Japanese 1

614 41 49
                                    

IT STARTED WITH PINK SALAZAR

Isang araw, may apat na lalake ang sumulpot kung saan. Papunta sila sa kanilang paaralan para mag kalat.

"Hoy pre!" Sigaw ng isang lalake sabay palo sa likod ng isa sa mga kaibigan niya. Siya si Thunder Cross.

"Bakit Tander?" Tanong naman nung isa na abala sa pagkakalikot ng kanyang ilong, dugyot diba. Siya naman si Jp Jung. Magsasalita na sana si Thunder pero biglang sumagot naman ang isa sa mga kasama nila, "Excited makita si Rain." siya naman si Min Yoongi.

"Kileg pwet si Thunder na birdless! I-tae mo na yan." Sumbat naman ni Ramon Kim. Inambahan naman ng sapak ni Thunder ang kanyang kaibigan pero nakailag ito. Nagkukulitan silang apat habang patungo sa paaralan at dahil talo si Thunder sa asaran tumahimik na lang siya, sino ba namang lalaban sa tatlong tao ng mag isa lang. Lalo na't may tinatagong sandata ang isa sa kanila. Pagkatapos ng mahabang lakaran, maliban na lang kay JP na tumakbo at kung saan lupalop man niya nakuha ang enerhiya para tumakbo ay hindi ko rin alam. Maraming istudyante ang bumabati sa kanila at meron din naman mga nakatitig lang na para bang may mali o kakaiba sa apat na 'to. 

Nang makarating sila sa kanilang classroom, sinalubong at binati naman sila ng mga classmate nila. "Nudes este Dudes, kumusta kayo?" sumulpot na lang bigla ang isang lalaki na kapansinpansin ang kalakihan ng kanyang ilon. Ang pangalan ng ilong na to ay Liam Montero o mas kilala bilang Liamgoloid sa kanilang classroom, bakit? hindi ko rin alam. 

"Mga par kumusta?" Siya naman si Dylan Silva, sabi nila kapatid niya si Jin Silva pero sabi sabi lang dahil maraming chismosa dito at sa chismis na lang sila nabubuhay. Syempre magugulat pa ba tayo na ang chismis ay nanggaling kay Thunder.

"Wassup Babes~ Ouch!" Yan naman si Matthew Sandoval at ang sumapok sa kanya ay si Tymee Andrada. Ang mag jowa sa klase, walang forever kaya magbebreak din sila. Anyway, Si Matthew ay may tagong pagnanasa kay Jp pero chismis lang din naman. 

"Mga ulol buti pumasok kayo. Woah Sugago, kumusta naman po ang balakang?" Ayan naman ang bansot sa klase, si Jimmy Park at Nixon Smith. Mga hindi pinagpalang pag dating sa height, kawawa yang mga yan kapag height ang pinag-uusapan dahil sila 'lagi ang pinagtutulungan ng buong klase. Magkaheight lang din naman silang dalawa pero kung makapagpaligsahan kung sino ang mas lamang wagas, tinalo pa yung dalawa mong kagrupo sa thesis kung sino ang mas maraming ambag pero parehas lang naman silang dalawa, mga walang ambag. 

May mga sariling mundo naman ang ibang istudyante, may mga feeling may lovelife, may mga naglalandian, may nagpapaganda, at may nagpapaligsahan din kung kanino ang may pinaka malaking t— tshirt. 

"Wow ang galing di kayo tumangkad Jimmy at Nixon! I therefore conclude na may forever, sa height niyo " Sabi ni Jp

"Hahaha p*tangina Jp!"

"Gago Jp"

"Hahaha go kabayo"

"Ang gago mo pards hahaha"

Ilan lang yan sa mga reaction ng ibang istudyante, habang wala pa ring pake yung iba sa kaguluhan na nagaganap. Isa na dito si Jasper Madrigal, nakaupo lang siya habang pinapanood ang kalokohan ng kanyang mga kaklase. Wala rin naman nangengealam sa kanya dahil, hindi ko rin alam. Ang masasabi ko lang ay kung si Dylan nga takot dyan.

