Kabanata 26

2K 55 0
                                    



Kabanata 26

Dasal

Sabay kaming pumasok sa elevator. Nang nagsara ang pintuan ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.

Really? Hindi naman ako aalis! Saan naman ako tatakbo dito sa isang maliit na espasyo 'diba? But I don't want to complain.

"Hindi pa tayo nagaalmusal. Gusto mo kain muna tayo bago umalis?" tinignan niyo ako.

I shook my head "Huwag na! Mas lalo lang natin silang paghihintayin." sagot ko.

Kumunot ang noo niya "Hindi ka ba nagugutom? Susunod nalang tayo sa kanila. Ayaw ko namang nagugutom ka.."

Umiling ulit ako "Hindi ako gutom. Hindi naman kasi ako madalas kumain ng tatlong beses sa America, e!" ngumiti ako.

Tumango siya "Okay, kung iyan ang gusto mo." matamlay siyang ngumiti.

Bigla sumagi sa aking isipan na baka siya ang gutom. Fuck! Hindi ko man lang naisip iyon? Sobrang makasarili ko talaga.

Magsasalita na sana ako ngunit bumukas na ang pintuan sa unang palapag. Lumabas na kaming dalawa.

Agad naming nakita si David na kausap ang isa sa mga tourist guide. Bigla siyang napatingin sa amin at gulat ang nakita kong ekspresyon sa kanyang mukha.

"Good morning ma'am, sir" sabay nilang sabi.

Ngumiti si David at umalis naman na ang babae pagkatapos kaming batiin. Kahit nakangiti ay halata pa rin sa mukha ni David ang pagkagulat.

"Good morning, nandyan na ba ang coaster na sasakyan naming lahat?" tanong ko.

Tumango agad siya "Opo ma'am, kayo nalang po ang mga hinihintay ng mga turista." aniya.

Biglang napataas ang aking kilay.

"Meron ka bang schedule namin sa buong araw ngayon diyan?"

"Wala po ma'am, e! Tanungin niyo nalang po dun sa Tourist Guide, sigurado akong meron!"

Tumango ako "Sa tingin mo anong oras amg lunch? Alas dose rin ba?"

"Opo, ipupunta po kayo sa isang restaurant pagkatapos niyong bisitahin ang St. James Church" ngiti niya at tumango nalang ulit ako.

Sumulyap ako kay Xavier at nakita kong nakakunot ang kanyang noo.

"I though you were not hungry? Bakit ka nagtatanong ng lunch agad?" tanong niya.

Umiling ako "Hindi naman para sa akin iyong lunch, e! Para sa'yo, mukhang gutom ka na." umirap ako at ngumisa,

"Talaga? Inisip mo ako?" ngumiti siya.

Hindi ako sumagot at hinila nalanh siya palabas ng hotel. Pagkalabas naman ay agad kong nakita ang coaster na halos puno na ang nasa loob.

Binilisan namin ang maglakad papunta doon. Napatingin sa amin ang ibang turista na nakaupo na sa loob.

Sinalubong naman kami ng lalaki at babaeng tourist guide. Ang babae ay ang kinakausap kanina ni David.

"Magandang umaga po, ma'am, sir!" sabay nilang bati at ngumiti.

"Pasok na po tayo para makaalis na!" ngiti pa rin ng lalaki.

Pinauna akong pumasok ni Xavier at sumunod naman siya sa akin. Tinignan ko ang mga tao at puro sila mayayaman. Ang iba ay foreigner.

Umupo ako sa gilid ng bintana at tinabihan naman ako ni Xavier. Pinagsalikop nanaman niya ang mga daliri.

Hindi naman kasi ako aalis, e! Napatawa ako sa aking isipan.

What If? (Montenegro Series)Where stories live. Discover now