Japanese Pa Ang Nais

1K 52 53
                                    

Prologue

Apat na lalake ang nagsamasama upang maghasik ng lagim. Thunder Cross, Jp Jung, Min Yoongi, at Ramon Kim.

Sino nga ba sila? May mapapala ba kayo kung makikilala niyo sila? Syempre wala, pero nandito na tayo kaya ipinapakilala ko ang apat na hapon.

Thunder Cross, 

Tao ba 'to? pwede. Hayop? pwedeng pwede. Para siyang math problem na ibinigay ng teacher niyo, mahirap intindihin. Depende na lang kung, alam mo na, mahina ka talaga sa math. Pero kung ang usapan ay napunta sa mga bagay na hindi malinaw, siya ay nagiging halimaw. Daig pa nyan yung nanay mong sumisigaw ng masasamang words dahil wala ka ng ginawa kung 'di mag selpon.

Jp Jung, 

Eto, sure na ako na hayop 'to. Napaka talentado, at napaka tarantadong nilalang. Nakakatuwa lang na hinding hindi ka masasaktan lalo na kapag yakap ka nito, parang sinaksak ka lang naman ng nahasang kutsilyo. At kapag ang usapan ay napunta sa mga bagay na hindi malinaw, mas malinaw pa sa kung bakit iniwan ka ng jowa mo para sa iba ang mga mata niya. Isa din 'to sa kakompetisyon ng nanay mo, mapapadasal ka na lang talaga na sana marealize niya na daig pa niya yung kapitbahay niyong nagv'videoke na feeling singer pero panay stupid love lang ang kinakanta.

Min Yoongi,

Hey Siri, play Diamonds by Rihanna.
Rihanna who? I only know Min Yoongi. Talo yang ilaw ng tahanan niyo sa gilagid ng taong 'to. Daig pa neto ang mga stars sa galaxy, malayo man o malapit kumikinang pa rin ang kanyang gilagid. Hapon ang kayang paborito. Kayo na ang humusga sa taong 'to.

PS. Please handle with care!

At ang panghuli,

Ramon Kim,

Siya na ata ang may pinakamabahong sama ng loob. Kapag nadatnan mo siya sa kubeta magtataka ka talaga kung ilong mo ba ang may problema o yung kubeta, pero wala talaga sa dalawa. Mapapadasal ka na lang na sana gabayan ka ni lord sa oras na yon. At pagdating sa hapon, hindi na sama ng loob ang lalabas sa taong yan kung 'di kababalaghan. Dinaig pa yung mga ghost caught on camera sa youtube.

Sino ulit sila? Sila lang naman ang apat na kalat, daig pa wonder pets sa dami ng tulong na naibigay nila. At kapag nilapitan ka nila mag dasal ka na ng tatlong ama namin.

May napala ka ba? Syempre wala.

_____________

Pinkue:
Sorry Thunderbells baka balian mo ako ng buto.
Sorry kaBABAyo baka saksakin mo ako at sipain.
Sorry Lolo Sugams bigyan nalang kita ng memo plus gold.
Sorry Badjao ft.Ebak baka paglinisin mo ako ng tae mo.

Hahahaha Sorry sa mga isusulat ko

Ps.Natatawa ako hahahaha

[Names of Characters are not mine,hiniram ko lang kay @dauntlehs at @pinkuxtel.Iwabyu Mama Queen at Pretty Author!]

;Edited

Japanese Pa Ang NaisWhere stories live. Discover now