"Pakq kabayo, at least ako may abs ikaw babs" Asar na sabi ng Unano Duo. Tuwang tuwa naman ang klase sa banatan ng tatlo.

"Pasinghot ko yang abs mo kay Liam" balik naman ni Jp

Tawanan nanaman ang lahat. Hindi naman makatawa si Liam dahil nadamay na naman ang kanyang ilong. Nagpatuloy ang pang aasar nila sa bawat isa hanggang naisipan nilang pumunta sa mga pwesto nila at umupo. Pumunta na ang apat sa kanya-kanyang pwesto. Si Thunder sa tabi ni Rain, si Yoongi, Jp, at Ramon naman ay magkakatabi. 

Habang nagdadaldalan ang tatlo napansin ni Jp si Pink na nakikipag-usap kay Jin, manliligaw niya. Close kasi si Jp at Pink kaya marami ding alam si Jp tungkol kay Pink, at dahil walang magawa naisipang magkwento si Jp tungkol kay pink sa mga kaibigan neto. Naalala lang naman kasi niya na sinunog ni Pink lahat ng tanim niya kaya naisipan niya ichismis si Pink sa kanyang mga kaibigan.

"Oy mga panget may sasabihin ako" bulong ni Jp sa dalawa.

"Makapanget naman 'to, pogi mo ha" sabi naman ni Ramon. Nagbangayan na ang dalawa hagang sumigaw nang pabumulong si Yoongi,

"T*ngina ng mga to sabihin mo na nga Jp"

"Kalmahan mo lang lolo, yung puso at balakang niyo" Sabi ni Jp at Ramon ng sabay.

"Gago"

Tinawanan lang siya ng dalawang. Si Thunder naman, dahil isang dakilang chismoso, nagpaalam siya kay rain at lumipat sa tabi ng tatlo.

"Oy Tander, kamusta ang paglandi?" tanong ni Ramon.

"tigilan mo nga ako at tumae ka nalang dyan

"Chill lang pero nice timing Tanderrific" sabi ni Jp

Napangiti naman yung tatlo, kasi alam na nila sa itsura palang na mukhang kabayo ni Jp alam na nilang may pinaplano siya na ikakatuwa naman nila. Lahat ng atensyon nila ay nakatutok kay Jp, hinihintay kung anong ibabagsak ng kabayong 'to.

"Ganito kasi yun..." pagk'kwento ni Jp. Tawa nang tawa naman ang tatlo habang nakikinig, buti nalang wala ang kanilang guro kundi paniguradong mapapalabas na naman silang apat. Patuloy sila sa pagtawa, kawawa naman ang pinag-uusapan nila walang kaalam-alam. Traydor talaga si Jp.

"gago ka talaga Jp hahaha," palakas nang palakas ang tawa nilang apat kaya'y pinatitinginan na naman sila ng iba nila kaklase. 

Nagtinginan naman ang apat na para bang nag uusap sila at nagkakaintindihan."may plano ako..." sabi naman ni Thunder. Sumang ayon naman ang tatlo, paniguradong ikakatuwa din nila ito. Tumahimik naman na ang lahat dahil pumasok na ang kanilang guro, kung tawagin nila ay Mama Queen. Nag turo na siya at nakinig naman ang klase maliban sa apat na lalake, ano pa bang aasahan natin sa kanila. Malamang may sarili na naman silang mundo, anong iniisip nila? Iniisip nila kung sino at paano nila gagawin ang plano, plano na magsisimula kay Pink Salazar.

____________

Pinkue:

Malalaman niyo kung anong sinabi ni Jp at Tander sa mga susunod na chapter. Sa ngayon secret muna haha. Thunder, Jp, Yoongi, Ramon at ibang MA at TGP Cast na nakakaalam pati kay Mama Queen quiet lang po kayo.

Ps. Para malaman kung sino ang mga Characters pakibasa ang Monstrous Academy by @dauntlehs at Their Gang Princess by @pinkuxtel

Iwabyu mama queen And pretty author

;Edited

Japanese Pa Ang NaisWhere stories live. Discover now