★Sixty★

247 6 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Isang smack kiss lang ang ginawa ni Alecsa pero napatulala pa rin ako sa ginawa niya. Ito ang second kiss namin, pero nakakabakla mang aminin...kinilig ako.



"Mamaya ka ng kiligin. Hindi ka pwede dito!"



Grabe naman. Nabasa agad niya ang nasa isip ko?



"Tsk! Wala na kong magagawa dahil nandito na ko. Alam mo bang pahirapan pa kong makapunta dito dahil natatakot ako doon sa mga Alien."



Natigilan ako. Bigla kong naalala sina Mommy't Daddy. Napabugtong hininga na lamang ako.



"Sige na, ang dami mong sinabi."



"Teka! Si Calexy, na saan?"



Umiling ako sa kaniya. "Hindi ko pa siya nahahanap."



Ngumiti naman siya. "Ano pang hinihintay mo? Tara na!"



CALEXY'S POV

I shook my head na para bang nagising ako at bumalik ako sa katauhan ko.



Agad kong nilingon ang nasa likuran ko, and I saw Lorelei lying on the ground.



"Lorelei! Lorelei, wake up!"



Napamura na lang ako habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. I didn't mean to hurt her like hell, but look what I've done to her! Its all my fault! Nakita ko kung ano ang nasa kamay niya. Its a micro chip, and she saved me from this. Napayukom ko ang kamay ko at narinig ko ang pag-crack ng micro chip sa kamay ko.



"C-Calexy?"



Muling bumaba ang tingin ko kay Lorelei and she's awake but still..mahina pa siya. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin, kaya naman hinalikan ko na lang noo niya.



"I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang lahat. I'm sorry, please forgive me."



"Alam ko....alam ko..." She said tsaka siya ngumiti. "Magiging....m-maayos din ang l-lahat....di ba?"



"Yes." I said then I hugged her tight. "Everything's going to be fine, don't worry.."



Nabigla na lang ako nang agad akong tinulak ni Lorelei patagilid, at napansin ko na hahampasin na pala ako ni Miguel ng baseball bat na hawak niya. Alam kong nag-iba na kulay ng mata ko, and this time it turns on color grey. Umaapaw na naman ang galit ko sa kaniya for what he did to me at sa kapatid niya na pinapahamak sa kasamaan niya!



I heard him smirked. "Ayos! Tagal ko na rin hindi nakitang ganiyan ang mga mata mo." He said. "Wala man akong kapangyarihan, pero sisiguraduhin kong matatalo kita, Calexy. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid ko."



Nagtiim bagang ako dahil sa galit ko sa kaniya. "Para sabihin ko sayo. IKAW MISMO ang nagpahamak kay Lorelei! Ginamit mo lang ako with this damn chip! Sa dinami-raming pwede niyang maging kapatid, bakit ikaw pa?!"



"Gago ka!"



Sunugod niya ako gamit ang baseball bat na ipanghahampas niya sa akin. Pero mabilis din akong naglaho at sumulpot sa likuran niya para masakal ko siya. Kaso nakaya niya ring makawala sa akin at mabilis niya akong nasuntok sa mukha.



LORELEI'S POV

Pinilit kong bumangon at hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko.



Starnet Warriors [Next Generation]Where stories live. Discover now