46.

35.6K 687 29
                                    

** ENRIQUE MARSHALL **

Napabuntong hininga nalang ako ng mawala na sa paningin ko ang dalawang tao na masayang nag iinom at nagkwekwentuhan sa ibabaw ng sasakyan na kanina ko pa pinagmamasdan mula sa terrace ng bahay nila Lorenz kaibigan ko na doktor din at Mayor ng bayan na kinaroroonan ko, matagal tagal din akong hindi nakauwi ng bansa napauwi nga lang ako dahil sa medical mission ni Lorenz matagal nya na kasing hinihingi ang tulong ko hindi nga lang ako makauwi uwi dahil sa madaming bagay na nakakapigil sa pag uwi ko at isa na nga dun ang takot, takot na harapin ang galit at mga sumbat ni MJ. It's been 7 years pero halos walang nagabago sakanya lalo pa syang gumanda at lumakas ang dating, kitang kita ko sa mga nya kanina yung galit nya para sakin kung siguro nakakamatay ang tingin bumulagta na ko kanina sa harap nya. Muli napabuntong hininga nanaman ako ng maalala ko ang nangyari kanina ng magkrus ang landas namin.

" Any problem bro? " Tanong sakin ni Lorenz na hindi ko napansin na dumating.

" Just thinking something. "

" Something o Someone? " halata sa boses nya ang pang aasar.

Hindi naman na ko sumagot, tama si Lorenz im thinking of someone kelan ba sya nawala sa isip ko, sa loob ng seven years im always thinking about her, im such a jerk ng iwan ko sya ng walang pasabi. Iniwan ko sya sa ere. Just the think of that napayuko nalang ako i still feel na regrets,

" It's ok pare. Sabi ko naman sayo if you love her maglakas loob ka na para harapin sya ipaliwanag mo lahat sakanya, kahit ilang beses ka nyang ipagtabuyan wag ka pa din susuko isipin mo nalang na parusa mo yun sa kagaguhan mo. Haha. " Sabi nya habang tinatapik tapik ako sa likod.

" Baka nga hindi lang ako ipagtabuyan nun , baka sipasipain pa ko nun at habulin ng bala ng baril. " Nakangiti ako habang sinasabi ko yan naalala ko kasi ang mukha ni Maria pag naiinis sya at sigaw ng sigaw.

" Haha, she's like MJ huh? Dapat makilala mo sya bro, " Puno ng sigla ang boses ni Lorenz kaya napatingin ako sakanya. Ngiting ngiti sya.

" You like her? " Alanganing tanong ko.

Isang matamis na ngiti at kibit balikat lang ang sinagot nya sakin.

" Anong ngiti yan. Hoy Lorenzo hindi ka pede magkagusto sa kanya! " napatayo ako at sinigawan sya.

" huh? Why not? She's single, im single. "

Loko to ah!

" Dahil pangit sya! " wala sa loob na sigaw ko sa kawalan ng maidadahilan.

" Magpacheck up ka bro ang labo na yata ng mata mo. " -Lorenz.

" Basta hindi pwede Lorenz. "

" Bakit? Gusto mo ba sya? " Seryosong tanong ni Lorenz.

" Ha? Ano? Type ko yun? Hindi no! Hindi ko type yun, hindi kagandahan. "

" Yun naman pala e. Dyan ka na magpapahinga na ko, Pa check up ka bukas may problema na yang mata mo. "

" Hoy Lorenzo! Umayos ka ha! May Mayumi ka na. " Sinundan ko pa din sya habang papunta sya sa kwarto nya.

" Break na kami. " Tipid na sagot nito, pumasok na sya sa kwarto nya pero sinundan ko pa din sya.

" May ipapakilala ko sayo kaibigan ko sa amerika. "

" Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas. "

Pinihit nya ko paharap sa pinto, at sapilitan na itinulak palabas.

" I like MJ! PERIOD. " Sabi ni Lorenz ng makalabas ako sa kwarto nya sabay sarado ng pinto.

Ako naman naiwan lang na nakatunganga sa saradong pinto ng kwarto ni Lorenz, at napailing na lang na naglakad na din pabalik sa kwarto ko.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon