na yung baon mo, pasensya ka na at Kwarenta pesos lang yan alam mo naman mahirap lang tayo--

"Okay lang nay" sabi ko at humalik na sa pisnge ng aking nanay bago tumakbo palabas ng bahay, makikipag sapalaran nanaman ako sa init ng araw at usok dito sa maynila.

"Manong bayad ho sa may kanto lang" Sabi ko sabay abot ng bayad sa drayber dito sa mainit at siksikan na jeep na walang ginawa kundi mag-pausog syempre di rin mawawala yung mga linya ng mga barker na "Lima pa ho sa kaliwa" Kahit na mag mukha ng sardinas ang mga tao sa loob, dito mo rin makikita yung mga normal na mamamayan lang yung mga taong alam mag-commute nakakatuwa kasi sa pang-araw araw mo na pag-sakay sa jeep dito mo makikita yung mga matatandang nag-hihirap sa pag-bubuhat ng pinamili sa umaga nandito rin yung mga binata't dalaga na madalas may gala yung ibang magpapamilya na ang saya sayang tignan tuwing magkakasama sa jeep yung kahit siksikan ayos lang basta masaya ka yung kahit mainit at tumatagiktik na ang pawis mo masaya ka parin dahil nakakasalamuha mo ang iba't ibang klase ng tao.

"Miss! miss pakiabot naman ng bayad ko! Miss! MISS!!!" nabalik ako sa reyalidad ng may sumigaw sa gilid ko kaya napalingon ako, Ang gwapo! Shit! Eto yung mga mukhaang pang penikula! Yung malaprinsipe ang dating! Pero teka..Nagcocommute? Sa jeep?!

"MISS!! SABI KO PAKIABOT KAKO NUNG BAYAD KO!!" Sigaw nito.

"AY PUTO!! HUH? Ano?" Tanong ko dahil hindi ko narinig yung sinabi niya, yan kasi Jona! landi pa! may paprinsipe prinsipe ka pang nalalaman jan.

"WALA MISS, ANG SABI KO ANG BINGE MO! BRAD PAKIABOT NA NGA LANG! MANONG PARA HO SA MAY KANTO LANG!!!" Sigaw nito, aba ang yabang naman neto porket gwapo lang..at ano daw kanto? parang may naaalala ako dun..AY PUTRES OO NGA PALA! MAGA-APPLY KA SA TRABAHO JONA! HINDI MAGLALANDI!!

"AY MANONG MANONG PARA HO! HALA LAGPAS NA!" Dahil sa sigaw ko nagtawanan yung mga tao naririnig ko pang nagbubulungan yung mga studyante.

"Mukha kasing tanga nakatulala" "ayan ang napapalala ng lutang"
"Sabog ba to?" yan lang naman ang pinagbubulungan nila tapos tatawa pero wala na akong panahon sa kanila kaya bumaba na ako sa jeep.

"Paraiso Studio Center" Bigkas ko sa nakasulat sa taas ng malaking building sa harap ko na sa tantya ko'y may labing limang palapag, grabe bigatin! Dito ba talaga ako mag-aapply? Sa sobrang pagkahumaling ko hindi ko na namalayang nakapasok na pala ako sa loob.

"Miss aplikante ka?" Tanong nung medyo may katangkaran at morenong lalake sakin na sa palagay ko ay security guard nitong kompanya.

"Oho, saang palapag ho ba gagawin yung interview manong?" Tanong ko dun sa secu.

"Ay nako miss kay Mr.Paraiso ho kayo magpapa-interview kasi siya po ang magiging boss ninyo sa may 14th floor ho"

"Ha? Mister? Hindi miss? Atsaka bakit diretcho kaagad sa boss? Wala bang Secretary?"

"Kayo ho si Miss De Castro hindi ba? Kayo nalang ho kasi ang huling aplikante" Sabi ni manong.

"ANO HO?! BAKIT NAMAN HO HULI? PAANONG?..MANONG HALA MANONG!!" Maiiyak na sambit ko syempre sa takot na rin kasi baka mamaya mahigpit kaya hindi sila nagtatanggap ng aplikante.

"Subukan mo muna ma'am malay niyo ho makapasa kayo" Bugaw pa nito saakin.

"Manong ma'am agad?" Tanong ko at ngumiti nalang sa kanya nakita ko namang tinanguan ako ni manong kaya nagpatuloy na ako sa elevator, kaso kung mamalasing nga naman sira pa, kaya no choice kundi mag-hagdan, jusko ang init pawis na pawis ako tapos haharap ako sa boss namin? Bahala na! Okay na to kesa late! Kaya binuksan ko na yung pintuan ng opisina para makita lang ang swivel chair na nakatalikod? WTF? ay teka umiikot..may tao?

"IKAW?!?!?!" Sigaw ni Mr.Paraiso sakin.

"Ako?" Tanong ko pa..teka pamilyar siya..siya yung lalake sa jeep hala! Nanlaki ang mata ko at dali daling kinuha yung mga papeles ko at wallet kaso kung mamalasin nga naman nakalock yung pinto!!! Shit! Nakita kong sumilay ang pilyong ngiti sa mukha ni Mr.Paraiso, at alam ko na doon palang na hindi maganda tong pinasok ko.

The Paradise Love.Where stories live. Discover now